Chapter 28

225 13 6
                                    

Kabi-kabilang articles ang lumabas matapos ang confession ni Lucas. Samot-saring reaction ang aking nababasa. As much as I wanted to avoid being mentioned in articles, I bet this one is inevitable. Matapos ang biglaang pag-amin ni Lucas sa harap ng media, I expected na ganito ang mangyayari.

Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan gawin yun ni Lucas. Kakalabas lang ng movie niya at may kaLT siya dun, at alam ko may fansclub sila. I bet nasaktan sila after his confession. Sana lang hindi maapektuhan ang kita ng movie nila. It's a great movie and worth a success.

I'm sipping the coffee I ordered when I notice Kyra heading towards me. I texted her to meet me at a cafe na madalas namin puntahan. I just wanted someone to talk to.

"Hi freeeennnnn kong super peymus." Kyra said in a hyper mode ng makita ako at nakangising lumapit ito sa akin.

Good thing this place is not too crowded at ang mga tao rito ay tila walang pakialam kung artista ka o hindi. Kaya dito ko rin pinili makipagkita sa kanya. I'm planning na bukas na pumunta sa resto. I don't even know paano ko haharapin sila Mr. and Mrs. Garcia knowing that Lucas is their only grandchild. For sure alam na nila yung balita.

"Ang ingay mo alam mo yun?" saway ko sa kanya dahil sa lakas ng boses niya.

"Ay,oo nga pala. Peymus ka na kaya dapat tago-tago ka na ngayon." biro nito na ngayon ay umupo na kaharap na upuan.

"Hindi ito nakakatuwa fren." then I rolled my eyes.

"Alam ko." sagot nito. Ininom niya yung cappuccino na inorder ko para sa kanya.

I looked at her feeling so frustrated, "Fren, bakit ang complicated nitong buhay ko?" tanong ko umaasa na mabibigyan ako ng sagot na makakatulong sakin.

"Masyado ka kasing maganda, ayan tuloy." natatawang sagot niya.

"Hindi ko pa nga masolve yung samin ni Jayvee, tapos ngayon si Lucas naman ang may biglaang pag-amin. Aish! Anong gagawin ko fren?"

"Paputulan mo yang buhok mo fren." sagot nito.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Seryoso ako fren. Nalilito talaga ako."

She took one more sip bago bumaling sakin, "Alam ko nahihirapan ka pero ang sagot lang naman jan ay ang sundin mo ang kung ano ang sinasabi ng puso mo."

"Pero hindi ko talaga alam."

"Why don't you give the both of them a chance?" she suggested.

Nangunot ang noo ko. "Ha?"

"Give the both of them a chance. Hayaan mo na manligaw sayo si Lucas at iparamdam sayo na gusto ka niya. As for Jayvee, I think it's time to hear him out. Then after it, you decide. In the end, it's your life. Ikaw ang gagawa ng desisyon. Hindi mo kailangan ng ibang tao para magdesisyon. Ikaw lang naman kasi mas nakakaalam sa sarili mo eh. Ikaw lang ang nakakaalam sa tunay mong nararamdaman."

"Sana ganun lang yun kadali."

"fren, pagdating sa pag-ibig walang madali." she said a matter of factly. Alam ko yun. I've been through it kaya nakakatakot na.

I heave a sigh.

************

Kinabukasan, maaga akong pumunta ng resto. I checked some papers, signed some then after it I proceeded to the kitchen. May naabutan na akong trabahante ko na naghahanda na rin. Bumati sila sakin at ngumiti ako sa kanila. I planned on staying sa kitchen rather than stay outside. Mainit pa ang mga mata ng mga tao sakin ngayon lalo na ng mga taga media who were dying to get an interview sakin.

Yes to Patch Up or Closure? (COMPLETED)Where stories live. Discover now