Chapter 20

87 3 4
                                    

I’m suppose to be happy for Miyaka dahil nakahanap na sya ng taong tunay na magmamahal sa kanya pero bakit ganun kahit anong gawin ko may kumukurot pa rin sa puso ko.

Hindi ko talaga maintindihan, ung pakiramdam na may iba kang gusto pero pag nakita mong may kasamang iba ung may gusto sayo parang nasasaktan ka. Parang gusto mo ikaw lang ang gusyo nya!

Ewan ko ba naguguluhan na talaga ako! Hindi naman ako magpapaka emo ng ganito kung kasama ko ngayon si Jasmine, halos 2 araw na kaming hindi nagkikita at sa mga araw na yun puro si Miyaka ang naiisip ko. Paano kung ginawa ko toh ginawa ko yan! Hayyy mababaliw na talaga ako kakaisip sa mga katangahang nagawa ko

Ayoko ng walang ginagawa kung ano ano tuloy ang naiisp ko!

GERVIC CALLING!!!!!!

Pagtingin ko sa cellphone ko tumatawag si gervic, ano nanaman kayang problema ng mokong na toh!

“Vince, totoo ba ginawa mo yun!! Sumagot ko, bakit mo nagawa un! Hindi mo ba alam pwede kang mapatalsik sa Watson Academy sa ginawa mong yun! Ano Vince sumagot ka”

“Teka lang dre, ganda ng pambungad mo sa akin ah! Ano bang problema?”

“Anong ano bang problema! Lahat ng tao sa Watson Academy nagkakagulo dahil sayo”

“At bakit naman dahil sa akin, wala akong ginagawang masama ah!”

“Anong wala, na hack ang buong computer system ng Academy”

“Ano naman kinalaman ko dun”

“Lahat ng detalye about sa Academy na hack, ung finance, multimedia, clubs, funds at higit sa lahat ung mga exam na hack ang lahat lahat”

“Ang sinasabi mo ako ang may gawa nun”

“OO, pati security ng Watson Academy nawala sa in lahat lahat ng konektado sa computer na hack kaya hindi makapag klase ng maayos dahil hindi gumagana ang mga computer system”

“Naguguluhan ako, teka bakit naman nasali pangalan ko dyan”

“May mga dumating na computer expert para malaman kung sino o kaninong address ang may gawa ng lahat lahat ng toh! At IPP address mo ang lumabas”

“Ano, bakit ako? Nursing ang course ko at hindi I.T”

“Ibig sabihin hindi ikaw ang may gawa”

“OO naman, saka bakit ko gagawin yun! At higit sa lahat cheat lang ang alam ko hindi ang hack”

“Pero may problema Vince, hindi man ikaw ang totoong may gawa para sa iba ikaw ang may gawa. Kaya pumunta ka na dito sa Academy dahil kanina ka pa pinapatawag sa office”

“Salamat pre, pero ito ang tatandaan mo ano man ang mangyari lalabas din ang katotohanan”

At sino naman kayang may gawa nun, at bakit dinawit pa nya ang pangalan ko.

PAGDATING KO SA ACADEMY lahat ng tao nakatingin sakin. Ewan ko ba pero parang ang sama ng tumatakbo sa mga isip nila habang nakatingin sakin.

Sa hindi kalayuan nakita ko si Gervic kasama si Miyaka, teka bakit sila magkasama.

“Vince mabuti dumating ka na”

“Teka, anong ginagawa mo dito Miyaka” sabay tingin sa kanya

“Vince, magsabi ka ng totoo hindi ikaw ang may gawa nun diba, hindi ko kayang gawin un diba” tapos hinawakan nya ang kamay ko

“Teka lang Miyaka ah, hindi ako ang may gawa nun”

“Alam ko naniniwala ako sayo”

“Pero mas maganda kung hindi ka na lang sumasali sa isyung toh” bigla kong nasabi tas bumitaw ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko

"D' Bad Brothers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon