mnj ch21

67.4K 520 87
                                    

julianne's

Natapos ung klase namin nung araw na un nang wala man lang naiisip sa kung ang dapat gawin. Kung iisipin mo, okay lang naman talaga na sumama ako kay Lance ee. Binigyan ko naman sya ng chance na manligaw kaya unfair naman kung di ko bibigyan ng importance ung efforts nya. Pero kasi ee.. Si Carlo na naman.o_o

Ang alam kasi ni Carlo, si Dave ung bf ko. Kaya magtataka un pag nakita or nalaman nyang nanliligaw sakin si Lance. Mas okay kung iisipin nyang masaya kami ni Dave at sya na ung mahal ko..

Mahal? Si Dave?Eeewww lang. Para ko na ring sinabing masarap i-sawsaw ang Tuyo sa Ketchup.o_o

*Sigh*

"Julia!"

"Ay palaka ka! Lance??"

n_n

Putek. Ganda ng ngiti nya. Nakaka inlove.

Waaaahhh.

Wag muna Julia! Wag muna. Lalo lang gugulo ang sitwasyon.

"May problema ka ba? Kanina pa kasi tinigtignan e. Kanina ka pa nagbubuntong hininga dyan. Ginugulo ka pa ba ni Carlo??" pag aalalang tanong ni Lance sakin.

O////O

Kanina pa daw nya ako tinitignan.. Waaaahhh..

"A hindi. Okay na un. Di na ako guguluhin nun. Don't worry." Nga ba? Hayst. Sana naman tumigil na sya..

"Ah, buti naman. So, Julia.. Later ha. Ung ano.. Ung date natin." nahihiyang sabi ni Lance. Waaahh.. Ayan na naman.. Ang gwapo nya.. Parang gusto kong magtititili sa harap nya sa sobrang kakiligan..o_o

Kaso.. Hindi ko alam ung isasagot ko sa sinabi nya (_ _)

Di ko pa kasi napapag isipan ee.

"Hindi ka ba pwede?"

o_o

Paano na to??

"Lance? Uy Lance! Nandito ka lang pala ee. Kanina pa kita hinahanap." biglang singit ni Steph samin. As in singit. Sa pagitan pa talaga namin dumaan. Pagharap nya kay Lance, sabay namang hawak nya sa kamay ko at pinisil ito.

Does it means na tinutulungan ako ni Steph?? Waaaahhh. I so love you Steph!

"Errr. Bakit mo ako hinahanap?"

"Ano kasi ee. Di ba nabanggit ko sa'yo na malapit na ung monthsary namin ng boyfriend ko?"

o_o

Boyfriend? Anong pinagsasabi nitong si Steph? Wala naman syang boyfriend ah. NBSB kaya sya!

Nakita kong tumango si Lance.

"Magpapatulong kasi sana ako maghanap ng gift for him e. Please. Ikaw lang kasi ung alam kong makakatulong sakin ee."

"Ee. Si Julia.."

"Si Julia? Naku. Walang alam yan pagdating sa mga ganyang bagay. Saka tuturuan pa nyan si Dave. Di ba friend?" sabay tingin sakin ni Steph with matching panlalaki pa ng mata.

Confirmed! Tinutulungan nga ako ni Steph!!

"Oo e. Pasensya na Lance a. Next time na lang tayo, uhm, lumabas. Una na ako ha." nagmamadali akong umalis. Ayoko kasing maguilty sa pagsisinungaling kay Lance.

Pagdating ko sa gate, nakita ko agad si Dave. Nakatayo at nakatingin sa langit.

Infairness naman kay Dave ha.. Mukha syang anghel.. Ang peaceful ng aura nya. May bigla akong naisip..

Dali dali kong hinanap ung cellphone ko sa bag ko.. Buti na lang nasa bungad lang sya kaya nakuha ko agad..

CLICK!

CLICK!

CLICK!

O_O

Shemsss.

Nahuli nya akong kinukuhanan sya. Nakatingin na sya sakin sa pang 3rd kong kuha.

Pero instead na tigilan ko ung pagpicture ko sakanya, inextend ko pa ung kamay ko para lalong

ipahalata ung pagpicture

ko sakanya. Eksaktong pagClick ko ung pagtaas ng isa nyang kilay. Kaya nakunan ko ung ganong expression nya. Ung pag 5th nakangiti sya. Ung pang 6th, tinakpan nya ng kamay nya ung kalahati ng muka nya, mata lang ung kita. Di ko alam kung bakit nya tinakpan ung mukha nya. Nahihiya ba sya? O natatawa? Naglakad sya papunta sakin ng ganon ung itsura nya.

Shemay..

Biglang bumilis tibok ng puso ko..

Dubdubdubdubdubdub

Nung malapit na sya sakin, parang huminto naman sya.. Ung puso ko, i mean.

Dub------------------dub

Lumapit sya sakin. As in malapit. Nagulat ako ng yakapin nya ako.

Dubdub-------------dub...

Shocks. Need ko na atang magpacheck up!! Napaka irregular na ng tibok ng puso ko..

Di ko na namalayan na nababa ko na pala ung kamay ko na naka extend kanina.

"Hi Sweetie."

"Sweetie ka dyan! Lumayo ka nga sakin!" sinubukan kong itulak sya pero syempre, as expected, di ko sya kaya. Sya na'ng may muscle muscle na katawan! Hhmmmpp.

"Shhhh.. He's here. Baka marinig ka nya." bulong nya sakin.

O_O

Si Carlo ba ung tinutukoy nya na nandito? Kaya pala nya ako biglang niyakap. Part pala to ng pagpapanggap namin.

So, ginawa ko ung isang bagay na hinding hindi ko gagawin, voluntarily, kung nasa normal na sitwasyon kami. I mean, kung hindi kame nagpapanggap ng mag bf-gf.

I hugged him back.

I felt him tensed under my hug. Pero di ko na lang sya pinansin. I just continued to hug him until maramdaman kong humiwalay sya sa pagkakayakap sakin.

Napatingin ako sakanya. Ngumiti lang sya sakin then he grabbed my hand.. Well, akala ko ung kamay ko ung hahawakan nya. Yun pala, kinuha nya lang pala ung cellphone ko mula sa kamay ko.

"Smile sweetie."

Ay magpipicture pala kame. Ako naman si smile with matching peace sign pa.

Click!

Inagaw ko ung cellphone ko mula sakanya. Pagkita ko dun sa picture namin, ginaya pala nya ung pose ko.o_o

Ang kyut kyut namin!

n___n

"Isa pa!!"

Napataas ung isa nyang kilay pagkasabi ko nun. Akala ko tatanggi. Pero kinuha nya ulit ung cellphone sakin.

Nagsmile ulit ako at nagpeace sign.

Pero, may iba pala syang balak.

TTTSSSUUUPPP!

Ô_______Ô

"Waaaahhhhhh"

"Kyaaaaaaaaa"

"Kiniss sya ni Dave!!"

========================

Pagpasensyahan na po ang english ko. Limited lang kasi talaga sya.o_o

On the brighter side, woooooohhhh!!!!!

THANK YOUsssss ng over over dame sa inyong lahat! Naka 10,000+reads na ang MNJ. Nakaka iyak!*_*

LABLAB YOUssss all!!

So, watcanyasay about this chapter?

Comment?

Vote?

Thanks ulet!

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon