mnj ch41.b

59.3K 632 371
                                    

emman's

"Mahal kita Steph."

"Lance, I love you too."

"Will you be my girlfriend Steph?"

"Yes! Ofcourse!"

"Thank you. Can I kiss you?"

"K-Kiss? S-sige. Pero isa lang ah."

*mwuah mwuah tsup*

"Pwede isa pa?"

"Hehe. Ikaw talaga.*palo sa braso*. Sige na nga. Pero dun na tayo sa kwarto ko. Baka kasi dumating na si Emman e."

"Tsk. Istorbo. Tara na sa kwarto mo baby. Gawa tayong baby."

"Eeee. Ikaw talaga! Tara dali! Ng makarami!"

------

No! Hindi yon pwedeng mangyari! Humanda ka sakin Lance!!

"Manong, pakibilisan naman ho." Kung ayaw nyong kayo mapagbuntungan ng inis at galit ko! Tsss. Ano bang nangyayari sakin? Pati ung taxi driver nadadamay. Buti na lang hindi ko sinabi ung last part. Kundi baka pinababa na ko nito.

Kasi naman. Kung ano ano na naiisip ko. Pero alam ko namang hindi magagawa ni Steph ung mga naiisip ko. May tiwala ako sakanya. Pero sa Lance na un, walang wala!!

"Nandi--"

"Salamat ho." Hindi ko na pinatapos ung sinasabi ni manong taxi driver. Inabot ko na agad ung bayad sakanya tapos bumaba ng taxi.

*ding dong ding dong*

Bakit ba ang tagal lumabas ni Steph?!

Chill lang Emman. Baka naman nasa kusina. O kaya nasa kwarto nya kaya hindi narinig ung pagdoorbell mo. Nasa kwarto kasama si Lance.

Shut up Emman!!

*ding dong ding dong*

"Shit naman Steph. Buksan mo na ung gate."

Teka. Matawagan nga.

KRING KRING

KRING KRING

"Steph!!"

"E-Emman, n-nasan ka na?"

"Nandito na ko sa harap ng bahay nyo. Nasan ka ba?!!"

"Teka ah. Di kasi ako makakilos. Ang sakit ng buong katawan ko. Lalo na ung hita ko."

M-Masakit ang katawan nya at hita?? Hindi.

"L-Lance! Di ko pa kayang tumayo. Na-stretch masyado ung hita ko." narinig kong sabi nya sa kabilang linya. Sapat na un para makumpirma ung hinala ko.

Magkahalong sakit at galit ung nararamdaman ko. Di ba talaga nya alam na gusto ko sya?? O alam nya tapos sinadya nya lang na hindi pansinin? Pinapunta nya pa ako dito sakanila. Yun pala, para saktan lang ako. Tsss.. Ang g*go ko rin kasi e. Alam ko namang si Lance ung gusto nya. Tapos umasa asa pa ko.

Kinalampag ko ung gate ng bahay nila Steph. Wala na akong pakialam kung makaiskandalo ako. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nabubugbog ung g*gong Lance na un!!

Narinig kong bumukas ung pinto ng bahay nila Steph. Pagkatapos nun, ung gate naman ung bumukas.

"Sorry Pare. Si---" Di ko na sya pinatapos sa pagsasalita. Agad ko syang hinawakan ng marahas sa kwelyo ng uniform nya.

"Sorry?!! G*go ka ba?!! Sorry lang ba sasabihin mo pagkatapos ng nangyari sainyo ni Steph?!!" sigaw ko sakanya. Nagdidilim na talaga ung paningin ko.

"Aksidente lang ung nangyari!" sigaw nya sakin.

"Aksidente?? Sinong niloko mo??!"

"O my gosh. Emman!! Anong ginagawa mo kay Lance?!!" narinig kong sigaw ni Steph mula sa pinto. Nakita kong nakakapit sya sa pinto. Kitang kita ko ung pag aalala at pagkabigla sa mukha nya. Kahit labag sa loob ko, unti unti kong binitawan ung pagkakahawak ko sa kwelyo ni Lance.

Kasabay nun ung pagbagsak paupo ni Steph. Tumakbo ako agad papalapit sakanya.

"Okay ka lang Steph??" nag aalala kong tanong. Tss. Kahit ibang lalaki pa ang mahal nitong babae na to, di ko kayang makita syang nasasaktan-pisikal man o emosyonal.

"Okay lang ako Emman. Medyo di lang maganda ung pagkakadulas ko kanina sa hagdan. Maka doorbell naman kasi e." sagot nya habang nakatingin ng masama sakin. Teka!

"Nahulog ka sa hagdan?!!" sigaw ko sakanya. Di ko sya gustong sigawan pero nabigla talaga ako e.

"Oo nga di ba?! Kaya nga masakit ung katawan at hita ko e."

Tss.. Di ko alam kung matatawa o maiinis ako sa mga pinag iisip ko. Pero isa lang sigurado ko, masaya ako na mali ung hinala ko. Hindi pa pala ako huli. Di ko tuloy mapigilang mapangiti.

"Huy. Anong nginingiti mo dyan? Di mo man lang ba ako tutulungang tumayo?"

Sa halip na sumagot, binuhat ko na lang sya-- bridal style. Tapos pinasok ko sya sa loob ng bahay nila at dahan dahang iniupo sa sofa nila. Tapos nun, lumuhod ako sa harap nya.

"Okay ka lang talaga? Dalin na kita sa hospital." seryoso kong tanong sakanya. Kahit pa masaya ako na di tama ung walang kwenta kong hinala, nag aalala pa rin ako kay Steph. Kasalanan ko rin naman kasi kung bakit sya nadulas e. Masyado kasi akong paranoid kakaisip na may ginagawa ng kababalaghan si Steph and Lance. Tsk. I should have known better. Hindi ganon si Steph. Dapat nagtiwala na lang ako sakanya. Ang labas ko tuloy nito ay isang paranoid na fake boyfriend. But I will erase the 'paranoid' and 'fake' on that title.

Bago sya sumagot, umiling muna sya.

"Masakit talaga Emman. I hate hospitals. Wag mo akong iiwan dun ha." sabi nya. Tapos napansin kong nangilid ngilid ung luha nya. Kaya agad ko syang niyakap.

"Steph, let's make this real. I want to be your boyfriend. For real." sabi ko sakanya tapos tinapat ko ung mukha ko sa mukha nya, leaving a small space between our faces. Nakita ko ung pagkagulat sa mukha nya pero nakatingin sya ng deretso sa mga mata ko. Pero biglang nag iba ung tingin nya papunta sa likod ko.

"L-Lance?" Paglingon ko, nakita ko ung gulat na gulat na mukha ni Lance. Shit. Narinig nya. Alam na nyang nagpapanggap lang kami ni Steph. Tss. Wala namang pagkakaiba. Magiging kami na rin naman ni Steph. And this time, totohanan na.

"Tara na. Dalin na natin si Steph sa hospital." sabi nya habang nakatingin ng masama sakin. Mas lalo kong nilapit ung sarili ko kay Steph. Tapos tumango ako kay Lance.

I hope he got the message-- Steph is mine. Only mine.

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon