mnj ch29.c

57.8K 345 38
                                    

julianne's

Di ko napigilang magbuntong hininga nung pumayag ung Vince na makadaan kami. Sobrang natatakot talaga ako. Pero kahit na ganon, I feel so safe ngayong katabi ko si Dave. Lalo na ngayong hawak ko ung kamay nya. Ang kinakatakot ko lang baka makipag away tong si Dave. Lima sila, sya mag isa lang. Baka mabugbog sya.

Naramdaman kong nilagay ni Dave ung kanang kamay nya sa kanang balikat ko. Tapos nagsimula na kaming maglakad.

Pero bakit ganito? Kinakabahan pa rin ako? Pakiramdam ko may mali e. Kung pagbabasehan kasi ung way ng pag uusap ni Dave at nung lalaki, kapansin pansin na hindi sila magkasundo. Mukha silang magkaaway. Pero bakit konting pakiusap lang ni Dave na padaanin kami, e pumayag agad sya?

Mukang nararamdaman din ni Dave ung nararamdam ko kasi humigpit ung pagkakahawak nya sa kamay at balikat ko.

Pagdaan namin sakanila, nakaamoy ako ng amoy alak at sigarilyo. Shocks. Nakainom pa pala sila..

Konti na lang makakalagpas na kami. Konti na---

*tsup*

Before my mind even registered what just happened, nakarinig na ako ng malakas na suntok. Kasabay nun ang sunod sunod pa na suntok. Paglingon ko, nakita kong nakabulagta na si Vince sa daan. Puro dugo na ung mukha nya. Si Dave naman hawak ung kwelyo ng damit nya. Ano bang nangyari??

"SINONG NAGSABI SAYONG HALIKAN MO SYA???!!!! G*GO KA!!! PAPATAYIN KITA!!!" Di ko nakikita ung itsura ni Dave pero ang lakas ng pakiramdam ko na dapat akong magpasalamat na hindi ko nakikita ung itsura nya ngayon. Alam kong matatakot lang ako sa makikita ko.

Nakakaramdam ako ng galit kay Vince. Pero awa na rin. Kawawa ung mukha nya. Halos hindi na makilala.

Ung mga kasama ni Vince, hindi alam kung anong gagawin. Di nila alam kung dapat ba nilang tulungan si Vince o tatakbo na lang papalayo kay Dave na parang naging halimaw na. Nakakatakot sya. Natatakot na ako sa kanya.

"D-Dave! Bitawan mo si Vince! Kundi, masasaktan tong babaeng to!" pagsabi nung lalaki sa kaliwa ko nun, saka ko lang naramdaman na may nakatutok na kutsilyo sa tagiliran ko at may mga braso na palang nakalagay sa leeg ko.

"D-Dave..." huminto sa pagsuntok si Dave pagkatawag ko sakanya. Pagkaharap nya samin, nakita kong puno ng galit ung mga mata nya. Napatingin sya sa kutsilyo na nakalagay sa tagiliran ko.

"BITAWAN MO SI JULIE G*GO KA!! KUNG AYAW MO PANG MAMATAY!" Sigaw nya. Ilang beses ko na rin naman nakitang galit or naiinis si Dave. Pero iba ung ngayon. Nakakatakot. Parang lahat kaya nyang mapatay. Kahit ako.

"N-No. S-sasaktan ko talaga tong babae na to pag hindi mo tinigilan si Vince." pananakot nung lalaking may hawak sakin. Siguro kung nanonood lang ako, malamang natawa na ko sa lalaking to. Nanakot kunwari pero nangangatal naman ang boses. Nanginginig din ung buo nyang katawan. Even his hand that's holding the knife..

Unti unting lumapit si Dave papunta samin. Nakakatakot talaga. Para syang predator na handang sugurin ung prey nya. Ung iba nilang kasama nagsitakbuhan na. Pero itong lalaking to, nakuha pa akong i-hostage.

"Wag kang lalapit Dave. Sasaktan ko talaga to"

Hindi ata sya narinig ni Dave. Tuloy pa rin sya sa paglalakad papunta samin.

"Isa!" tinaas nung lalaki ung kutsilyo hindi para sumuko kundi para ihanda sa pagsaksak sakin.

Papalapit pa rin si Dave samin. Gusto ba talaga nya akong masaktan??

"Dave! Please!!" sigaw ko sakanya. Para saan ung 'please'? Hindi ko din alam. Naguguluhan ako. Gusto kong tulungan nya ako pero ayokong makasakit na naman sya. Ang daming dugo ng kamay nya. Tama na yun! Ayoko ng makita syang nananakit ng ibang tao!!

Napatingin sakin si Dave. Tapos napahinto sya sa paglalakad.. Nakatingin lang sya sakin.. Parang naguguluhan..

"Dave.." tawag ko ulit sa pangalan nya. Parang lalo tuloy syang naguluhan.

"Huli ka. Sorry miss if nadamay ka pa dito." bulong sakin nung lalaki sabay pagbaba sa tagiliran ko ng kamay nyang may hawak na kutsilyo.

Di ko na alam kung anong sunod na nangyari. Ang huli ko na lang naalala ay ung mga mata ni Dave. Sobrang lungkot ng mata nya.. Di ko alam kung bakit pero parang kinurot ung puso ko nung makita ko ung lungkot sa mga mata nya.. Parang ang lungkot na rin ng pakiramdam ko.

Dave...

Dave... Wag ka ng malungkot please..

====================

Eto na.. Get's nyo ba? Eto na talaga ung start.. Hayst.. Nu kaya next na mangyayari? O_O

Thanks for reading the THREE as in 3-parts Valentine's Day special ng MNJ..

Comment?

Vote?

"They call it Valentine's Day, We call it TUES day." hehe..

Lablab!!

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon