Chapter 32

173 10 3
                                    


Ayokong madiliin kung ano man ang meron kami ni Jayvee. Alam kong hindi pa ito ang tamang oras para sa aming dalawa kaya kahit mahirap ang naging desisyon ko na lumayo muna kami sa isa't-isa, iyon pa rin ang pinili ko dahil alam kong iyon ang mas mabuting gawin sa ngayon.

Pagkatapos ng naging usapan namin ay ang pagdating nila Lolo Pedro at Lola Anding. Nahanap na rin nila ang kanilang aso na si Butchy.

Agad na nilapitan ko ang aso nila Lola. Ang cute pala ni Butchy. Mahilig ako sa aso kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na lapitan, hawakan at makipaglaro kay Butchy.

"Buti nahanap niyo na po siya La. Ang cute pala nitong aso niyo. Maamo pa." sabi ko kay Lola.

"Oo nga eh. Nakita eto ng kapitbahay namin kagabi. Nung nakita nila kami kanina ay agad nila kaming tinawag dahil nasa kanila pala itong si Butchy."

"Buti nalang talaga ligtas siya la."

"Mabuti nalang talaga." Lola said feeling relieved.

"Nga pala La, aalis na po kami ni Jayvee ngayon." paalam ko.

"Ganun ba. Akala ko pa naman magtatagal pa kayo." malungkot na aniya.

"Naku La, nakakahiya na nga po sa inyo eh. Naging abala pa kami dito."

"Ay naku hija. Natutuwa nga kami na may bisita kami eh. Alam mo naman na kaming dalawa lang ni Pedro. Syempre, hindi maiiwasan na gustuhin din namin na may bumisita samin."

"Salamat po talaga La sa pagpapatuloy niyo samin." sinserong sabi ko.

"Walang anuman iyon. Kung magkakaoras ulit kayo, huwag niyong kalimutan ang bumisita." aniya.

"Sige po." nakangiting sagot ko.

"At sana sa pagbalik niyo, may anghel na kayo." dagdag naman ni Lolo Pedro. Namula naman ako. Talagang iniisip nila na mag-asawa kami ni Jayvee at gusto nilang may anak na kami pagbalik?

"Ah..hehe..sana po." nahihiyang tugon ko.

"Don't worry, we'll visit you here next time." sabay tingin ni Jayvee sakin. "with our baby hopefully." Nakangising dagdag niya. Mahinang siniko ko naman siya.

"Ayy..nagagalak ako para jan.Aasahan talaga namin yan." masayang tugon ni Lola Anding.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami ng tuluyan sa kanila. Mamimiss ko sila Lolo at Lola. They will remain an inspiration to me hoping that someday, Jayvee and I would grow old together and spend the rest of our life together just like them.

We drove back to the city. Gabi na nung dumating kami.

"So I guess this is it." mahinang usal ko.

"This is really hard. Do we really need to do this?" pain is evident through his eyes.

Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Kailangan natin gawin to." nagsisimula nang mamuo ang luha sa mga mata ko at pilit kong pinipigilan ito. "Kahit mahirap."

Niyakap niya ako. Yung yakap na magpaparamdam sayo na ayaw niyang mawala ka sa kanya.

"Goodbye for now Jay." mahinang bulong ko. Hindi siya sumagot. Sa halip ay niyakap niya ako ng mas mahigpit.

I will miss him. Definitely miss him. But I will hold on to his promise. I will wait for him.

Kakayanin ko ang maghintay dahil alam kong babalik siya and I know this time, waiting will be worth it.

*************

"Ate Dev, tara na. Adto na ta." tawag sakin ng pinsan ko na si Hoskin.
(Trans: Ate Dev, Halika na. Alis na tayo.)

Yes to Patch Up or Closure? (COMPLETED)Where stories live. Discover now