Chapter 13

299 13 10
                                    

To: Bes Kyra

Bes, malelate lang ako ngayon ha?Makikipagkita daw sakin si Mrs. Chua eh. She wants to meet me personally kaya I'm on my way na sa office niya.

(sent)

I texted Kyra. Umalis kasi siya kahapon kaya di ko nasabi sa kanya na may lakad ako ngayon.

*Beep*(txt)

Bes Kyra: Okay bes. No probs.

Inilagay ko na ang phone ko sa bag ko.
Nang makarating ako sa building eh agad ko ng ipinark ang aking sasakyan. Bumaba agad ako at nagtungo sa opisina ni Mrs. Chua.

Hindi ko alam kung ano ang pakay niya. Baka may celebration ulit sila at kami ulit ang magluluto?
Pero ba't kailangan niyang sa personal pa sabihin? Ang weird naman.

Nagtanong ako sa guard kung saan ang office ni Mrs. Chua. Binigyan naman niya ako ng direksyon at pinapasok ako kasi expected na rin daw ang pagdating ko.Nainform na sila ni Mrs. Chua. Wow ha?Parang VIP lang ang peg ko.

Sinunod ko ang direksyon  na itinuro ni manong guard. Malaki ang building kaya nahirapan din akong hanapin ang office ni Mrs. Chua kaya naman ay sinamahan ako ng isa sa mga secretaries dito.

"We're here Miss. " sabi nito.

"Thank you." sambit ko sabay ngiti.

Sinuklian niya ako ng ngiti at umalis na siya.

Kumatok muna ako.

*knock+knock*

"Come in!" narinig kong sagot mula sa loob kaya pumasok na ako.

Pagkapasok ko ay sobrang namangha ako. Ang laki ng opisina ni Mrs. Chua at sobrang ganda pa.

Nakita ko naman agad si Mrs. Chua na nakaupo sa swivel chair niya at nung magtama ang paningin namin ay nginitian niya ako.

"Hi hija, welcome!" tumayo siya sabay bati sa akin.

Agad siyang nagbeso sa akin at iginiya niya ako sa mukhang sala area nitong office niya.

"Have a sit." she offered. Umupo naman ako sa sofa. Kaharap ko naman siya. "Sorry to bother you hija. I know you are busy because of your resto  na I heard very successful daw yung bagong open mong branch."

"It's okay po Ma'am. And yeah, so far, maganda po ang takbo ng business ko lalo na dun sa kakaopen kong branch. Ano nga po pala ang sadya niyo sa akin?" tanong ko.

"Well, ganito kasi yun hija, I'm offering you something. I hope you'll accept this."

Offer?Ano kaya?kinakabahan naman ako.

"A-ano po yun?"

"Can you be our latest endorser and model for our clothing line?"

Ano daw?

Ako?

Magmomodel sa isang pinakasikat na clothing brand sa bansa?Gosh!

"Ho?" di makapaniwalang reaksyon ko.

"I want you to be our endorser and model of our clothes Devy. May mga new designs kaming ererelease next month at ikaw ang nakikita kong perfect na magsusuot ng mga designs na yun." masiglang saad nito.

"Pero bakit po ako? Andami naman po jan na mga sikat na artista, magaganda at sexy na mga model.Bakit po ako? I'm just an ordinary chef." saad ko.

"Masyado na silang common hija. I want someone who is new. Yung bago sa paningin ng mga tao at ikaw ang perfect na naiisip ko. You're so gorgeous and sexy. Alam kong bagay na bagay sayo ang mga bagong designs na ererelease namin. And you're also famous now. Isa ka sa mga pinaka in demand na chef sa bansa natin."

Yes to Patch Up or Closure? (COMPLETED)Where stories live. Discover now