Chapter 22

222 10 9
                                    


"Pero may iba akong gusto." seryosong saad nito na ngayon ay diretsong nakatitig sakin.

I know hindi naman imposible na may iba syang gusto pero ang titigan ako ng ganyan ang nagpakaba sa akin.

"At sino naman yan?" I asked trying not to feel awkward dahil sa pagseseryoso niya. I don't like seeing him this serious. Kinakabahan lang ako.

Sumilay ang ngiti ni Lucas. "Bakit interesado kang malaman?"

Medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil nakikita ko na ang mukhang mapang-asar ni Lucas. "Wala lang. Ang malas niya lang kasi nagustuhan siya ng isang bully na Jon Lucas." natatawang sagot ko.

"Anong malas? Oy! She's very lucky dahil nagustuhan siya ng isang Jon Lucas na gwapo,hinahangaan ng marami, at maraming naghahabol."

"Wow!Ang yabang lang.tss." iiling-iling na sagot ko sabay tawa.

Biglang tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag si Janu. Agad ko itong sinagot.

"Hello." sagot ko.

"Asan ka ganda?Kumakain na kami. Ikaw lang yung wala." ani Janu mula sa kabilang linya.

"Tapos na akong kumain. Sorry. Hindi ko na kayo hinintay."

"Ay sus! Alam ko ang rason mo bakit nauna kana. Naku ha?Anyway, sige,kita nalang tayo mamaya sa venue. Magprepare ka na kasi after namin dito diretso na kami dun."

"Okay. Sige." sagot ko.

Pagkatapos nun ay pinatay ko na ang tawag. Bumaling ako kay Lucas at nahuli ko siyang nakatitig sakin pero agad ding nag-iwas ng tingin. Weird!

"I'll go ahead Lucas. Kailangan ko na magprepare." paalam ko.

"Sabay na tayo. Babalik narin ako." aniya.

Wala na akong nagawa. Sabay kaming naglakad ni Lucas. He seems off. Nakakapanibago ang pagiging tahimik niya. Parang may malalim na iniisip.

"Himala ang tahimik mo ngayon." puna ko sa kanya. Ang awkward kasi pag sobrang tahimik niya.

"May iniisip lang." tipid niyang sagot.

"Like what? Wanna share?"

Ngumisi siya, "Himala at mukhang naging interesado ka talaga sakin ngayon."

"What?Nagtatanong lang, interesado agad?" taas-kilay na sagot ko.

"Ganun na rin yun." at mas lumapad pa ang ngiti niya.

"Tss. Ang gulo mo talagang kausap Lucas." sabay iling ko at iniwan sya.

Tatawa-tawa naman siyang sumunod sakin.

"Aminin mo na kasi, interesado ka!" pangungulit niya pa na ngayon ay nilagpasan ako at naglakad siya paatras dahil nakaharap siya sakin.

"Umayos ka nga Lucas. Tabi jan oy baka may mabunggo ka pa."

"Now, you're concern."

Umirap ako. "Concern ako sa taong makakabunggo mo if ever."

Tumawa lang siya kaya napailing nalang ako.

Huminto siya sa harap ko kaya napahinto rin ako.

"What now?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya dahil sa biglaan niyang paghinto.

"You'll be staying here for 3 days pa right?" aniya.

"Yeah..eh ano naman?" takang tanong ko.

"Just..." mukhang may iniisip siya at ngumiti sakin. "nothing." sabay tinalikuran ako.

Yes to Patch Up or Closure? (COMPLETED)Where stories live. Discover now