Chapter 27

62 1 0
                                    

“Hey you girl, ang kapal ng face mo para sabihan si Allen ng ganun, feel mo type ka nya” wait sino naman toh! Isa nanaman sa mga babaeng galit sa akin dahil sa ginawa ko kay Allen, binasted ko daw eh wala naman daw akong karapatang saktan ang lalaking gusto nila. Well I don’t care mas marami pa akong mas importanteng bagay na dapat gawin kesa magsayang ng energy sa mga taong mababaw ang isip.Kaya ung babaeng nasa harap ko ay hindi ko pinansin at naglakad na ako palayo.

“Wait, wag mo akong tatalikuran pag kinakausap kita” at hinigit nya ang kamay ko at bigla akong sinampal. Ramdam ko na namula ang pisngi ko hindi dahil sa sampal kundi sa init ng ulo.

“Who are you? I don’t know you” nanggagalaiti na sabi ko

“Well maybe you don’t know me but you don’t have the right to treat Allen like that”

“And who are you to treat me like this! Don’t you know me; I can expel you to this school” Tiger mode

“Expel me?”

“Ako lang naman si Chris Estrada apo ni Jean Estrada Watson the owner of this school” after kong sabihin yun, halatang nagiba ang expression ng mukha nya. Aba dapat lang ang kapal ng mukha nyang sampalin ako

“Who cares, I’m just wasting my time here” then tinalikuran na ako ng girl

“Wait” this time hinigit ko ang kamay nya and said

“This is for slaping me” slaps on right cheek

“This is for insulting me” slaps on left cheek

“Remember this face! Wag ka ng magpapakita sa akin dahil pag nakita ko pa ang mukha mo you’re dead! UNDERSTAND” I said it in the most high pitch mode of my voice then I left!

This is me now! Hindi na ako papayag na api apihin pa. I’m done with it! Mula highschool ako ang no. 1 na binubully sa school siguro dahil sobrang nerd ako. Hindi naging maganda ang highschool life ko dahil sa bumubully sa akin kahit na ipagtanggol ako ng pinsan kong si Ian hindi rin nila ako tinitigilan. Until one day! Nagbago ang lahat

FLASHBACK

“Ah nerd, nerd, nerd,nerd! Ang pangit pangit mo” yan ang mga salitang lagi kong naririnig sa araw araw. Halos hindi na nga kompleto ang araw ko pag walang nangbubully sa akin. I’m just a typical student na tahimik at nag-aaral lang pero hindi ko maintindihan bakit ako ang laging inaasar sa room.

“Hoy nerd, bakit ang pangit mo?” asar ng mga kaklase kong lalaki habang kumakain ako sa canteen mag-isa

“Pwede ba kumakain ako”

“Ano naman kung kumakain ka” tapos kinuha nila ang kinakain kong burger at hinagis sa basurahan

“Ano ba! Wala ba kayong magawang matino ang babastos nyo”

“Aba lumalaban ka na ngayon” at biglang pinaligiran ako ng 4 na kaklase kong lalaki at tiningnan ako ng masama

“Bakit totoo naman ah! Bastos kayo!Ano bang ginawa kong masama sa inyo para awayin ako, asarin ako, bastusin ako at sirain ang buhay ko! Ano! Anong ginawa ko sa inyo”

“Wala naman! Sisihin mo mukha mo ang pangit mo kasi! Nerd! Nerd! Nerd!” tanging tawa at salitang nerd lang ang naririnig ko hindi ko na kaya, hindi ko na kaya!

“Tigilan nyo na ako, please! Please! Please!” sabi ko ng paulit ulit habang tinatakpan ko ang mga tenga ko pero kahit ganun naririnig ko pa rin ang mga tawa at pangaasar nila sa akin. Hindi ko alam pero sila lang ang naririnig ko hanggang sa kakaibang boses ang biglang sumigaw.

“Tigilan nyo sya” pag-angat ko nakita ko si Michi tinutulak ang mga nang-aasar sa akin. Ng makita ko sya, kung paano nya ako pinagtanggol hindi ko maintindihan pero kakaiba yung pakiramdam ko. Walang magawa ang mga kaklase kong lalaki kundi ang itigil ang ginagawang pang-aasar sa akin

“Ano aasarin nyo pa ba si Christina”

“Hindi na po” sabay sabay na sabi nila habang nakayuko

“Humingi kayo ng tawad kay Christina at mangako kayo na hindi na kau uulit dahil kung hindi lagot kayo sa akin”

“Patawad, hindi na kami uulit” bigla akong napatingin kay Michi dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla syang lumapit sa akin at inakbayan ako

“Ano bang gusto mong gawin ko sa kanila sabihin mo lang” hindi ako makasalita ng mga panahong un! Hindi ko ba alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Masaya dahil sa wakas titigilan na nila ako at pinagtanggol pa ako ni Michi o kinakabahan kasi nakaakbay sya sa akin ngayon.

“Ano gusto mo suntukin ko tong mga toh!” at seryoso sya dahil pasuntok na sya kaso bigla akong natawa

“Bakit ka tumatawa”

“Wag mo ng ituloy tingnan mo sila oh! Mukhang takot na takot na” sabay turo sa sahig

“Ang galing nyong mangbully eh ang duduwag nyo naman! Alis na umuwi na kayo, magtago na kaya sa mga nanay nyo at magpalit na kayo ng pantaloon” at nagsi takbo nga sila habang kami ni Michi ay tawa lang ng tawa

“Akalain mo un! Naihi sa pantalon”

“Ikaw kasi eh! Tinakot mo sila”

“Dapat lang inaasar ka nila eh! Hindi ka na nila tinigilan”

“Salamat ah!” tapos may kinuha sya sa bag nya at inabot sa akin”

“Para saan toh!” binigyan nya akong bulaklak

“Bulaklak para sayo, para ka kasing rose”

“Ha? Bakit kasi matinik?”

“Hindi kasi kulay pula, simbolo ng tapang”

“Tapang! Eh binubully nya ako eh”

“Ang tapang mo kaya kasi natagalan mo ang pang-aasar nila sayo” at hinawakan nya ang braso ko

Christina tandaan mo walang sino man ang dapat sumira ng araw mo. Ikaw si Christina hindi dapat ikaw ang yumuyuko dapat ikaw ang tinitingala. You can do better! Just believe in yourself” after nyang sabihin yun sobrang naiba ang pananaw ko sa buhay. Ginusto kong magabago, magbago para sa sarili ko. Iniba ko ang sarili ko sa lahat ng aspeto iniba ko ang pananaw ko naging mas matapang at matatag akong tao.

Pati pananaw, pagkilos at pagsasalita ay iniba ko, naging open ako sa mga nararamdaman ko lalo na sa kakaibang  pagtingin ko kay Michi. Halos araw araw kinakausap ko sya ako na nga rin ang gumagawa ng projects at assignement nya pinapakopya ko rin sya sa exams. Un na lang kasi ang naiisip kong paraan para  tumanaw ng utang na loob sa kanya.

Kaso hindi ko maintindihan ng grumaduate kami ng HS eh halos hindi nya ako kausapin at pansinin. Pero kahit ganun hindi tumigil sa pagsunod kay Michi. Dahil para sa akin sya ang hero ko sya pa rin ang kaisa isang taong nagtanggol at bumago sa akin

END OF FLASHEBACK

Kaso after what happened sa party hindi ko alam ang gagawin ko kung itutuloy ko pa ba ang pagsunod sunod ko kay Michi o mas mabuti na nga bang tigilan ko na sya.

"D' Bad Brothers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon