Chapter 30

217 10 10
                                    

After the event, Jayvee and I decided to be off somewhere. Kung saan kami dadalhin ng kanyang sasakyan, yun ang hindi namin alam.

Pareho kasi kaming hindi sigurado kung saan pupunta kaya naman napagdesisyonan niya na kung saan siya dadalhin ng sasakyan ay dun kami. Kumbaga, parang road trip lang. I'm kinda excited dahil hindi ko pa naranasan ang ganito.

Nag drive thru lang kami dahil hindi kami pwede lumabas na magkasama, baka may makakilala sa kanya. Dumaan din kami sa isang grocery store. Ako lang yung bumaba para bumili ng mga maaari naming kainin just in case gutomin kami sa daan.

"Are you really sure about this?" tanong niya habang nagmamaneho siya.

"Oo naman. Road trip tayo ganun. Mukhang masaya naman." sagot ko.

"But it's kinda late already."

"Then mag stopover tayo kung inaantok ka na."

Bumuntong-hininga siya. "Okay. I'm just really worried of you."

"There's nothing to be worried about. I'm sure about this. I want to take a journey with you." I gave him an assuring smile.

Nagsoundtrip din kami. Tumugtog ang hawak kamay kaya pareho kaming napangiti.

Naalala ko dati nung nasa loob pa kami ng bahay ni kuya, kinakanta namin to. Tinuturuan ko siya sa lyrics ng kanta dahil nga tagalog song ito. He rarely speaks tagalog before kaya pagkumakanta siya ng tagalog song may pagkaslang yung accent niya. May time din na siya ang naggigitara tapos sabay kaming kumakanta. It's like yung music ang naglapit sa aming dalawa.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa naalala.

Mahigit tatlong oras na kaming nasa biyahe. Gabi na rin at ang tanging nakikita ko na lang sa daan ay ang mga street lights at mga puno. Wala akong ideya kung nasaan na kami.

Hindi ko napigilan ang humikab. Inaantok na ako at umiepekto na sakin ang pagod dahil sa event namin kanina. I checked the time and it's already past eleven. Bumuhos naman ang isang napakalakas na ulan.

Inisip kong dito nalang kami magpalipas ng gabi. Kakausapin ko na sana si Jayvee ng mapansin ko na may tao sa gilid ng daan na pumapara. Hindi ko masyadong maaninag dahil sa lakas ng ulan. Mukhang hindi siya napansin ni Jayvee dahil lalampasan na sana namin siya.

"Stop the car Jay." sabi ko sabay lingon sa taong nalampasan namin. Naramdaman ko naman ang agad na pagpreno ni Jayvee.

"Why?" takang tanong niya. Iniliko niya ang sasakyan patungo sa gilid ng daan.

"I think someone needs help. May nakita akong pumara." lumingon ulit ako sa likod at napansin ko ang paglapit nung tao. Ibinaba ko ang windshield para mas maaninag yung tao. Nang makalapit na siya, napagtanto kong isang may katandaang babae ito, basang- basa at halatang giniginaw na. Agad akong bumaba upang maalalayan siya.

"M-ma-g-gandang g-gabi hija. M-ma-a-ari ba a-akong m-maki-s-sak-kay?" nanginginig na tanong niya. Pareho na kaming basa ngayon.

"Let her get in the car Dev. And you too. Get inside. You're getting wet." bakas ang pag-aalala ni Jayvee dahil basang-basa na ako. Letseng ulan naman kasi to.

"Pasok ho kayo la. Ihahatid namin kayo." agad na binuksan ko ang passenger's seat sa likod. Pumasok naman agad siya at tumabi ako sa kanya.

"S-sa-la-m-mat." aniya.

Jayvee turned off the aircon of his car para hindi lalong lamigin si lola at pati na rin ako. Nararamdaman ko na ang lamig dahil basang-basa na rin ako pero nangingibaw ang pag-aalala ko sa matandang babae na kasama namin.

Yes to Patch Up or Closure? (COMPLETED)Where stories live. Discover now