mnj ch36.d

53.7K 268 32
                                    

julianne's

"Actua---"di ko na naman natuloy ung gusto kong sabihin dahil nagsalita si Dave.

"Congrats sainyo. Nagkabalikan na pala kayo." sabi nya habang nakatingin sa stage.

Nang iinis ba talaga si Dave ha?? Alam naman nyang hindi totoo un e! Alam naman nyang ex ko lang si Carlo! Binigyan ko lang sya ng another chance pero hindi kami ulet!! Naiinis na naman ako. Pero this time, parang hindi ko na kaya. Parang sasabog na ako anytime. Gusto ko ng maiyak sa sobrang inis. Pero hindi dapat ako magbreak down dito, sa harap nila. Baka kung ano pa isipin nila e. Saka siguradong di ko sila masasagot pag tinanong nila ako kung bakit ako umiiyak. Dahil ako mismo, hindi ko maintindihan ung sarili ko.

Dave, did you honestly think na makikipagbalikan ako kay Carlo ng ganon ganon lang??

Sa sobrang inis ko kay Dave, tinignan ko sya ng masama.. Kahit pa hindi sya sakin nakatingin, kahit nandun sa girlfriend nya ung atensyon nya, patuloy ko pa rin syang tinignan ng masama. Baka sakaling maramdaman nya na nakatingin ako sakanya at maisip nya na mali ung iniisip nya tungkol samin ni Carlo.

Mayamaya, nagsimula ng magsitayuan ung mga estudyante. Nagsimula na silang sumayaw..

First dance na..

Kagabi, habang iniisip ko tong first dance, nasabi ko sa sarili ko na malamang si Carlo ang magiging first dance ko kasi sya naman ung date ko e. Baka nga sya lang ang magsayaw sakin buong gabi kasi sigurado naman akong walang ibang magyayaya sakin. Kaso ngayon, wala na ako sa mood sumayaw. Ang gusto ko na lang ay umuwi at umalis sa lugar na to..

E ano nga bang pumipigil sakin para gawin un? Di ko alam. Di ko na din talaga maintindihan ung sarili ko. Ang gulo e.. Daig ko pa ang buntis sa pagpapalit palit ng emosyon.

Hindi kaya bipolar talaga ako gaya ng sabi ni Dave??O_O

E si Dave at Kat? Bakit hindi pa sila sumasayaw?? Ang awkward tuloy ng atmosphere sa table namin. Pare-pareho kasi kaming di kumikilos o nagsasalita e. Si Kat, tutok sa cellphone nya na parang inis na inis din. Si Dave, nakatingin lang kay Kat. Ano ba?? Nagkakahiyaan ba sila?? Sumayaw na kasi sila kung sasayaw sila!! Daming arte! Tsss. Ano bang pakialam ko sakanila di ba?? E di sumayaw sila hangga't gusto nila! O kaya magtitigan sila buong gabi! As if I care!!

"E-excuse me. Hahanapin ko lang si Steph." hindi ko na hinintay ung sagot nila. Naglakad na lang ako ng mabilis. Maputulan na ng paa kung mapuputulan! Basta kailangan kong umalis sa lugar na yon!!

+++++++++++++++++++++

dave's

E ano naman kung nagkabalikan na sila?? Hindi ba un naman talaga ung gusto nya??! Hindi ba't mahal naman nya talaga tong gago na to??

Saan kaya pumunta un? Ang taas pa man din ng sapatos nya. Baka matapilok pa un. O kaya-- tss. Anong pakialam ko sakanya? Nandito naman ung boyfriend nya.

Alam ko namang hindi pa sila ulit. Pero dun din ang punta nila. Magkakabalikan din sila..

"Babe? Okay ka lang?? Ang lalim ata ng iniisip mo?" nag aalalang tanong sakin ni Kat.

"Okay lang ako. Ikaw? Parang malalim din iniisip mo ah." Kanina ko pa napapansin na tahimik nga si Kat. Akala ko pa man din excited syang pumunta dito..

"H-Huh? O-okay lang ako no. Don't worry babe. I'm fine." hinawakan nya ung mukha ko pagkasabi nya nun. Naalala ko tuloy nung hinawakan ko ung mukha ni Julie kanina. Na-guilty kasi ako na kung ano ano ung inisip ko e. Akala ko talaga pumayag syang sumama na dalin sya nung Carlo na un kung saan saan. Tsss..

"Kat?"

"Hmmm?"

Di na ako nagsalita. Tumayo na lang ako at nilahad ko ung kamay ko. Naintindihan naman nya ung ibig kong sabihin. Napangiti sya. Nilagay nya ung kamay nya sa kamay ko at tumayo.

"I would love to.." sabi nya tapos hinalikan nya ako sa pisngi.

Ayan na naman. Pinagtitinginan na naman kami. Pero hindi na lang namin sila pinansin.

Pumunta kami dun sa lugar kung saan nagsasayawan ung ibang estudyante. Nilagay nya ung kamay nya sa balikat ko at ako naman nilagay ko ung kamay ko sa bewang nya.

Hindi ako marunong sumayaw pero dahil madalas akong pinipilit ni Kat na isayaw sya, kahit nasa hideout lang kami o nasa bahay nila, e ahit papano natuto na ko. Mahilig kasi si Kat sa ganitong klase ng sayaw lalo na pag naglalambing sya.

"Babe, thank you ha.." sabi nya sakin ng nakangiti. Isa to sa mga minahal ko sakanya, ung ngiti nya. Pag kasi ngumingiti sya, parang wala syang problema. Madalas nga nakakalimutan ko ung mga problema ko pag nakikita ko ung ngiti nya..

Hindi katulad ni Julie, minsan na nga lang ngumiti, madalas ngiting nang iinis pa..

Ngiti lang din ung sagot ko sakanya. Tapos lalo syang napangiti.. Ang ganda ng girlfriend ko.

Ang ganda ni Julie..

Ô____Ô

Shit!

Julie ba sinabi ko??

"Uhm Dave? Maganda si Julianne no?"

Shit! Shit! Sinabi ko ba ng malakas un??! Bakit ko ba kasi bigla bigla naisip ung babaeng un e?! Oo nga. Ang ganda nga nya ngayon. Muka syang prinsesa..

"Huh??"

"Sabi ko, maganda si Julianne. Kaso halatang hindi sya marunong sumayaw. Hehe.."

Hayst. Kala ko narinig nya ako. Pareho lang pala kami ng iniisip. Pero anong ibig nyang sabihin dun sa hindi marunong sumayaw??

"Huh?" ulit ko sakanya. Bigla kaming umikot habang nagsasayaw pa rin. Napunta ako sa pwesto nya. At doon, nakita ko si Julie. Hindi naman masyadong maliwanag pero kita pa rin sya. Stand out kasi talaga sya.

Bigla syang napatingin sya sa pwesto namin kaya nagkatinginan kami. Di ko napigilan ung pagsalubong ng kilay ko nung marealize ko ung ginagawa nya.

Tssss. Akala ko ba hahanapin nya ung kaibigan nya?? Un pala makikipagsayaw lang sya!!

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon