Chapter 17

99 4 6
                                    

“Hoy Vince Magkaaway ba kayo ni Miyaka” tanong ni Gervic

“Bakit mo naman nasabi yan”

“Diba special friends kayo, bakit parang hindi kayo nag papansinan”

“Hindi ko din alam, kaninang umaga pa nya ako hindi kinakausap”

“Baka may ginawa kang masama, kilala mo si Miyaka masayahing tao yan”

“Ah! Alam ko na kaya sya siguro ganyan kasi may manliligaw sya”

“Kailan pa nya naging problem un, diba dati pa naman maraming umaaligid sa kanya”

“Hindi ko din alam eh”

“Aba, Her problem is a good problem”

“Bungol Talaga”

“Hoy Vince, ano naman ang Bungol”

“Hindi ko din alam eh!”

“Hayyyy… engot talaga”

“Ikaw bungol”

Tapos bigla akong napalingon kay Miyaka, hindi ako sanay na ganyan sya. Na mimiss ko ang pag greet nya sakin tuwing umaga, pangungulit pag wala pa kaming professor, pagkukuwento ng kung ano ano at higit sa lahat na mimiss ko ang mga ngiti at tawa nya.

Bakit parang nalulungkot din ako, nalulungkot ako dahil malungkot sya at higit sa lahat malungkot ako dahil hindi nya ako pinapansin. Nakikita ko sya pero namimiss ko sya, HAYYY ang GULO!

Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nilapitan ko na sya

“Miyaka! Alam mo bang ang dami kong gustong gawin ngayon” kaso hindi pa din nya ako pinapansin tuloy pa rin sya sa pag dradrawing nya

“Uy! Pansinin mo naman ako” kaso wala pa ring epekto

“Grabe ka! Wala naman akong ginagawang masama ha! Gusto ko lang naman magpasama”

“Magpasama ka kay Jasmine”

“Ano ka ba isang kaibigan lang ang kailangan ko” tapos biglang tumingin sakin si Miyaka

“Bakit ako si Jasmine na lang”

“Pero ikaw talaga ang pinaka gusto ko”

“Ha?”

“Ikaw ang gusto kong isama kasi diba Ur My No. 1 Fan” tapos pinakita ko ung ticket na ibibigay ko sa kanya. Halatang nagliwanag ung nga mata nya

“Ibibigay mo talaga sakin yan”

“OO naman”

“Akin na” kaso hindi ko binigay

“Akala ko ba bibigay mo sakin yan”         

“Sa isang kondisyon”

“Ano naman un?”

“Ipangako mo sakin na kahit anong mangyari hindi mo ako iiwasan lagi mo kong kakausapin. Kasi I can’t afford to lose you, I can’t afford to lose my no. 1 fan, diba nga isang kaibigan lang ang kailangan ko at ikaw un Miyaka” tapos biglang naiiyak na si Miyaka

“Teka, umiiyak ka ba?”

“Hindi ako umiiyak dahil nalulungkot ako, umiiyak ako dahil sa hangin”

“Kung ganun, dapat ko palang harangan ang hangin” tapos tumayo ako at hinarang ang hangin gamit ang kamay ko

“Kung umiiyak ka, wag kang mag-alala handa kong harangan ang hangin para sayo” tapos biglang ngumiti si Miyaka at niyakap ako

"D' Bad Brothers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon