Chapter 33

243 14 9
                                    

"Ano na bes? Wala ka pa rin bang balak bumalik dito? Haleeerrr..Mag-iisang taon ka na jan sa Cebu. Wala ka na bang balak bumalik?" tanong sakin ni Kyra habang kausap ko siya sa phone. Tahimik lang ako sa kabilang linya.

"Bes?Haler!Buhay ka pa jan?" dagdag niya pa.

"I can't go back there. Not until..."

"Not until he contacts you and find you." dagdag niya sa sasabihin ko. She really knows me. Ngumiti ako ng mapakla.

"Jusko naman bes!Paulit-ulit nalang ba? Mag-aantay ka pa rin?Ay naku!Ewan ko sayo."

"Babalik siya." mahinang sagot ko. But a doubt is starting to grow within me. Mag-iisang taon na simula nung huli ko siyang nakita. What took you so long Jay?

Matapos ang balitang hindi na siya nagrenew ng contract sa agency niya at ang pamamahinga niya daw sa showbiz ay wala na akong narinig na balita tungkol sa kanya. He deactivated his social media accounts. I never tried contacting him because I don't have the guts. So I just patiently waited, and still waiting until he comes back. But will he come back?

Almost 6 months after he ended his contract and left show business and yet, bakit wala pa siya?

Asan ka na Jay?

Paulit-ulit na tanong ko sa aking sarili.

Babalik ka pa ba?

Will you come back to me?

"BABALIK?JUSKO NAMAN BES!KELAN?HANGGANG SA PUMUTI NA YANG BUHOK MO?" ramdam ko ang frustrations ni Kyra sakin. Hindi siya natutuwa sa ginagawa ko.

"Bes..Babalik siya. Naniniwala ako. Babalik siya."

"Ay ewan ko sayo bes. Basta!Pag wala talaga bumalik ka na dito. Pag di talaga ako nakatiis,talagang pupuntahan kita jan at ipapasok kita sa maleta para makabalik ka na dito." banta niya at bahagyang natawa ako.

"Sira ka talaga." iiling-iling na sagot ko.

"Basta, tandaan mo yung sinabi ko."

"Okay." sagot ko pero biglang naputol yung linya.

Binabaan ako?Langya.

Isinilid ko ang aking phone sa aking bulsa.

I heave a sigh at dinama ang simoy ng hangin.

Tahimik na pinagmasdan ko ang dagat habang nakaupo sa mapuputing buhangin mula sa dalampasigan. The crystal clear waters and the crashing of waves makes it a beautiful sight to see.

But no matter how beautiful the sight was, the thought of him never escapes through my mind.

Hindi siya nawawala.

I think of him.

ALWAYS.

I needed to unwind kaya naisipan kong pumunta sa isang tourist spot dito sa Cebu, ang Bantayan Island.

Habang naglalakad ako kanina sa dalampasigan ay napadpad ako sa isang banda kung saan kokonti lang ang tao kaya naman naisipan kong huminto rito.

Sinuyod kong muli ang aking paligid. May nakikita akong isang pamilya na masayang naglalaro habang naliligo, nagsasabuyan sila ng tubig sa isa't-isa. Sa bandang malayo naman ay may nakikita akong magbabarkada na nagkakatuwaan. Then, I saw a young couple, holdings hands while walking at the beach. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inggit. Sana magawa rin namin yan.

Ibinalik ko ang aking paningin sa dagat.

'Sana bumalik ka na Jay' mahinang bulong ko.

Dahan-dahan akong tumayo at pinagpag ang mga buhangin. Naisipan ko ng bumalik sa cottage dahil ramdam ko na ang init mula sa sinag ng araw.

Yes to Patch Up or Closure? (COMPLETED)Where stories live. Discover now