Chapter 29

55 1 0
                                    

Michi POV

Ano bang meron dito kay Allen bakit parang ganadong ganodo maglaro parang hindi napapagod ah! Shoot dito shoot dyan kulang na lang maglaro na syang mag-isa.

“Hoy Pre anong meron bakit ang ligalig mo?” tanong ko habang break time pero ang tanging sagot nya lang sa akin ay isang ngiting nakakaloko

“Hindi nga blooming ang dating mo pre ah! Wag mong sabihing kakatapos mo lang”

“Anong kakatapos mo lang, sipain kita dyan eh”

“Bakit kung makangiti ka wagas”

“Pre kami na ni Chris”

“Ano agad agad”

“Uy Michi bakit ganyan ang reaksyon mo, umayos ka nga kung ayaw mong sipain kita dyan”

“Wala akong pakialam sayo na si Chris, diba nag sorry na ako sa ginawa ko dati wala na yun past is past”

“Mabuti naman kung ganun!” sa di kalayuan nakita ko si Chris kumakaway

“Pano ba yan Michi alis na ako, nandyan na ang babes ko eh” tuwang tuwang sabi ni Allen

“Sige ingat sya sayo”

“Sira ulo”

Ibang klase din tong si Allen napasagot agad si Chris at itong si Chris sabi na eh easy to get. Pero alam kong hinding hindi nya ako basta makakalimutan. Ako ata ang first love nya kaya alam kong magiging successful ang plano ko.

Chris POV

Bakit ganun dapat wala na akong nararamdaman para kay Michi pero bakit sa tuwing nakikita ko sya iba pa rin yung nararamdaman ko. Dapat lahat ng pagtingin at atensyon ko kay Allen lang kasi diba sya ang boyfriend ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko mali ito maling mali.

“Babes ayos ka lang ba?” biglang tanong ni Allen kaya bigla akong napabalik sa realidad na dapat itong tao lang na to hang nasa isip ko

“OO okey lang ako Allen”

“Ano ka ba bakit Allen lang tawag mo sa akin” with matching poted lips pa

“Bakit Allen pangalan mo eh”

“Dapat Bebes!” sabay akbay sa akin ay hindi yakap pala kasi habang naglalakad kami eh nakayakap sya akin kamusta naman ang daming tao

“Bitawan mo nga ako nakakahiya pinagtitinginan na tayo oh!” kaso ayaw pa rin nya akong bitawan

“Sabihin mo muna Babes”

“Ayoko nga nakakadiri”

“Ah! Basta hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo sinasabi yung Babes” parang bata nakakinis tong taong toh

“Bahala ka ayoko nga! Ang pangit kaya”

“Bahala ka din yayakapin kita hanggang sa room nyo”

“Ano ba, para kang tanga”

“Ah! Basta”

“Basta ka din, Ayoko nga ang Baduy”

Nakakainis tong taong toh alam mo yung itsura namin nasa gilid ko sya tapos yung dalawa nyang kamay nakayakap sa braso ko at talagang wala syang balak bitawan ako sus If, I know nanananching lang toh sa akin eh! Pero ang weird kasi dapat naiinis ako pero actually natutuwa ako kasi kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao eh tumatawa pa rin sya at dapat nahihiya ako sa ginagawa ni Allen pero feeling proud ako kasi diba boyfriend ko na si Allen.

“Allen bitawan mo na ako nandito na ako sa room”

“No” mas lalo pa nyang hinigpitan yung pagkakayakap sa akin para tuloy syang bata

"D' Bad Brothers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon