Chapter 21

61 2 0
                                    

Buong magdamag kong tinatawagan si Jasmine pero wala pa ding pagbabago kasi hindi nya sinasagot ang mga tawag ko kailangan kong tanungin sa kanya  kung talagang sya ang may gawa nun at bakit nya dinamay ang pangalan ko.

Naguguluhan talaga ako sa mga pangyayari hindi ko na alam kung sino ang kakampi sa  kaaway. Pero dahil hindi ako matahimik ngayong gabi mas mabuti kung puntahan ko na lang si Jasmine at personal na tanungin sa kanya kung sya ba talaga ang may gawa.

Kaya kahit gabi na umalis pa rin ako at pinuntahan si Jasmine.

“Magandang gabi po nandyan po ba si Jasmine?”

“Ay bakit po! Sino po kayo?”

“Boyfriend nya ako”

“Ganun po ba! Pasok po”

Habang hinihintay ko si Jasmine bigla akong na curious kasi bukas ung pinto sa baba ng hagdan naun ko lang napansin may room pala sa ilalim ng hagdan nila kaya lumapit ako sa kwartong yun. Pagpasok ko normal na kwarto lang naman, paalis na sana ako ng biglang umilaw ung frame sa tabi ng cabinet kaya lumapit agad ako.

“Bakit kaya umiilaw ang frame na toh!” ng tipong hahawakan ko na

“Anong ginagawa mo dito” paglingon ko si Jasmine

“Nandito ako para makausap ka”

“Halika sa labas tayo mag-usap” tas hinila nya ako at pinadlock ung kwarto

Bakit ano bang meron sa kwartong un para ipadlock nya ng ganun.

“Vince bakit ka pumunta dito ng walang pasabe”

“Hindi mo sinasagot mga tawag ko sayo eh”

“Paano ko sasagutin kung alam kong ang boyfriend ko ay isang hacker”

“Jasmine alam mong hindi ko kayang gawin un”

“At sinong maniniwala sayo eh account mo ang ginamit sa pagha hack”

“Kung talagang kilala mo ako alam mong hindi ko gagawin un”

“Un nga eh! Kilala nga ba kita”

“Jasmine” mahinang sabi ko

“Alam mo namang may image akong inaalagaan at ano namang sasabihin ng iba kung ang boyfriend ko ang suspected hacker sa Watson Academy, Vince masisira pangalan ko”

“Anong ibig mong sabihin”

Tapos tumingin sya sa mga mata ko at parang alam ko na ang sasabihin nya

“Mabuti pa mag break na lang tayo”

“Jasmine hindi, hindi ako pumapayag! maniwala ka sa akin hindi ko ginawa un, at kaya ko yung patunayan magtiwala ka malilinis ko din ang pangalan ko. Wag lang ganito, hindi ko kayang pati ikaw mawala sa akin” I said it while holding her hands

“Sorry Vince pero I don’t want this relationship anymore”

“Bakit, hindi ko maintindihan dahil lang sa issue na toh! Iiwanan mo ako! Jasmine mahal kita, mahal na mahal kita bakit ang dali mo lang sabihin sa akin na ayaw mo na sa relasyong toh”

“Kasi hindi ko alam kung ung taong mahal ko ay talagang kilala ko”

“Ibig sabihin hindi ka naniniwala sa akin” natahimik sya sa tanong kong yun, ang akala ko naniniwala sya sa akin pero

“Hindi ako naniniwala sayo” matapos nya sabihin un naun ko lang nalaman kung gaano kasakit ang tinatawag nilang heartache

“Jasmine please wag, anong gusto mong gawin ko para wag mo akong iwan”

“Vince ang kulit mo ah! Diba sabi ko sayo ayoko na sayo, tapos na tayo, break na tayo, the end na tayo at please kalimutan mo na lang na naging tayo” sigaw ni Jasmine sa akin

Pero bakit kahit sabihin nyang ayaw nya na sa akin eh hindi ko pa rin matanggap na ganun kadali lang nya kalimutan ang pinagsamahan namin.

“Jasmine ang dami kong pinagpalit, iniwan at kinalimutan para sayo. Binago ko ang sarili ko hindi lang panlabas kundi pati panloob. Ginawa ko ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa dati, naging ibang ibang Vince ako dahil un ang gusto mo. Sa mga oras na to nagsisisi ako dahil iniwan ko ang kaibigan ko na sya palang iintindi at maniniwala sa panahong ganito”

“I’m sorry Vince pero hindi ako gaya ni Miyaka na baliw na baliw sayo”

“Jasmine for the last time, kahit ngayon lang maging totoo ka sa akin! Ni minsan ba minahal mo rin ba ako” tumahimik si Jasmine habang ako’y umaasa na sabihin nyang sobra nya akong minahal kaso sa huling pagkakataon  binigo nya muli ako.

“Minahal naman kita kaso ung relasyon natin ang tawag dun hindi LOVE kundi Attraction lang”

“Ibig sabihin biro lang ang relasyon natin”

“Ano ba Vince ang kulit mo ah! Hindi mo pa ba gets na ayoko na sayo, at oo laro lang ang relasyon natin! Tapos na tayo kaya kung pwede umalis ka na lang”

Wala na akong magawa kundi sabihin sa kanya ang salitang

“Goodbye Jasmine”

Right now I’m walking away from the girl I once taught is mine

To the girl whom I gave my heart and became my world is now the girl who break my heart and ruin my world!

And now I love you turns to I’m letting go of you

Goodbye Jasmine! LOVING YOU              is the second greatest thing that happen to my life

Because the first is when I FIND YOU

"D' Bad Brothers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon