Chapter 10

296 15 12
                                    


Kung minsan, sadyang mapaglaro ang tadhana.

Kung sino pa yung ayaw mo makita, siya pang nalalapit sayo.

Bakit kung kailan akala ko okay na ako saka pa kami nagtagpo ulit? And worst, pinaglalapit pa ang mundo namin?

*******

"Jayvee!" "Devy"

Sabay naming naibulalas.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha at ganun din ako nung napagtanto ko na magiging kapitbahay ko siya. Pati si Kyra ay di nakapagsalita.

Pero agad kong napansin na napangiti siya na tila natutuwa nung makita ako na kalalabas lang sa unit ko.

"I think fate is siding on me now." he said smiling while looking at me.

Tinaasan ko lang siya ng kilay and decided to ignore him. "Ky, let's go!" aya ko kay Kyra sabay alis and I didn't bother to look at him again.

Naramdaman ko naman na sumunod lang si Kyra sakin.

Nung tila nakarecover na siya sa gulat saka lang siya nagsalita.
"OMG Devs!That was Jayvee?Oh gosh!Oh gosh! I can't believe it."

"Ako nga din eh." inis kong saad.

Bumilis ang lakad niya hanggang sa nasa unahan na siya at hinarap ako.
"So ano na gagawin mo?" curious niyang tanong.

"Wala?" sagot ko na di sigurado.

"Anong wala?"

"Wala, as in dedeadmahin ko lang siya if ever magkita kami?"

"Ay! Deadma effect?Edi halata na affected ka pa sa kanya." sabay tawa niya.

"Hindi no. Eh anong gusto mong gawin ko, mag 'hi' at 'hello' ako sa kanya pag nagkita kami?"

"Hindi naman. Just act normally. Yung tipong hindi ka na affected sa kanya."

"Ay sus!Dami mong alam Ky. Basta, as much as possible, I'll act as if I didn't know him. Mabuti na yun. And besides, I already told him about that."

"Kailan?"

"Weeks ago. Sa party ni Mrs. Chua. I've seen him there. Invited pala siya since he's one of their leading endorsers." Hindi ko kasi naikwento kay Ky yung nangyari nun.

"Ahh..I see." sabay tango niya. "bakit hindi mo ikinuwento sakin yan ha?" dagdag niya na tila nagtatampo.

"It's not important." tipid kong sagot.

"Anong not important ka jan? Naku ha, baka nagpapadala ka naman jan kay Jayvee?" binigyan niya ako ng makahulugang tingin.

"No way!Hindi na ako katulad nung dati na tanga at agad-agad nagtitiwala. I already learned my lesson Ky." kampante kong sagot.

"Well, that's good to hear bes! Basta, don't let him affect you again. Nakita ko kung paano ka nasaktan dati kaya ayoko na maulit pa sayo iyon."

"Don't worry Ky. I can handle myself."

Pagkatapos ng usapan naming iyon ay dumiretso na kami sa pag-uwi.

Pero habang nasa byahe ako, I can't help myself from thinking about what he said.
"I think fate is siding on me now"

fate mo mukha mo. Tss.

Binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko. Gusto ko nalang na makauwi agad at magpahinga.

******

"Oy bes! Halatang di nakatulog ah?" bungad sa akin ni Kyra. Andito ako ngayon sa resto namin dahil ngayon ang opening neto.

Yes to Patch Up or Closure? (COMPLETED)Where stories live. Discover now