mnj ch39.c

53.3K 489 209
                                    

julianne's

"Dave? Pwede bang wag mong banggitin si Kat pagkasama mo ko? Pwede ba un?" Di ko na napigilang sabihin sakanya un. Kanina pa kasi ako naiinis sa kakabanggit nya kay Kat.

"Huh? Bakit?" nagtataka nyang tanong.

"Wala. Nevermind!" sagot ko tapos tumalikod na lang ako sakanya. Nakakainis na talaga sya! Ang manhid! Oo na! Alam ko namang wala akong panama sakanya e! Pero wag na sanang ipamukha! Ang sakit e!

"Dave? Mahal mo si Kat?" tanong ko sakanya habang nakatalikod pa rin. Pagkasabi ko nun, parang gusto ko na lang bawiin ung tanong ko. Mukha lang kasi ang tanga. Alam ko naman kasi kung ano ung isasagot nya e. Pero kailangan ko pa ring marinig mula sakanya. Ang gulo na kasi e. Nahihirapan ako.

"Huh? O-Oo naman. Girlfriend ko sya e." sabi na e. Pero bakit ganito? Expected ko naman na. Kaso, ang sakit pa rin. Lalo tuloy tumulo ung mga luha ko.

"Right. E bakit mo ko hinalikan kagabi?" sabi ko tapos humarap ako sakanya. Pero nakatalikod pala sya.

"Ano.. J-Just to make sure na wala nga dun si Carlo sa k-kwarto mo. A-Alam ko kasing lalabas sya pag nakita nyang hinalikan kita"

Natawa ako hindi dahil sa sagot nya kundi dahil sa sarili ko. Expected ko naman na din kasi ung sagot nya na un. Pero umasa pa rin ako na hindi un ung isasagot nya- na iba ung dahilan- na pareho kami ng nararamdaman. Kaso, ang tanga ko talaga!!

"Okay ka lang Julie? Tara gamutin na natin yang su---"

"Gusto kita Dave." sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya. Nilakasan ko na ung loob ko na sabihin sakanya un. Kasi ang bigat na talaga ng pakiramdam ko. Baka bigla na lang akong sumabog pagpinigilan ko pa.

"What?? You're kidding, right?"

Umiling ako bilang sagot. There's no use in denying it. Ako rin ang mahihirapan e.

I thought I saw something in his eyes but before I could even recognize kung ano un, bigla syang umiwas ng tingin sakin.

"Julie, you're just confused. Or maybe, gusto mo ako as your older brother. Gusto rin naman kita e. Para rin naman na kitang naka--nakababatang ka-kapatid."

Parang dinurog ung puso ko sa sinabi nya. Gusto nya ako bilang kapatid?? Kapatid lang ang tingin nya sakin??

"Tss. Kapatid? Kung kapatid mo ako, e di kapatid ko rin si Emman?? So you're saying that Emman can kiss and touch me passionately too?? Cause that's what we did last night Dave!!" nakita kong napahinto sya sa sinabi ko. Di nya siguro expected na masasabi ko un. Kahit naman ako e. Di ko rin expected na masasabi ko un. Pero ang sakit kasi ng sinabi nya.

"What?? HELL NO JULIE!!" sigaw nya sakin.

"E ano Dave?? Ano ba tayo?? Naguguluhan na ako!!"

Nilapitan nya ko tapos niyakap nya ako. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

"Y-You're just confused Julie. H-Hindi mo ako gusto. Sorry sa ginawa ko kagabi. You're.. like a s-sister to me, Julie." sabi nya ng pautal utal at parang nahihirapan syang huminga. Hindi ko makita ung expression ng mukha nya. Kaya kumalas ako mula sa pagkakayakap nya. Saka ko sya tinignan ng deretso sa mata.

"Baka ikaw ang nako-confuse Dave, hindi ako." bago pa sya makapagreact sa sinabi ko, tumakbo na ako agad palabas ng bahay. Gusto kong makalayo sakanya. Ayoko syang makita!! Ang sakit sakit e. Parang dinudukot ung puso ko sa sobrang sakit. Hindi ako makahinga. Parang namamanhid na ung buo kong katawan.

Tumakbo na lang ako ng tumakbo. Hindi ko na alam kung gaano kalayo na ung natatakbo ko. Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta e. Basta gusto kong lumayo. Lalo tuloy akong hindi makahinga. Tapos hindi pa ako makakitang mabuti kasi puno ng luha ung mga mata ko.

BEEP!!!!

BEEP!!!

Ang bilis ng mga pangyayari. Ang daming sasakyang bumubusina. Hindi ko namalayang nakatawid na pala ako ng highway.

Hindi ko na nilingon ung mga driver na muntik ng makasagasa sakin. Kahit pinagmumura nila ako. Ung tenga ko lang naman ung sumakit. Mas masakit ung nararamdaman ng puso ko. Paano kaya kung nasagasaan ako? Mag aalala kaya sakin si Dave? Dadalawin nya kaya ako sa hospital? O kagaya lang nung dati, na hindi nya ako dadalawin tapos iiwasan nya ako? Tsss. Malamang ganon nga ang gagawin nya. Wala namang pakialam sakin un e.

Maya maya, nakaramdam na ko ng pagod. Kaya huminto muna ako. Nun ko lang napansin na nasa isang park na pala ako. Ilang minuto na akong nakaupo at nakadukdok ng maramdaman kong may humawak sa braso ko. Di ko expected na masusundan nya ako. Ni hindi ko nga naisip na susundan nya ako.

"Ano ba?!! Bitawan mo ako!!" sigaw ko sakanya habang nakadukdok pa rin. Tuloy tuloy pa rin ung pagtulo ng mga luha ko. Parang hindi sila nauubos.

"Julia? Okay ka lang?? Anong ginawa sa'yo nung g*go na yon??!" pagkarinig ko nun, hinarap ko sya agad. Sya pala, akala ko si Dave na. Lalo tuloy akong naiyak.

"Carlo??" hindi ko alam kung bakit pero napayakap na lang ako bigla sakanya. Sobrang sakit kasi ng nararamdaman ko e.

"Shhhh. Nandito na ko. Tahan na. Di ka na malalapitan nung lalaking un."

Habang nagsasalita si Carlo, nakita kong papalapit si Dave samin. So, sinundan nya rin ako. Parang gumaan ng bahagya ung pakiramdam ko. Pero mas nararamdaman ko pa rin ung sakit.

"Kiss me Carlo." Napahiwalay si Carlo sa pagkakayakap namin.

"Huh?" Halata sa mukha nya ang pagkabigla at pag aalinlangan.

"I said kiss me." Nanlaki ung mata ni Carlo sa sinabi ko.

"Julie!!" narinig kong sigaw ni Dave.

Bago pa makalingon si Carlo kay Dave, hinawakan ko ung mukha ni Carlo at hinalikan ko sya. At yung hindi lang basta smack kiss.

=======

As promised.ö

Thanks for reading!

Lovemuchessss!:))

-musique-

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon