Chapter 38.

30 2 1
                                    

Ang daming pagkain halos mabundat na ako kaka kain itong si Angelo lagay ng lagay sa pinggan ko ginagaya ako sa sarili nya na matakaw. Kaya no choice ako kundi ubusin kung ano man ang nasa pinggan ko.

Nakilala ko na din yung iba pang kaibigan ni Angelo, mga pinsan at iba pang sosyalin at englishero na kakilala ni Angelo buti nga nandito si Gervic, Ian, Tyronne, Allen, Vince, Miyaka at Chelle. Kaya kahit papaano hindi ako awkward.

"So Shamcey anong regalo mo kay Angelo?"

"Miyaka, Sha Sha nga diba" itong si Miyaka kahit kailan talaga

"Ano regalo mo patingin"

"Secret" sabi ko habang nakangiti.

"Ok guys it's time to open the gifts" sabi ni Butler Ruki kaya agad kaming pumunta sa harap para panuorin si Angelo na nag oopen ng regalo.

Pag open nya ng isang gift isang rolex na relo sumunod ballpen na may voice recorder sunod iphone sunod mamahaling hat, shades, perfume, shirt at iba pa.

Anak ng pufu yung regalo ko napaka walang kwenta, nanliliit na ako hindi ko na lang toh ibibigay kaya yung hawak kong maliit na paper bag eh tinago ko na sa likod ko para wala ng makakita pa.

"Ok maraming salamat sa lahat ng gift nyo kay Master Angelo" tapos lahat nag palakpakan na

"Teka may regalo ata yung girlfriend ni Angelo dba Shamcey" Anak ng pufu tong si Miyaka kahit kailan talaga

"Sige na bigay mo na gift mo" nakakainis kasi lahat sila nakatingin sa akin.

"Okey palakpakan po natin si Miss Sha Sha girlfriend ni Master Angelo" at pumalakpak nga silang lahat sobrang sama ng tingin ko kay Miyaka pero hindi nya siguro halata yun kasi nakangiti pa sya.

Hayyyy bahala na talaga pagtingin ko kay Angelo nakangiti sya. Kaya dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya at inabot ang tinatago kong paperbag.

"Ito yung gift ko, hindi sya mamahalin pasensya na. Nahirapan talaga ako mag isip ng ireregalo ko sayo kasi nasayo na lahat. Kaya sana magustuhan mo" inabot ko yung regalo ko habang nakayuko at kinuha naman ito ni Angelo. Nakakahiya talaga walang wala ang regalo ko kumpara sa regalo ng iba.

Dahan dahan inopen ni Angelo ang paper bag at lahat ng tao tahimik, naeexite ata makita ang regalo ko.

Hanggang sa kinuha na nga ni Angelo ang laman ng paper bag. Paglabas ng kamay nya hawak hawak nya ang isang bagay made of art materials.

"D' Bad Brothers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon