T H E R E C I P E

465 22 1
                                    

PAANO MAGLUTO NG ADOBO NA MAY KASAMANG HUGOT?


T H E  R E C I P E



Una, tadadrin mo 'yong Manok! Kung gusto mo, tadtadrin mo na rin ang sarili mo tapos isali mo na rin 'yong BABAE MO!

Pangalawa, painitin mo 'yong kawali, tapos iwan mo sandali. Kagaya ng pag-iwan mo sakin, G*GO KA!
Pangatlo, hiwain mo 'yong bawang kagaya ng PAGHIWA MO SA PUSO KO! PINONG-PINO!

Pang-apat, hiwain mo 'yong sibuyas, siguraduhing wala kang katabi habang naghihiwa nang wala nang iba pang LUMUHA! HUWAG KANG MANDAMAY NG IBANG TAO! KUNG GUSTO MO, MATA MO na lang ANG HIWAIN MO NANG HINDI KA NA TUMINGIN SA IBA!

Pang-lima, dikdikin mo 'yong PAMINTA! 'yonG TIPONG DUROG NA DUROG!! Magaling ka naman  doon hindi ba?

Pang-anim, ilagay ang mantika sa mainit na kawali, pagsabay-sabaying igisa ang bawang at sibuyas kagaya ng pagsabay-sabay mo sa aming LIMA! OO! LIMA! Hindi isa, hindi dalawa, kundi LIMA! GUSTO MO I-TAG KO SILA NANG MALAMAN NILA KUNG GAANO KA KAHAYOP LALAKE KA!? NA MAS HAYOP KAPA SA NILULUTO MONG ADOBA HA!? ANO!? MAGSALITA KAAA!

Pang-pito, huwag mo hayaang masunog ang bawang at sibuyas kagaya ng pagkasunog ng KALULUWA mo! MAAWA KA SA BAWANG AT SIBUYAS! Ay may nakalimutan pala ako... HINDI KA NGA PALA MARUNONG MAAWA! Sige, sunugin mo na lang 'yong bawang at sibuyas... HAYAAN MO LANG! TIGNAN MO LANG!

Pang-walo, ilagay ang manok, isunod ang toyo at paminta! Tapos tikman mo kung MASARAP! Ganyan ka naman hindi ba? Tapos kung HINDI KA PA RIN KONTENTO, maglagay ka ng DALAWANG KILO NG VETSIN! OO! DALAWANG KILO NG VETSIN AT WAG NA WAG KANG MAGHE-HESITATE na isahog ito sa adobo KAGAYA NG HINDI MO PAG-HE-HESITATE NA LOKOHIN, SAKTAN, AT IWAN AKO SA ERE!

LASTLY, kapag nahalo mo na 'yong VETSIN ng MAIGI, i-serve mo na ang adobo! KAININ niyoNG DALAWA NG BABAE MO! UBUSIN niyo HA? NANG MAMATAY KAYONG DALAWA SA SARAP! HAPPY EATING and..... HAPPY DYING!

*    *   *

That Menudo Girl (That Girl Trilogy Book 2) Where stories live. Discover now