Special Chapter- Chad's POV

15.1K 316 13
                                    

CHAD'S POV


"A'ishah, kausapin mo naman ako oh? Wag mo naman ako pagmukhaing tanga. Wag naman ganito. Ano bang problema?" halos nagmamakaawang sabi ko na sa kanya.

Ilang araw nya na kasi akong iniiwasan at hindi pinapansin. Hindi nya na din sinasagot ang mga text at tawag ko sa kanya. At kung sasagot man sya, napakadalang lang. Basta simula ng pumasok ulit ako pagkatapos kong maka-recover sa aksidente, nag-iba na ang trato nya sakin.

Hindi naman ako tanga at manhid. Alam kong may problema sya pero hindi sya nagsasalita. Ayaw nyang magsabi. At mababaliw na ko sa kaiisip kung ano ba talagang problema nya.

"Chad, kailangan ko ng umuwi. Bukas na tayo mag-usap." malamig na sagot nya saka ko tinalikuran.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sobrang frustration at inis, "T-ngina naman A'ishah! Nung isang araw mo pa sinasabi yan pero hindi mo naman ako kinakausap! Ano bang problema mo?! Ako ba? May nagawa ba ko?" nahinto naman sya.

"W-wala." alangang sagot nya sakin.

"E, bakit nagkakaganyan ka?! Maawa ka naman! Sabihin mo!" halos maiyak na ko. P-ta, ang sakit sakit na kasi! May karapatan din naman siguro akong masaktan.

"Chad," she called out. Huminga sya ng malalim bago nya ko tingnan ng walang emosyon at ipagpatuloy ang sasabihin nya,

"Ayoko na."

Hindi ako nakapagsalita, gusto kong magsalita. Gusto kong itanong kung anong sinasabi nya. Pero biglang syang umiyak sa harapan ko at sinabi ang bagay na nakapagpahinto sa buong sistema ko,

"Please, itigil na natin 'to. Pagod na ko e."

Unti unting naglabasan ang mga luha ko sa mga mata ko. Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung tama yung mga narinig ko pero p-tang-na, parang may bagay na nabasag sa loob ng dibdib ko.

"Niloloko mo nalang ang sarili mo sakin, Chad. Yun na din ang tingin ng iba sayo. Kaya bago pa tuluyang lumalim kung ano mang meron tayo, ako na tatapos sa sinimulan mo."

At bago pa sya may masabihing iba, tumalikod na ko at unti-unting naglakad palayo sa kanya.

Tangina.

Ang sakit.


*


Hindi ko na alam kung paano ko nakarating sa bahay, hindi ko na din alam kung paano ko napunta sa kwarto ko. Halos wala na ko sa sarili ko. Nakatulog nalang ako dahil sa iyak at nang magising ako, doon ko naalala na, hindi na pala kami.

Kahit hindi ko alam kung paano ko haharap sa kanila, pinilit kong umarte na parang wala lang yung mga nangyari. Paniguradong alam na nila yung nangyari at bahala na din sa mangyayari ngayon.

Late akong pumasok at nang makaupo ako sa tabi nya binate nya pa ako ng 'Good morning' at nakangiti pa sya.

Siguro.. siguro pwede pa naman di ba? Baka nabigla lang sya kahapon. Oo. Tama. Baka hindi nya sinasadya yung mga nasabi nya. May pag-asa pa naman siguro di ba?

Sige, ako na nagpapakatanga. Pero ayokong umalis ng hindi ako lumalaban. Ayokong may pagsisihan.

After class, hinila ko sya sa private room naming, nagulat man sya ay hindi sya nagsalita at sumama nalang.

"Bakit?"

"A'ishah, wala na ba talaga?" tanong ko at pinilit kong maging matatag sa tono ko.

Nakita ko yung sakit sa mga mata nya pero agad din nawala at napalitan ng blankong ekpresyon iyon, "Chad.."

Brat Girl Meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon