Chapter 29

232 10 7
                                    

Abala ang lahat habang ako ay pinapakalma ang aking sarili dahil sa sobrang kaba. Any minute from now the event will start at magsisimula ng e launch ang CCL's latest designs which means rarampa na rin ako.

Nakapagpractice na ako and it turned out well but this one is different. Cameras are everywhere and a lot of people are watching kaya hindi ko mapigilan ang kabahan lalo na at hindi ko pa talaga naranasan rumampa sa ganito kalaking event.

I noticed that my phone beep kaya tiningnan ko ito then I saw a message from Jayvee.

From Jayvee:
Goodluck! I know you can do it. :)

I bit my lower lip para pigilan ang pagngiti ko.

"Aba..aba..aba! Sino kaya ang nagtext at ba't ngiting-ngiti ka jan?" I heard Janu saying as he headed towards me.

"Hindi ako ngumingiti no, more like kinakabahan kaya ako." tanggi ko sabay lagay ng phone ko sa aking purse.

"Geh..Deny lang. Di pa rin ako naniniwala ganda. Ganyan na pala ang itsura ng kinakabahan ngayon?Nakangiti?Hmp! If I know someone texted you and mind you, I KNOW THAT SOMEONE." sabay kindat niya sakin. Napailing nalang ako.

"And since mukhang inspired ka, I'm sure you'll gonna rock the ramp later." he added feeling so confident. "Just remember to be confident and enjoy and everything will be perfect."

"I'll take note of that." I said smiling trying to shrugged the nervousness I'm feeling inside. "Thank you Janu."

We heard the emcee spoke kaya naman agad na nagpaalam sakin si Janu.

Humugot ako ng isang malalim na paghinga. "Kaya ko to." I cheered myself.

Kasama ko ang ibang models sa backstage at kita ko sa kanila ang umaapaw na confidence. Hindi ko sila makitaan ng kaba. Parang normal na nag-uusap-usap lang sila dito. Minsan tumitingin sa salamin checking if maayos ba ang itsura nila or checking if maayos ang pagkakasuot nila ng damit.

We will be wearing different outfits in every ramp. Sa unang ramp ay summer outfits ang aming isusuot, summer outfits that are not too revealing. Next ay ang mga jeans naman, tapos yung ordinary day outfits, may lakad outfits, formal gathering outfits (more like dresses) and lastly ay ang mga gowns and suits nila.

One of the organizers told us to prepare and line up dahil rarampa na kami.

"Everyone! We present to you, THE CHUA CLOTHINE LINE 2017 COLLECTION!" ani ng emcee at rinig ko ang palakpakan mula sa audience. Nagsimula na rin rumampa ang mga models na kasama ko.

Habang papalapit na ang turn ko ay mas lalong dumoble ang kaba na nararamdaman ko. Pinagpapawisan na rin ang kamay ko. Shit!

Pero nagulat ako ng naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Agad kong tiningnan kung sino ito.

He's wearing a black hoodie jacket, black sunglasses, and a black face mask. Balot na balot siya na halatang ayaw makilala.

"Don't be nervous. You can do it." ani ng isang pamilyar na boses.

"Anong ginagawa mo rito?" mahinang bulong ko sa kanya habang lumilinga-linga sa paligid. "Paano kong may makakilala sayo rito?" kinakabahan kong tanong.

"Relax. Nobody will notice me. I'm fully covered."

"Di kaya magtaka ang mga tao ba't ganyan ang suot mo? Baka akalain nila holdaper ka."

"People are busy watching the stage so don't worry."

"Paano ka nakapasok?" takang tanong ko.

"Janu." tipid niyang sagot and with that hindi na ako nagtataka kung ba't pati dito nakapasok siya.

Yes to Patch Up or Closure? (COMPLETED)Where stories live. Discover now