mnj ch40.b

53.3K 562 248
                                    

dave's

"A-ano.. Uhm.. Uuwi na ko D-Dave..."

Tss.. Kanina pa sya ganyan. Nauutal tapos parang hindi makakilos ng maayos. Ni hindi nga nya ako matignan sa mata e.

Bakit ko pa naman kasi sinabi un? Sa totoo lang, nabigla din ako sa sinabi at ginawa ko. Nainis kasi ako nung sasabihin na nya na hindi na nya ako gusto. Natatakot ako na dahil sa mga sinabi ko sakanya nung Sabado, e hindi na nya ako magustuhan. Sinabi ko lang naman na kapatid ang tingin ko sakanya kasi nabigla ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko nung sinabi nyang gusto nya ako. Some part of me ay gustong yakapin sya. And yung other part, sinasabing mali un. Mali ung nararamdaman ko para kay Julie kasi may girlfriend ako. Pero shit lang, hirap na hirap akong pigilan ang sarili kong halikan sya. I knew what I was feeling for her. At hindi yun pagmamahal ng isang kapatid. Pero duwag lang akong tanggapin ung nararamdaman ko. Kasi alam kong masasaktan ko si Kat.

Nung nakita ko syang, tsss, hinahalikan nung Carlo na un, nakaramdam ako ng galit at selos. Sabi nya gusto nya ako pero pumayag sya na halikan nung Carlo na un! Nung oras na yun, gusto kong bugbugin ung Carlo na un. Kaso baka lalong magalit sakin si Julie e.

"Ihahatid na kita."

"W-wag na. K-kaya ko namang umuwi m-mag isa e." sabi nya tapos dali dali syang lumabas ng kwarto ko. Tsss. Ang kulit talaga.

"Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo. Pero bago un, umupo muna tayo."sabi ko nung maabutan ko sya sa sala namin. Tapos hinatak ko sya paupo sa sofa. Buti na lang wala sila Mama. Walang mang iistorbo samin.

"E Dave, w-wala naman tayong dapat---" Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya. Bigla ko na lang kasi syang niyakap. Hindi sya nakaharap sakin pero nagawa ko pa rin syang yakapin. Ung tenga nya sinadya kong tinapat sa dibdib ko. Tapos ung baba ko nakapatong sa ulo nya.

Kanina ko pa talagang gustong gawin to, nasa kwarto pa lang kami. Kaso baka kung anong iba pa ang magawa ko kapag sa kwarto ko sya niyakap e.

"Naririnig mo ba? Ipaliwanag mo nga sakin kung bakit nagwawala yang puso ko pagkasama kita."

Nung una hindi ko din alam kung ano tong nararamdaman ko. Pero nung sinabi sakin ni Julie na gusto nya ako at nung nakita kong kahalikan nya ung ex nya, naintindihan ko na. Alam ko na kung bakit naiinis ako pag may iba syang kasama, pag may ibang tumatawag sakanya. Kung bakit gusto ko syang kasama lagi, gusto ko syang nakikita.

++++++

julianne's

"H-huh?" Hindi ko na naintindihan ung sinabi nya. Parang nabingi na kasi ako sa tunog ng tibok ng mga puso namin. Kung yung akin parang huminto, ung sakanya sobrang bilis.

"Tsss. Wala! Tara na." sabi nya sabay hila sakin papalabas ng bahay nila. Tapos naglakad kami ng tahimik habang magkahawak ung kamay namin.

Gosh, nananaginip ata talaga ako. Totoo ba to? Ayokong maging assumming pero, ano ba ung ibig nyang sabihin na 'Julie, please don't stop liking me'? Ibig bang sabihin nun may gusto rin sya sakin?! Shemay! Waaah! Ayokong ipahalata sakanya pero kinikilig talaga ako. Julie, behave!

"Okay ka lang? Bakit nakangiti ka dyan?" tanong nya habang nakataas ung isa nyang kilay. Badtrip! Ang gwapo nya! Lalo tuloy akong napangiti.

"W-wala. May naisip lang."

"Tsss. Ung Carlo na naman na un." Hindi yun tanong, statement yun. Parang siguradong sigurado sya ah. Teka. Nagseselos ba sya?? Ang cute naman nyang magselos. Lalo tuloy akong kinilig.

"E kasi, sabi nya susunduin daw nya ako e." bigla nya binitiwan ung kamay ko tapos binilisan nya ung lakad nya. Hala. Mukhang nagalit ata. Tama ako. Nagseselos nga sya. Hihihi.

Tumakbo ako para mahabol ko sya tapos hinawakan ko ung kamay nya. Napatingin sya sakin. Tapos nginitian ko sya. Nakita kong parang pinipigilan nya rin ung sarili nyang matawa. Pero halata naman sa mata nya na natatawa sya.

BEEP

BEEP

Makabusina. Di naman kami nakaharang sa daan ha. Napalingon kaming dalawa ni Dave sa kotseng bumusina samin. Nagulat ako nung nakita ko si Carlo. Sya pala ung bumusina samin.

"C-Carlo?"

Bumaba si Carlo sa kotse nya tapos lumapit sya samin. Kinuha nya ung kamay ko mula sa pagkakahawak sa kamay ni Dave. Pero agad din namang inagaw ni Dave ung kamay ko mula kay Carlo.

"Umalis ka na. Ako ang maghahatid kay Julie." sabi ni Dave na may halong pagpipigil ng galit.

Pero sa halip na sumagot si Carlo, nagulat ako sa ginawa nya--hinalikan nya ako... sa labi... habang nakatingin si Dave.

BOOGSSSHH

Ang bilis ng pangyayari, next thing I knew, nakabulagta na si Carlo sa daan at may dugo na ung labi nya. Nakita kong lalapitan na ulit sya ni Dave para suntukin. Kaya agad kong nilapitan si Dave tapos inawat ko sya.

"Dave! Tama na!!" awat ko sakanya.

"Bakit?! Kayo na ba ulit ng g*gong yan?!" baling nya sakin. Di ako natatakot na baka saktan nya ako. Di nya ako kayang saktan. Pero natatakot ako na baka isipin nya na binalikan ko na si Carlo.

"Dave, hindi.."

"Bakit Dave, ano namang pakialam mo kung kami na ulit?! Ayaw mo naman sakanya di ba? Hindi mo naman sya gusto, di ba?!" sabi naman ni Carlo habang tumatayo. Napahinto si Dave sa sinabi ni Carlo. Kahit ako napahinto, gusto kong marinig ung sagot ni Dave.

Nilapitan ni Dave si Carlo tapos hinawakan nya to sa kwelyo. Tapos binigyan nya ng isang malakas na suntok si Carlo sa tyan. Agad naman akong lumapit sakanila.

"Dave ta--"

"Gusto ko si Julie. At akin lang sya. Naiintindihan mo ba?!"

Nagulat ako sa sinabi ni Dave pero mas nagulat ako sa sunod na nagsalita.

"D-Dave?"

Si Kat. At tumutulo ung mga luha nya.

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon