mnj ch41.a

52.5K 516 164
                                    

stephanie's

"Steph!" wala kang naririnig Steph.

"Steph! Hintayin mo ko!" Steph wag. Wag mo syang hintayin. Pagnilingon mo sya at hinintay, parang nasayang lang ung buong araw na pag iwas mo sakanya.

Oo. Buong araw ko ngang iniwasan si Lance. Narealize ko kasi na kung ayaw nyang magmove on sa feelings nya kay Julia, e dapat ako na ung magmove on sa feelings ko sakanya habang di pa to masyadong malalim. Kaso si Lance pa mismo ata ang sisira sa plano kong pag iwas sakanya. Uwian na nga e, nakita pa nya ako.

"Steph.." nagulat ako nung maramdaman ko ung kamay nya sa braso ko. Nakahabol na pala sya sakin.

"O, L-Lance?"

"Steph.." sabi nya ulit sa pangalan ko habang nakatingin sa mga mata ko at nakahawak pa rin sa braso ko. Hayst. Bakit ganito? Parang ang sarap pakinggan ng pagkakasabi nya sa pangalan ko.

"L-Lance.." nakakainis talaga. Paano naman ako magmumove on nito kung tingin pa lang nya natutunaw na ung puso ko.

"Steph.." As much as I want to hear him say my name, magtutunog Alien kami pag puro pangalan lang ng isa't isa ang sinabi namin.

"Lance? May kailangan ka ba??" pagkarinig nya sa tanong ko, parang syang nakawala sa isang spell. Bigla nyang binitawan ung braso ko he gave me a shy-type look. Ang cute nya talaga.

"K-kasi ano.. nung JS Prom. Ano e.." pautal utal nyang sabi. Nung JS? Shems.. Nahalata ba nya?? Na may gusto ako sakanya??

"Ha?? U-ung JS?? W-wala--"

"Oo. Nawala ka nga bigla nung JS." putol nya sakin. Teka? Hinanap nya ako nung JS? Shems talaga. Iniisip ko pa lang na hinanap nya ako nung JS, kinikilig na ako.

"Ah. K-kasi.." shocks. Paano ko ba sasabihin na nagselos ako sakanila ni Julia kaya umalis ako agad. Tsk. Di ko pwedeng sabihin un.

"S-Sorry. Alam ko namang kasama mo ung boyfriend mo." Boyfriend? Si Emman? Paano nya nalaman??

"He he. Oo tama ka. K-kasama ko nga sya nun.."

"Ah. O-okay.. P-Pero sana nagsabi ka na aalis ka na. Nag alala kasi ako, kami ni Julia. Bigla ka na lang kasing nawala e." napatulala ako sa sinabi ni Lance. Nag alala sya sakin??

"Nag alala ka sakin?" sabi ko habang nakatulala pa rin sakanya.

"Oo naman. Bigla bigla ka kasing nawawala e. Di ko tuloy nakuha ung copy nung mga pictures." para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya. Ung palang mga pictures ung concern nya. Hindi ako. Tss. Bakit nga naman kasi naisip ko na nag aalala sya sakin?

"S-Sorry pero hindi ko dala ung copy nung mga pictures. Bukas ng umaga ko na lang ibibigay." palusot ko. Dala ko naman talaga ung copy e. Kaso hindi ko pa nabubura ung mga stolen shots ni Lance. Nakakahiya ako pagnakita nya un.

"Ganon ba? Okay lang ba kung kunin na lang natin sainyo? Kailangan ko na kasing maayos ngayon un e."

"Pupunta ka samin?" gulat kong tanong.

"Oo. Hindi ba pwede? Strict ba parents mo? Sandali lang naman kasi ako e. Kukunin ko lang talaga ung copy nung mga pictures. Kahit hanggang labas lang ako ng bahay nyo." mabilis nyang sagot.

Ano ba? Papayag ba ako? Hayst. Sabagay kahit naman hindi ako pumayag alam ko namang kukulitin ako ng makulit na to e.

"Okay lang. Saka wala naman ung mga magulang ko. Walang tao ngayon dun. Tara na." Hindi ko na hinintay ung sagot nya. Tinalikuran ko na sya agad tapos nagsimula na akong maglakad.

"Teka Steph, walang tao sa bahay nyo?"

"Oo. Bakit?"

"W-Wala lang.. O-okay lang ba talagang pumunta ako sainyo?"

O bakit sya naghehesitate sumama ngayon? Ang gulo nito ni Lance.

"Oo naman. Tara na kasi. Ayaw mo? E di wag mo." sabi ko sabay talikod. Pero bago pa ako makahakbang, pinigilan na nya ako agad. Sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Wow. Ganito pala ung pakiramdam na hawak ng taong gusto mo ung kamay mo. Nakakakilig na nakakakaba. At nakakahiya kasi alam kong namumula ako ngayon. Pero mukhang hindi lang ako ang nabigla. Pagtingin ko kasi sa mukha nya, namumula din sya. Nung magtama ung mga mata namin, saka nya lang binitawan ung kamay ko.

"S-Sorry Steph. Ano lang kasi.. Nakakahiya kasi.. Pero sige, tara na." sabi nya tapos sya naman tong naunang maglakad. Kaya sumunod na lang ako sakanya. Pero nagtataka lang ako. Bakit kaya sya nahihiya? E wala namang ibang tao dun. Kami lang naman ang tao dun. Kaming dalawa lang---

Kaming dalawa lang ang tao sa bahay?! Hinga hinga. Relax Steph. E ano ngayon kung kami lang ang tao sa bahay namin. Waaah! Shems naman kasi e. Bakit pa ako napapayag na pumunta kami sa bahay namin?!

++++++

emman's

Nakakapagod. Kakatapos lang naming maglaro ng basketball ng mga schoolmates ko. Bubuksan ko pa lang sana ung locker ko nung marinig ko ung pagring ng cellphone ko.

Calling...

Girlfriend Ko

Hmmm. Bakit kaya tumatawag si Steph? Miss na nya siguro ako. Ano kayang magiging reaksyon nya pagnalaman nyang 'Girlfriend Ko' ung pangalan nya sa cellphone ko? Siguradong mamumula ng sobra un. Can't wait to see that.

"Hello Steph?"

"E-Emman, ano kasi e. Pwede ka bang pumunta dito samin?"

Pupunta ako sakanila? Bakit kaya? Sa pagkakaalala ko nasa business trip pa rin ung mga magulang nya.

"Bakit Steph? May problema ba?"

"W-Wala naman. Ano lang.. Nandito kasi si Lance sa bahay e. Kami lang da--"

Di ko na tinapos ung sinasabi nya. Agad kong kinuha ung bag ko. Di na din ako nagpalit ng damit. Kailangan kong makapunta kila Steph agad. Silang dalawa lang dun sa bahay nila. Ano bang ginagawa ng lalaking un sa bahay nila Steph?? Tsss. Siguraduhin lang nya na malayo sya kay Steph pagdating ko dun. Kundi, tssss, mawawala ung mukha nya na gustong gusto ni Steph.

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon