CHAPTER 3

882 42 4
                                    


CHAPTER 3
"We love because He first loved us."
[1 John 4:19]

"Hello? Jambo? Kilalala mo ba 'yung si---" Hindi ko naituloy ang tanong ko kay Jambo nang makalimutan ko na naman 'yung pangalan ni Menudo Girl. Jenni--arg!

Basta ang alam ko nagsisimula 'yun sa "Jenni" e. Hindi ko nga alam kung ano ang kadugtong; kung lou ba 'yung kadugtong o fer? Napahinga ako ng malalim. Bakit ba kasi makakalimutin ako pagdating sa mga pangalan e. 'Yung natatandaan ko lang talagang pangalan ay 'yung pangalan ng mama ko, ng papa ko, ni Jambo, ni Ma'am Kurdapya at siyempre 'yung pangalan ko.

"O bakit Nathan? Si Jennica ba? 'Yung pinakamatalino sa'tin?" patanong na sagot ni Jambo.

"Pinakamatalino? E bakit niya pinatulan 'yung unggoy---" Napahinto ako. Dapat pala hindi ko sabihin 'yung nakita ko kanina sa 7 eleven. E sa madaldal pa naman 'yung mataba at nagmamantikang dila ni Jambo!

"Ano Nathan? Choppy ka!"

"Ah, wala. Ah, Jambo, ano nga pangalan nung babae?"

"Jennica."

"Ahh, Jennilou."

"Tanga! Sabi ko, Jennica! Jenniloung pinagsasabi mo? Sugar mommy mo ba 'yan?"

"Baliw!"

At dahil wala ng kuwenta 'yung pag-uusap namin ni Jambo, pinutol ko na 'yung tawag.

Kaso, pagkababa ko ng telepono, bigla kong nakalimutan 'yung pangalan ng babaeng 'yun na pumatol sa unggoy na 'yun! Jenni---- arg!

Ay basta! Menudo Girl! Period!

Medyo natagalan ako sa pagtulog sa kadahilanang sumasagi pa rin sa isipan ko 'yung babaeng pumatol sa unggoy na 'yun. Tae talaga. Sabi ni Jambo, siya raw ang pinakamatalino sa klase namin pero anong ginagawa niya? Kabobohan! Nasaan ang utak niya? Nasaan!

***
KINABUKASAN, nagising ako ng dahil sa sinag ng bukang liwayway na dumampi sa mukha ko.

Naghilamos muna ako ng mukha bago ako lumabas ng kuwarto ko. Pagbaba ko, naka-prepare na lahat 'yung breakfast ko.

"Ma?" tinawag ko si Mama kaso walang sumagot.

"Ma..." Sumilip ako sa may kusina pero wala roon si Mama.

Pumunta ako sa kuwarto nila ni Papa at pagdating ko roon, wala ng gamit.

Kinabahan ako bigla.

Hindi kaya?

"Mama!" Tumakbo ako palabas ng bahay. Lumabas ako ng gate at nung tumakbo sa may kalsada, nakita ko 'yung kotse ni Papa na medyo malayo na. Tapos si Mama, nakangisi niya akong kinakawayan!

"Bye, bye, baby Nathan! Two weeks kaming mamalagi ng Papa mo sa Bohol. May pera na dun sa may box, chat mo lang kami ng papa mo sa messenger kapag may kailangan ka! Bye bye baby koo!" sigaw ni Mama hanggang sa nawala na sa paningin ko 'yung kotse nila.

Nanlumo ako bigla! Haay! Two weeks din 'yun! Paano kaya ako nito makaka-survive kung pati pagsaing ay hindi ko alam?

Bumalik ako ng bahay, kumain. Menudo ang ulam kaso biglang nawalan ng gana. Bigla kong na-miss si Mama.

Naligo na ako at nag-bihis. Buti na lang talaga at hindi kailangang magsuot ng uniform kapag summer, kasi kung hindi, hindi talaga ako makakapasok. Hindi ko alam kung paano maglaba.

Pagdating ng 8 AM, nagsimula na akong maglakad papunta sa university. Magba-bike sana ako kaso nasira 'yung pedal ng bike ko. Mukhang napasobra yata ako sa paghampas ko sa pedal kagabi dala ng galit ko nung makita ko kung paano pinerahan ni Unngoy si Menudo Girl.

That Menudo Girl (That Girl Trilogy Book 2) Where stories live. Discover now