mnj ch35

56.5K 330 42
                                    

dave's

Tsss. Bakit naman kasi kailangan pang umatend sa JS Prom na un. Ano bang meron dun?? Ano bang mapapala ko pag umattend ako dun?? Tsk. Sigurado namang boring un. Aksaya lang ng oras pagpumunta pa ako dun. Tsss. E ano naman kung pupunta si Julie dun kasama ung Carlo na un?? Ano bang pakialam ko sakanila??

[Flashback]

"Dave? Di ka ba talaga pupunta sa JS Prom nyo?" tanong ni Mama bago ako pumasok.

"JS? Hindi po." Sagot ko naman ng walang isip isip pa. Nakapagdesisyon na kasi ako na hindi na talaga ako pupunta dun.

"Ah.. Tsk. Ikaw kasi e. Hindi mo pa niyaya si Julia. Si Carlo na tuloy ung ka-date nya.."

"O pupunta sya?? Akala ko hindi na sya pupunta?"

"E un nga ung alam ko. Kaso si Tita Grace mo tumawag kagabi. Samahan ko daw silang mamili mamaya ng susuotin ni Julia dun sa Prom nyo." Tss.. Mukhang excited syang bumili ng gown ah.

"Ah.."

"Teka. Paano mo nalaman na hindi pupunta dapat si Julia? Nakinig ka ba sa usapan namin kahapon??"

O_O

"Tsss. Di ko po kayo pinakinggan. Narinig ko lang kayo kasi sa labas ng kwarto ko kayo nag uusap."

"Talaga lang ha."

Tss. Si Mama. Pinagdudahan pa ko.T_T

"Oo naman Ma! Alis na nga ako."

"Teka lang anak. Kasi sila Tita Grace and Tito Harold mo.. Pinapatanong kung pupunta ka daw ba. Kasi gusto sana nila nandun ka. Para daw mabantayan mo sila Julia and Carlo."

Anu daw?? Ako? Babantayan sila?? Nagpapatawa ba sila Tito at Tita?

"Ma?! Ako?! Bakit ko sila babantayan?! Ano sila bata??"

Natawa pa si Mama bago sinagot ung tanong ko.

"E kasi matagal tagal ding hindi nagkasama ung dalawang un. Baka magtanan sila o kaya baka kung saan saan na lang sila pumunta. Dun sa madilim. Tapos pagbalik nila, di na sila dalawa. Tatlo na sila."

O_O

Ano tong mga pinagsasabi ni Mama?? Saan daw sila pupunta?? Tatlo?? G*go ung Carlo na un a! Subukan lang nya! Gagawin ko sakanya ung ginawa ko dun sa g*gong Vince na un! Hindi. Mas malala pa dun ung gagawin ko sakanya!!

Teka. Ano ba tong mga iniisip ko?! Anong pakialam ko sakanila?! Magparami sila hangga't gusto nila!

"Male-late na ako Ma. Bye."

"Okay. Ikaw kasi Dave e. Ang hina mo." pabulong na sabi ni Mama.

[End of Flashback]

Di ko na lang pinatulan ung sinabi ni Mama na un. Di ko rin naman kasi naintindihan kung ano ung ibig nyang sabihin e. Pero...

Magagawa ba talaga ni Carlo at Julie un? Ang bata pa kaya ni Julie! Anong malay nun sa mga ganong bagay?!! SHET KA CARLO! Mapapatay kita pag nalaman kong ginawa mo kay Julie un!!

E pano kung pumunta na lang kaya ako sa JS na un? Kahit na wala akong gagawin? Kahit na magmumukha lang akong tanga dun? Kahit na alam kong magiging taga bantay lang ko nung dalawang un??! Tsk! Sino ba naman kasi nag imbento ng JS Prom na yan??!

"Dave baby.. Anong iniisip mo?"

"JS."

"JS? As in JS Prom??"

Shet. Nakalimutan ko. Kasama ko pala si Kat. Nandito kami sa 2nd hide out ng gang (ung pinagdalan ko kay Julie dati nung pinaiyak sya nung Carlo na un). Dumating na sya kagabi. Sinundo ko sya sa airport nung umalis ako sa bahay. Biglaan nga ung pag uwi nya e. Ang alam ko 1 buwan ung OJT nya sa New York.

"Huh? JS? May sinabi akong JS?" pagmamaamaangan ko. Hindi nya dapat malaman ung tungkol sa prom na un. Nung isang taon pa nya akong pinipilit na pumunta dun e. Di lang nya ako napilit. Siguradong pipilitin na naman nya akong pumunta ngayon. Di daw kasi sya nakapunta sa JS Prom nya dati nung highschool pa sya dahil dun sa 2 nyang kuya. Kaya gusto nyang makapunta.

"Sinabi mo un Dave!! Ang daya!! Tara na please! Pumunta na tayo sa JS Prom nyo. Please.. Last chance na natin pareho to na makapunta!!" sabi nya habang niyuyugyog ung ulo ko. Ganito talaga sya pag nangungulit. Parang bata. Kung titignan mo syang mabuti, parang ang tapang tapang nya. Ung tipong hindi basta basta magpapaapi. Pero, ung totoo, isip at kilos bata sya. At talagang makulit.

"No. Di tayo pupunta." pagmamatigas ko. Pero ang totoo, napapaisip na ako kung papayag ba ako o hindi.

"Sige na. Please please please baby!! Please Dave. Pumunta na tayo please." pagpupumilit nya habang nakapout ung mga pula nyang labi nya. Ang ganda talaga ni Kat. Walang wala si Julie. Tsk.

"No. Sorry Kat. Ayoko talagang pumunta."

"Please please Dave.. Please. Gusto ko talagang pumunta sa prom! Pagbigyan mo naman ako please." sabi nya na seryoso na ung mukha. Tsk. Ang higpit naman kasi ng mga kuya nya sakanya e. Palibhasa nag iisang babae tapos bunso pa. Kaya ayan. Marami syang hindi nagawa dati. Buti ngayon hinayaan na nila syang gawin ung gusto nya.

"No. Sorry Kat.."

"Hmm. Kainis naman!! Sige pag di ka pumayag, di ako magpapakita sa'yo for 1 month! Hmmppfff!!" pambablack mail niya.

1 buwan? Ang tagal nun ah! Halos 3weeks na nga syang nawala ee. Tapos 1 buwan pa? Kilala ko tong si Kat, hindi sya basta basta nagbabanta ng hindi nya ginagawa..

Saka napansin ko rin na malungkot sya simula pa kagabi nung dumating sya. Ayaw naman nyang sabihin kung bakit. Pagtinatanong ko sya, iniiba nya ung usapan tapos pipilitin nyang maging sumaya. Wala naman sigurong masama pag pinagbigyan ko sya.

Saka.. Ano kayang magiging reaksyon ni Julie pagnakita nyang kasama ko si Kat? Maiinis kaya sya? Mababadtrip? O magagalit?

"Wala pa akong susuotin."

Tumayo si Kat at nagtatalon. Tapos niyakap nya ako.

"Thank you Dave! I love you." Bulong nya tapos hinalikan nya ako sa labi.

"I-I love you too.." mahina ko namang sagot.

SHET DAVE! Ano bang nangyayari sa'yo??!

===============

Naka UD ako! Yehey! :))

Comment?

Vote?

Love?ö

THANKS!

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon