CHAPTER 7

611 37 1
                                    

CHAPTER 7
"If you love me, keep my
commands."
~John 14:15

"Jennica Aleman?"

"Absent po ma'am," in chorus na sabi ng mga kaklase ko. At kagaya ng nakasanayan ko kapag nababagot ako, ipinatong ko 'yung ulo ko sa kamay kong nakapatong sa desk ko.

Tumitig ako ng ilang segundo sa bintana ng classroom namin at pinagmasdan ang panibagong mga paru-parong nag-se-sex sa labas ng classroom namin.

Ngayong araw na 'to, lumiban si Jennica Aleman a.k.a Menudo Girl sa klase namin.

Naalala ko bigla 'yung nangyari kagabi. Nung pumasok siya sa bahay namin.

Napangiti ako bigla.

"Jennica Aleman," bulong ko sa ere habang at natawa na lang ako.

"Good Morning ma'am, I'm very sorry if I'm late."

Bigla akong natigilan nang marinig ko 'yung boses na 'yun.

"Sige iha. Umupo ka na sa upuan mo. Pero sa susunod, hindi mo na ako kailangang batiin kapag nahuli ka kasi nakakasagabal ka sa klase. Kapag late, pasok agad. Maliwanag?"

"Yes ma'am."

Narinig ko ang pagkalampag ng upuan sa likuran ko indikasyon na nakaupo na siya.

"Good Morning Nathan Lee," she sweetly said.

Takte? Binati niya ako?

Pero 'di ba isang simpleng pagbati lang naman 'yun? Ba't parang ang laki yata ng epekto sa'kin?

Maya-maya pa, bigla niyang sinundot 'yung tagiliran ko.

"Hoy ano ba!" siyempre umalma ako. At dahil nag-ingay ako, pinanlisikan na naman ako ng mga mata ni Ma'am Kurdapya. Humingi ako ng paumanhin sa propesora namin at muli kong ibinaling ang atensyon ko kay Menudo Girl.

"Ba't mo ginawa 'yun?" inis na tanong ko sa kanya.

Bigla siyang tumawa ng mahinhin tapos bigla siyang may inabot siyang note na kulay pink, parisukat ang shape.

Badtrip kong kinuha sa kanya ang note at walang ganang binasa.

Sa note, ganito ang nakasulat: Sabay tayong mag-lunch mamaya sa cafeteria. Libre ko. Arasso? (Korean: Arasso?-English: Okay?)

"Anong aso?" tanong ko sa sarili ko tapos di-neadma ko na lang. May sarili yatang lenggwahe ang babaeng ito.

Pagkatapos ng isang oras at kalahati na discussion ni Ma'am Kurdapya, saktong lunch break na rin. Magpapasama sana ako kay Jambo sa cafeteria kaso tinanggihan niya ako. May ka-date raw siya. Langya talaga.

Binasa ko ulit 'yung note na ibinigay sa'kin kanina ni Menudo Girl. Nagdalawang isip ako bigla. Para kasing kinakabahan ako? Tsk. Bahala na nga.

Pagdating ko 'dun, masyado ng maraming estudyante. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko pa rin siya nakikita. Siputin kaya ako nun? O baka naman pinagti-tripan niya lang ako?

Umupo ako sa may 5th seat sa ikatlong row ng mga tables. Naghintay ako ng limang minuto pero wala pa rin siya. Nagutom ako kaya nag-order na ako ng lunch. Pinakbet, isang serving ng menudo at talong cup ng rices.

Nung ilalapag ko na sana 'yung tray ko sa table, biglang may nagsalita.

"Pinakbet? Bet na bet mo siguro ang pinakbet no?" Natawa siya. Si Menudo Girl. Siyempre kumunot noo ko. Pinagsasabi nito?

Mas nauna siyang umupo sa'kin, tapos nung nakaupo na siya, bigla niya akong beneseo.

What the!

"'Di ba sabi ko sa'yo, ililibre kita?"

Hindi ko siya sinagot. Tulala pa rin ako sa ginaw niyang pag-beso.

"Hoy?" Natawa siya.

Hindi ulit ako sumagot. Parang may iba kasi sa kanya. Kagabi inis na inis siya sa'kin pero ngayon, parang sinapian yata siya. At bineso pa talaga ako!

"Uhm, sige ganito na lang, tutal may kanin at ulam ka naman, libre na lang kita ng desert at drinks. Uhm, anong gusto mong desert?"

Hindi ko siya sinagot. Weird talaga siya ngayon. May topak kaya 'tong babaeng 'to ngayon? Baka bigla nalang siyang maglabas ng itak, lagot na!

"Ano ka ba! 'Wag ka ngang mahiya." Bigla niya akong tinampal sa biceps ko tapos tumawa siya ng mahinhin.

Problema nito?

"Uhm, alam ko na! Gusto mo ng strawberry doughnut? Sige, lilibre kita." Tumayo siya tapos pagbalik niya, may dala na siyang tray na kagaya ng laman ng tray ko.

"Eto!" Maligaya niyang iniabot sa'kin ang doughnut. Mutikan pang mapunta sa mukha ko.

"Ang sungit mo naman besh," tapos nag-pout siya. Besh? Anong besh? Gulay ba 'yun?

"Alam mo Nathan! 'Wag ka ng mahiya sa'kin. Ang dami-dami ko na kayang kilala na kagaya mo noh! Acually friends ko nga 'yung iba sa kanila e. At kagaya mo, sayang din sila. Ang gu-guwapo nga kaso malalambot."

Bigla akong napaubo sa sinabi niya.

"Okay ka lang?" concerned niyang tanong.

Hindi ako sumagot ngunit nung nagkatagpo 'yung mga mata namin sa ere, biglang may nag-flashback sa isipan ko.

"Rapist! Rapist!" sigaw niya while pointing a knife on me. Hindi ko alam kung saan mo kinuha ang kutsilyong iyon pero kinakabahan na talaga ako. Nataranta ako kaya ginagawa kong pantakip 'yung place mat sa private part ko.

Nilapitan ko siya at tinakpan ang bibig niya sabay agaw ng kutsilyong hawak mo.

"Shut up!" sigaw ko sa kanya pero hindi ito tumalab.

Umiyak siya habang sumisigaw-sigaw.

Para siyang tanga sa ginagawa niya habang ako, gusto ko na ring maiyak kasi paniguradong mabubugbog ako ng mga kapitbahay ko kapag hindi siya tumigil sa pagsigaw.

Wala na akong maisip na paraan para patahimkin siya kaya ang ginawa ko...

"Hey! Sister! 'Wag ka nga jumigaw! Please sisteret please? Shut up ka na sister kasi baka ma-werla 'yung kapitbahay at majumbag nila ako. At one more thing sister, haler? Sister mo ketch! How can I rape you? Haler? Ikaw kaya 'tong jumasok sa bahay ko kagabi tapos kuma-crayola ka pa. Hindi mo ma remember?"

Napatigil siya.

Natulala.

"Takte! B-bakla ka?" She said while looking at my semi-naked masculine body.

Napahinga ako ng malalim. "Bet?" nginisihan ko siya sabay kunwari flip ng hair.

Kahit hindi ako bakla, ginawa ko 'yun para matahimik siya. No choice!

"Hala, sorry! Mali yata ako ng bahay na pinasukan! Bye!" sigaw niya sabay labas ng bahay ko.

"Tulong! Tulong!" Natigil ako sa pagbabaliktanaw nang biglang humingi si Menudo Girl ng tulong sa kadahilanang tuluyan na akong nabilaukan. Takte talaga!

Nilapitan kami ng mga iba pang estudyante at tinulungan nila akong mailabas 'yung bumarang pagkain sa lalamunan ko at maya-maya pa...

"BWUAH!" Bigla kong nailuwa 'yung kinain ko sa mismong mukha ni Menudo Girl. Nganga.

That Menudo Girl (That Girl Trilogy Book 2) Where stories live. Discover now