mnj ch36.f

53K 304 39
                                    

julianne's

Pagkatapos akong isayaw ni Lance, sunod sunod na ung nag invite saking sumayaw. Tss. Di ba nila halatang hindi ako marunong sumayaw? Nakakainis sila pero pumayag na rin ako. Buti nga sinayaw pa nila ako e. Akala ko talaga magiging 'wall flower' lang ako.

"Saan mo balak mag aral sa college?" tanong sakin ni Jervy habang nagsasayaw kami. Siya ang captain ng basketball team ng school namin.

"D-Di ko pa alam e." Halos di na ako makakilos sa sobrang sakit ng paa ko. Nahihiya naman ako na magpaalam na gusto ko ng umupo.

May itatanong pa sana siya sakin nang biglang dumating si Dave. Walang salita nya akong hinatak mula kay Jervy. Syempre wala namang palag un. Alam naman nyang gang leader si Dave e. Takot lang nyang kalabanin si Dave lalo na't mukhang bad mood na naman sya.

"Let's talk sometime Julianne!" narinig ko na lang na sigaw ni Jervy. Nagtinginan sakanya at samin ni Dave ung mga tao. Pero tuloy pa rin kami sa paglalakad ng magkahawak ang kamay. Madalas naman ng gawin ni Dave sakin to e, ang hatakin at hawakan ang kamay pero parang laging first time lang everytime na ginagawa nya un. I get the same feelings kasi. Ung excitement, ung kaba, ung comfortable feeling pati ung pagba blush ko.

Ang bilis ng lakad ni Dave kaya no choice ako kung hindi maglakad din ng mabilis. Lalo tuloy sumakit. Ang insensitive naman ni Dave. Di ba nya napapansin na di na nga ako makalakad??

Nung makarating na kami sa table namin, dali dali akong humiwalay kay Dave at umupo ako agad. Bukod kasi sa sabik na sabik na akong umupo, e baka makita pa ni Kat na magkahawak ung kamay namin at kung ano pa ung isipin nya.

"Shocks! Julianne! What happened to your feet??"sigaw ni Kat.

Pagkatingin ko sa paa ko.

Shocks nga!! Ang dami na nyang paltos.

"Kasi naman e.." Kasi naman ung mga lalaki na un e!!

"Wait. I think I have some band aids. There! Babe, ilagay mo naman sa paa ni Julianne to o." Nagkatinginan kami ni Dave sa sinabi ni Kat na un.

"Tsss. Bakit ako pa?? Sya na lang." tanggi ni Dave. Grabe makatanggi! Di naman mabaho paa ko a!

"E paano sya yuyuko? Dave naka gown sya o.." Tinignan ako ni Dave. Mukhang narealize ni Dave na tama si Kat. Kinuha nya kasi ung mga band aid kay Kat tapos umupo sya sa harap ko. Tapos kinuha nya ung paa ko.

Parang ung eksena kung saan sinusuot ni Prince Charming kay Cinderella ung glass shoes. o///o

Naman! Naisip ko pa talaga ung eksenang un no? Di naman appropriate ung eksena na un samin. Una, may iba na syang prinsesa. Pangalawa, mas gwapo sya kay Prince Charming. At pangatlo--- teka. Ngayon ko lang napansin, wala pala si Carlo dito.

"Nasaan si Carlo?"

"Di ko alam e. Pagdating namin, wala na sya dito." sagot ni Kat.

"Baka umuwi na yon. Iniwan ka na ng boyfriend mo." pang aasar naman ni Dave. Tsss.

"Di k---"

"Julia!!" Paglingon ko, nakita ko si Carlo. Nakatingin sya kay Dave na kasalukuyan pa ring nilalagyan ng band aid ung paa ko.

"Carlo? Saan ka galing?"

Bago sumagot, umupo din si Carlo sa harap ko at kinuha nya ung band aid kay Dave.

"Ako na." sabi nya kay Dave.

"Tsss." singhal naman ni Dave sakanya.

"Sorry Julia. May kinausap lang ako sandali. Tapos hinanap na kita. Kaso hindi kita nakita e." pag eexplain naman ni Carlo habang nakaupo pa rin sa harap ko.

"Okay lang un." un lang nasabi ko. Sa totoo kasi nyan naiinis pa rin ako dun sa pagsabi nya na kami na ulet.

Pagkatapos nyang maglagay ng band aide, minasahe nya pa ung paa ko. Tapos umupo na sya sa tabi ko.

"Julia! Sabi na e. Nandito kayo." Paglingon ko, nakita ko si Steph na kasama si Lance. Iika ikang maglakad si Steph at akay akay sya ni Lance. Nakasabit sa leeg nya ung camera nya. Mukhang napagod din ung paa nya.

"Steph? Anong nangyari sa'yo?" gusto ko mang tumayo para alalayan si Steph, e hindi ko pa kaya. Masakit pa rin paa ko e.

"Ano kasi e.." pag aalinlangan ni Steph.

"Pwede kaming makishare ng table? Wala na kasi kaming maupuan ee." pagtutuloy naman ni Lance.

Hindi sumagot si Dave. Ngumiti lang si Kat. Mukhang okay lang sakanya. Si Carlo naman tumayo at tinulungan si Lance sa pag alalay kay Steph. Umupo si Steph sa tabi ko. Tapos nilagyan din ni Lance ng band aid ung paa ni Steph. Buti na lang girlscout si Kat.

Habang nilalagyan ni Lance ng band aid ung paa ni Steph, nakita kong nakatingin si Steph kay Lance. Nakangiti sya at nagba blush. Mukhang kinikilig ata si Steph sa eksena nila ni Lance na un.

Hmmm.. Hindi naman imposibleng mangyari un di ba? Naging close na rin naman kasi sila.

"Okay ka na Steph?" tanong ni Lance nung matapos sya. Isang matamis na ngiti lang ung sinagot ni Steph.

Waaaahhh.. Kinikilig ako sakanila!!

Mayamaya tumingin si Steph sakin tapos tumingin naman siya kay Kat. Mukhang tinatanong nya kung sino si Kat. Kaya pinakilala ko sila sa isa't isa. Pati si Lance. As expected, napatulala rin si Lance kay Kat. Nag iba ung itsura ni Steph nung makita si Lance na mukhang sobrang nagandahan kay Kat. Haha. Ngayon ko lang sya nakitang nagselos.

Tapos nun, wala na ulit nagsalita samin. Ang awkward na nung atmosphere.

Si Steph nakasimangot pa rin. Si Lance pagala gala ung mata. Minsan nakatingin samin ni Carlo, minsan kay Kat and Dave, minsan naman kay Steph. Si Dave naman nakatingin lang sa sahig. Si Kat, masama ang tingin sa cellphone nya. Bakit? Malay ko. Si Carlo, kanina pa nakatingin sakin.

Maya maya, tumigil na ung tugtog. At may nagsalita mula sa stage.

"Beautiful Ladies and Handsome Gentlemen, it's time to announce the Prom's King and Queen."

ö_ö

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon