Chapter 5

258 4 0
                                    

MIyaka POV

Bakit kaya wala pa si Gervic at si Vince, ano kayang nangyari sa kanila ang tagal nila.

“Miyaka, hindi ko pa nakikita si PAPA ALLEN”

“Wala pa rin si TYRONE MY LOVES”

“Pati si TEDDY BEAR ANGELO wala rin”

“Hindi ko nga rin alam eh! Pati si Gervic at Vince wala din”

“Ang weird, kahit isa sa Bad Brothers wala pa ano kayang nangyari??”

******************************************************************************************

Gervic POV

Naks ang gwapo ko talaga, kaya gustong gusto ko sa harap ng salamin eh! Nakikita ko ang kagwapuhan ko.

(kumuha ng camera si Gervic sabay nagpicture sa harap ng salamin)

May peace sign

Pogi sign

Pouted lips

Ngiting aso

Ngiti ng vice ganda

Pagkatapos ng kakaibang session nya! Ay lumabas na sya sa kwarto nya. At nagpaalam sa NANAY na may pupuntahan lang na party. Kaya naman binigyan sya ng extrang pera

Vince POV

Ang tagal naman ni Gervic, ang usapan sabay kaming pupunta sa party. Anong oras na pero wala pa rin sya. Baka malate kami nito.

Sobrang dilim pa naman ng lugar na to. Bakit kasi dito pa kami maghihintayan, eh kung mauna na kaya ako, iwan ko na ung lokong un napaka walang kwenta ang tagal tagal.

Hanggang sa..

BEEP....

 BEEP.....

BEEP......

Ano un nakakasilaw, kotse ba un?? Nakss si Gervic may kotse

Kaso ng bumukas na ung kotse isang matabang lalaki ang bumaba

“Hey Vince”

“Uy, Angelo ikaw pala yan!”

“Halika sabay ka na”

“Hindi wag na, hinihintay ko pa si Gervic”

“Ganun”

“Sige mauna ka na bro”

Kung hindi ko lang hinihintay si Gervic, sasabay sana ako kay Angelo. Pero syempre hindi ko naman iiwan ang kaibigan ko para lang sa kotse.

Sino kaya ung kasama ni Angelo may driver na may kasama pa. At naka Amerikano, baka tatay nya! Hindi masyadong bata un! Baka kapatid nya! Nakss suportado.

Biglang umandar na ung kotse, sayang talaga imbes na naka kotse, nandito ako naghihintay.

Kaso pagka alis ng kotse may nakita akong matabang lalaki na nakatayo.

Si Angelo ba un?

“Angelo ikaw ba yan?”

“OO naman”

“Anong ginagawa mo bakit hindi ka sumakay sa kotse”

“Sasabay na lang ako sa inyo”

“Paano yan mag lalakad lang kami”

“OK nga un eh para ma exercise naman ako”

“Nakss tama yan para mangayayat ka”

“Sira ulo”

"D' Bad Brothers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon