Chapter 24

187K 1.3K 45
                                    

CODY'S POV

Andito ako ngayon sa bahay ni Chad. Kasi naman naguguluhan ako sa mga nangyayari sakin. Di naman sa nagrereklamo ko pero sa edad kong 'to engaged na ko? Ano bang iniisip nila? Napi-pressure ako. Damn.

"Ayoko nang tanungin kung anuman ang problema mo. Di ka din naman magsasalita e. Inom nalang tayo gusto mo?" aya nya sakin. Ngumisi ako. Sumbong ko kaya 'to kay A'ishah.

"Alam ko iniisip mo gago. Ngiti mo palang oh? Sige lang. Isumbong mo ko, di ka aabot sa kasal mo." natawa ko at napailing nalang. Hindi ko alam kung under ba 'to kay A'ishah o ano e.

"Hindi ako under. Masyado ko lang mahal ang babaeng yun at ayoko ng mag-away kami." Nanlaki mata ko. Awtsu. Gaguhan na. Mind reader ba 'tong pinsan ko?

"Hahaha! Langya, Cody! Itsura mo! Hahahaha! Hindi ako mindr eader okay? Kahit nakatahimik ka ngayon, expression palang ng mukha mo nababasa ko na isip mo. Matagal na kitang kilala!" sabi nya. Natawa ako.

"Malamang pinsan mo ko. Magkasama na tayo simula pagkabata at kahit papaano nagsasawa na ko sa pagmumukha mo!" sagot ko sa kanya.

"Asa ka boy! Sa gwapo kong 'to? Baka naman nababakla ka na sakin? Hahaha!" Gago talaga 'to kahit kelan.

"Tangina! Magkamatayan na!" at nagtawanan nalang kami. Ganyan lang naman kami pag magkasama ni Chad e. Aayain ko pa sana sya ulet mag-inuman kami kaso biglang nyang naisip na pumunta kila A'ishah. Sama na ko syempre. Ano na naman kayang pumasok sa isip nitong gagong 'to? Tapos sakto pagdating namin dun sinalubong kami agad ni Baby Girl. Lakas ng instincts ng babae. Kinikilabutan ako.

"Swimming tayo!" sabi ni A'ishah. Ha? Okay lang sya? Ilang araw nalang December na. Ang lamig lamig ng panahon gusto nyang manigas sa lamig?

"Alam kong malamig na at ilang nalang December na pero hindi naman siguro masama yun di ba? Tsaka sina-suggest ko yun para sa inyo ni Taisha!" Takteng yan! Naiisip ko palang e! "Naisip mo no? Oh dali na! Tawagan mo na si Taisha!"

"Mag-boyfriend nga kayo." sagot ko sa kanya at tinawanan lang nila kong dalawa. Takte! Mindreader ba talaga 'tong mag-syotang 'to o ano?

Sinunod ko nalang sya. Tinawagan ko si Taisha..

"Hello?" sagot ni Taisha sa kabilang linya. Bakit ba ganito ako? Para kong nanigas nung narinig ko yung boses nya? Tangina ang gay ng dating ko.

"Ah .. yo." sagot ko. Palpak agad men.

"B-bakit?" medyo kinabahan ako sa tanong nya.

"Tomorrow. Rim Park. 10AM. Geh bye." pagkasabi ko nun in-end ko na yung call. Badtrip! Ano bang nangyayari sakin?

Pagharap ko kina Chad ang sama agad ng tingin sakin ni A'ishah. Sabay binatukan ako. "Areku! Bakit?" kahit kelan ang brutal talaga ng babaeng 'to. Ang sakit nya bumatok ah?

"Itatanong mo pa? Baliw ka din e no?"

"Teka, bakit ba?"

"Sabi ko ayain mo sa swimming hindi ayain ng date! Akin na nga yang phone mo! Ako na mag-aaya!"

"Bakit sa phone ko pa? Meron ka naman ah?"

"Aangal ka?" sabi nya tas tinapat nya sakin yung closed fist nya.

"Eto na nga e. Bibigay ko na." no wonder minsan ayaw syang patulan ni Chad. Ang sadista nya masyado. Si Chad naman tinawanan lang ako. Ayos. Natuwa pa sya sa ginawa ng girlfriend nya? Tss. Ang weird ng mag-syotang 'to. At ayun, tinawagan na ni A'ishah ang bestfriend nya. At sinabeng aalis kami agad bukas kasi daw Friday na din naman.

Brat Girl Meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon