Chpater 19

85 4 2
                                    

Vince POV

Sobra akong nalulungkot sa paglipat ni Miyaka ng section, oo I admit nung nandito pa sya hindi ko sya magawang pansinin. Pero bakit ngayong tuluyan ko na syang hindi makikita sobra sobra ang kalungkutan ko.

Hindi ko maintindihan kung nakokosensya ba ako o kung ano! Hayyyss hindi ko na talaga alam ang gagawin ko

Ng biglang tumunog ang cellphone ko

JASMINE CALLING…..

“Hello babes” masiglang sabi ko

“Hey, I told you not to call me babes call me on my name”

“Okey po! Bakit Jasmine” talagang naka emphasize ang pangalan nya ng banggitin ko

“Punta ka dito sa canteen, kain tayo bilisan mo ah! I want to see you na eh!”

“O sige papunta na ako babes este Jasmine”

Tapos pinatay nya na ung phone, Hindi man lang sya nag I Love You sakin. Pero hayaan mo na, action speaks louder than words. Kaya nagmadali akong pumunta sa canteen

Jasmine POV

Buti naman naisipan ng author bigyan ako ng sariling POV! Hindi purket kontrabida ako dito eh wala na akong karapatan mag POV.

Opppsss I said it wrong hindi ako ang kontrabida dito, kundi yang Miyaka na yan how dare her para agawin sakin si Hiro. (Opppssss.. kalian naging sayo si Hiro) akin sya noh! Kami ang bagay.

Sorry kung may sumisingit sa POV ko lagi syang sumisingit (Anong sumisingit ako ay ikaw din) Heyy I said stop it! Mind your own business.

As I saying dapat pala sa DRAMA CLUB ako sumali kasi ang galing kong artista. I don’t know how I do it, pero pag ginusto ko makukuha ko like Vince masyado syang madaling paikutin masyado syang naniwala na I LOVE HIM

Pero paano ko sya magugustuhan kung napaka baby nya! Masyado syang masiyahin at hindi umaangal. Kaya naman ang bilis kong napaibig si Vince

Gaya ngayon para syang katulong na susunod sa anumang utos ko. Or aso na susunod kung nasaan ako, pwede ding anino forever sa likod ko (Paano pag walang ilaw eh di parehas na kayong color black) Heyy I said wag kang sumingit sa POV ko. (Sige nga paano magkakaroon ng POV ang gaya ko na second mind lang) aba malay ko ask the author

Author: (wala akong kinalaman dyan! Nagsusulat lang ako ng maisip ko)

(Wala ganyan ka naman author eh) Buti nga sayo ayaw kang bigyan ng moment kaya wag ng sumingit pa okey! (Oh. Eh di ikaw na)

As I saying, kaya ko lang naman pinapunta dito si Vince ay dahil nandito si Miyaka. Gusto kong makita ang nagseselos nyang mukha, gusto ko masaktan sya dahil nakikita nya ung mahal nya na may mahal na iba. Gaya ng pinaramdam nya sa akin pag magkasama sila ni Hiro

“Jasmine” paglingon ko si Vince okey it’s time para sa acting workshop ko. Tumayo ako sabay sinalubong si Vince

“Hey bakit ang tagal mo” nilakasan ko talaga ung boses ko para macatch ang atensyon nilang lahat

“Sorry ah! Nasa 4th floor kasi ako eh”

“It’s okey you know what na miss kita” tapos niyakap ko si Vince ng makita ko si Miyaka na nakatingin sa amin

“Jasmine anong nangyari sayo, bakit ka ganyan”

“Wala” tapos nginitian ko sya

“Anong gusto mo, bibilhin ko?”

"D' Bad Brothers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon