Chapter 23

206 8 9
                                    

"Smile Nadya!Make it more natural." sigaw ni sir Reggie, yung photographer.

The flashes of blinding lights galing sa large lightings made me close my eyes for a brief moment. Binuksan ko ang aking mga mata only to be showered with series of shots kaya I continued smiling widely.

"You're doing great Devy!" the photographer complimented kaya mas naging natural ang pagngiti ko.

Kanina pa nagsimula ang shoot. Ilang beses na rin akong nakapagpalit ng damit. Sa bawat shoot ay panay ang pagpuri sakin ng photographer.

Sabay kaming kinukuhanan ngayon ni Nadya. We're both wearing a dress. I'm wearing a light-blue off-shoulder dress na above the knee ang length while Nadya is wearing a peach colored dress with laces on top at same length nitong dress ko.

I know hindi niya feel ang magkasama kami sa shoot, ako rin naman but this is work so I need to be professional. Ewan ko sa kanya pero halatang iritado siya kaya kanina pa siya pinagsasabihan ni sir Reggie to smile.

Nang matapos kami agad kong tinahak yung inupuan ko kanina.

"I bet you're feeling proud and such dahil pinuri ka ng photographer kanina." rinig ko ang maarteng boses ni Nadya mula sa aking likuran.

I raised my brow and looked at her, "Ano?"

"Wag kang umarte na parang ang galing-galing mo. You're just nothing but a trash. "

Nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya pero ayoko ng gulo lalo pa't maraming tao rito. Ayoko mag eskandalo.

"Ginagawa ko lang kung ano ang dapat kung gawin." mahinahong sagot ko. I don't want to raise my voice dahil ayokong makuha ang atensyon ng mga tao sa paligid. "I maybe a trash a mundong ginagalawan niyo ngayon but at least,kahit isang trash ako, I can be professional with work, napuri pa nga eh. Eh ikaw? You're not a trash on this field, pero bakit napagsasabihan ka?Hindi mo kayang maging professional man lang sa trabaho mo."

Nakita ko ang pagkainis niya sa sagot ko.

"That's because I don't want to be beside a trash. Paanong ang sikat na kagaya ko, katabi ang isang laos na kagaya mo."

"Kahit sino pa ang makasama mo, you should be professional. Dapat alam mo yan." giit ko.

"Anong karapatan mong pagsabihan ako?" taas-kilay na tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi kita pinagsasabihan, I'm just stating the fact." I said pagkatapos ay tinalikuran ko na siya. I need to stay away baka mas lumala lang ang sagutan namin.

Nagpalit na ako ng damit. Tapos na kasi ako.

Ilang sandali lang ay dumating na ang lunch namin.

Pumwesto ako malapit kina Janu, Romea at Nashy. Mas komportable kasi ako sa kanila. Habang kumakain ay nag-uusap-usap sila. Nakikisabay din naman ako minsan. Nakakatuwa lang talaga pag mga bakla ang kasama mo. Di sila nauubusan ng topic tapos nakakatuwa pa sila.

"Oyy, magKTV tayo mamaya." biglang suhestyon ni Nashy sa gitna ng pag-uusap.

"Oo nga. Gusto ko matry yung KTV nila dito sa Korea. I've watched kdramas at ang mga KTV nila eh exclusive room talaga." pagsang-ayon ni Romea.

"May english songs kaya sa mga KTV nila?" tanong ni Janu.

"May alam akong KTV Bar dito. And yes, may english songs sila. I've been here sa Korea ng ilang beses na kasi my sister is working here kaya akong bahala sa inyo mamaya. Ano game kayo?" pinasadahan kami ng tingin ni Nashy.

"Game!" sabay na sagot nila Janu at Romea. Napatingin sila sakin nang hindi nila narinig ang sagot ko.

"Don't tell me hindi ka sasama?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Janu.

Yes to Patch Up or Closure? (COMPLETED)Where stories live. Discover now