Chapter 18

89 3 3
                                    

Miyaka POV

Siguro ngayon ayaw mong maniwala sakin pero hindi ako susuko. Hahanap ako ng ebidensya na magpapatunay na masama syang tao.

Kaya heto ako ngayon nireresearch kung sino nga ba si Jasmine Rodriguez. Pero pare parehas lang na information ang nababasa ko, walang kakaiba. Maliban sa may kapatid syang lalaki na nag-aaral din sa Watson Academy, I.T ang course. At hindi nya kamukha si Jasmine, mukha syang Nerdy.

How come na kayang imake over ni Jasmine si Vince pero ung kapatid nya hindi nya matulungan, napaka samang tao talaga!

OO nga pala ibang iba na si Vince ngayon. Mas lalo syang naging gwapo makinis na ang mukha nya medyo pumuti na nga sya eh. Pati porma nya iba na din, dati naman pants, shirt at sneakers lang okey na pero ngayon iba na kung hindi sya nakafitted polo naka damit ng patong patong at naka leather jacket.

Pati buhok nya iba na din, may kulay na ang buhok nya at laging nakataas ni hindi na yata sya nagpapagupit. Ewan ko ba kung bakit sya pinayagan ng ganyang style, kasi sa Nursing bawal ang mahaba at may kulay na buhok. Pero ang sagot nya vocalist daw kasi sya ng Band kaya kailangan daw ganun ang looks nya.

At kailan pa sya naging mayabang. Mas lalo na rin dumami fans nya halos lahat ng tao kilala sya. Lagi rin syang sinusundan ng mga babae. Kahit tuwing kumakanta sya nag I I LOVE YOU sya kay Jasmine. Ang O.A nga nya eh bago kumanta ng I I LOVE YOU pati pag tapos nag I I OLVE YOU pa din.

Ibang iba na sya, nandededma na rin sya ng mga fans. Dati naman lagi syang nakangiti pag may fans sya, ngayon kasi parang masyado syang iritado pag maraming fans ang lumalapit sa kanya.

Ang dami na nyang fans sa sobrang dami hindi na nya kailangan at kilala kung sino ang unang taong humanga at naka appreciate sa kanya.

Sobrang nalulungkot ako sa mga pagbabago ni Vince, miss na miss ko na sya. Dati naman simpleng tao lang sya. Pero bakit parang hindi ko na sya kilala.

“Miyaka, siguro pansin mo na rin pagbabago kay Vince noh” tanong ni Gervic

“OO dati naman isang kaibigan lang ang kailangan nya, pero bakit ang dali nyang kalimutan ako. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko sya sa klase, kung ituring nya ako parang hangin.”

“Sorry Miyaka pero kinausap ko na si Vince tungkol dito pero mukhang wala na syang pakialam sayo”

“Alam at ramdam ko naman un eh! Pero bakit ang sakit malaman ang katotohanan na kinalimutan at iniwan na ako ng taong sobrang pinahahalagahan at minahal ko”

“Miyaka, may payo ako sayo sana sundin mo”

“Ano un Gervic”

“Alam mong ikaw ang favorite kong classmate diba, at alam mo ring matalik na kaibigan ang turing ko sayo. Kaya ayokong nasasaktan ka sa araw araw na nakikita mo si Vince. Kinausap ko na si Dean kung gusto mong magpalipat ng section papayagan ka daw nya! Sa tingin ko ito ang mas makakabuti sa inyong dalawa. Miyaka kalimutan mo na si Vince”

Bigla akong napayuko dahil alam kong tama si Gervic. Sumagi na rin sa isip ko ang lumipat sa section pero hindi ko ginawa dahil umaasa ako na magiging okey din kami ni Vince. Pero until now galit pa rin sya sa akin.

“Miyaka, this is for your own good gusto mo magpalipat din ako ng section”

“Ano ka ba, ako na lang! kailangan ko ng look out kay Vince”

“Miyaka tigilan mo na si Vince! Ayaw nya na sayo wag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo sa taong wala namang paki sayo”

“Gervic alam  mong hindi ako susuko, naniniwala akong kailangan ako ni Vince kaya kahit anong mangyari hindi ko sya susukuan”

"D' Bad Brothers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon