CHAPTER 1

1.8K 64 4
                                    

CHAPTER 1

"One witness is not enough to convict anyone accused of any crime or offense they may have committed. A matter must be established by the testimony of two or three witnesses."
-- Deutoromy 19:15

TATLONG ARAW BAGO NANGYARI ANG LAHAT...

Summer Class. Siguro ito na ang pinaka-boring na 'yugto ng buhay ng isang estudyante na nag-aaral sa kolehiyo.

9 units. Tatlong subjects. Magkalayo ang intervals ng oras. One and a half hour na uupo sa isang room. Maglalakad ng kahaba-haba papunta sa kabilang building. Aakyat sa pinakahuling floor. Bababa sa ground floor. Pagpapawisan. Matutuyuan ng pawis. Mangingisay. Bubula ang bibig. Titirik ang mga mata. Mahihimatay. Made-dehydrate ang katawan. Made-dehydrre ang utak. Puwedeng magpahinga. Puwedeng huminga. Puwedeng magtanggal ng tinga sa klase. Pero hindi puwedeng mamatay. General rule 'yan.

General rule na kapag bi-nreak mo, sisigawan ka ng malakas na "BOO!" kahit nasa kabaong ka na. Iba-bash ka sa social media, sa twitter, sa facebook, sa instagram at kahit na sumalangit o suma-impyerno man ang kaluluwa mo. Mumultuhin ka pa rin ng mga sigaw ng kapwa mo estudyante. General rule: Bawala mamatay. Mahal ang kabaong. Pero palagi mong tandaan na mas MAHAL ang buhay mo. Huwag tanga pre.

General rule? Bawal mamatay.

Ay mali pala. General rule: Bawal magpakamatay. May iba kasi na pinanghihinaan agad ng loob sa umpisa. Hindi sa dini-discourage ko ang iba na pumasok sa college kasi tinatakot ko sila. Hindi rin sa dini-discriminate ang mga kaluluwang sumalangit-o suma-impyerno dahil sumuko sila. Ganyan kasi ang college. Patigasan! Pakapalan ng mukha! Ang unang lumuha, kawawa. Weak. Boo!

Ako, ilang beses ko ng iniyakan ang college. Naalala ko dati iyong oras na nag-submit ako ng project sa pinakahuling araw ng pagpasa pero hindi tinanggap ng professor ko kasi kinulang ng period ang acrostics na nakakabit sa pangalan niya. Naalala ko last year noong submission na ng libro ng thesis kaso hindi pinirmahan ng panel kasi sumobra ako ng isang space sa front page. Tangna talaga! Re-print? Hindi. Wasak ang libro? Oo! Pero hindi ako nagpasindak! Hindi ko hinayaang umulit ako ng thesis nang dahil lang isang sobrang space. Lumuhod ako sa harap ng panel!

Naala ko dati, hindi ako pinapasok ng professor ko sa room. E exam noon? Pinagsarhan niya ako ng pinto sa kadahilanang nahuli ako ng 13 seconds sa third bell! Pero hindi ako nagpatinag! Winasak ko 'yung pinto!

Iilan lang iyon sa mga malalang experiences na naranasan ako sa college pero hindi ako nag-reklamo. Kasi alam kong parte iyo ng pagdidisiplina at paghuhubog sa magiging ako sa susunod na mga taon. Alam kong nakakagago minsan pero ayos na rin. Kailangan. Sa panahon kasi ngayon, malaking necessity na kasi na may alam ka at may natapos ka. General rule. Bwesit na rules e. Kaya sa mga panahong pakiramdam mo e nanghihina, napapagod ko namamatay ka na, isa lang puwedeng gawin mo! Iyon ay ang paglaklak ng isang baldeng ilusyon sa utak mo ang mga katagang "KAYA MO PA! AJA!"

Summer class. First time kong mag-summer at napagtanto kong napaka-boring talaga. Mag-aral ka na ng mula June hanggang March basta't 'wag lang ang April hanggang May. Bukod sa sobrang init, nakakabagot din ang atmosphere. Nakakabagot ang  lectures. Nakakabagot ang mga kaklase. Nakakabagot ang exams. Lahat nakakabagot! Pero bawala mag-reklamo. General rule brad! Huwag kalimutan!

Dapat kasi sa mga oras na 'to, nasa beach lang ang mga katulad kong lalaking estudyante, nag-e-enjoy nagtatampisaw at nangha-hunting ng chicks!

Speaking of chicks, dumaan si Ma'am Kurdapya sa harap ng classroom namin. Napahalumbaba ako bigla. "Hay, grabe! Ang ganda talaga ni Ma'am."

Sa lahat ng professor na nagtuturo dito sa university namin, si Ma'am Kurdapya na yata ang ang pinaka-ideal na maging girlfriend ng isang bachelor. 'Yung iba kasi, either may asawa na o matandang dalaga na. Si Ma'am Kurdapya, siya 'yung masasabi mong "Ideal Girlfriend" talaga. Matalino. Maganda. May trabaho. Oh 'di ba? Sinong hindi magkakandarapa sa kanya? Balita ko nga, ang daming nanliligaw sa kanyang mga professionals. Ako? Oo, aminado akong crush ko si Ma'am pero wala akong intensyon na ligawan siya. Minsan manyak lang 'tong tabas ng guwapong dila ako pero alam ko pa rin naman ang salitang respeto. Sadyang crush ko lang talaga siya. Hanggang doon lang.

That Menudo Girl (That Girl Trilogy Book 2) Where stories live. Discover now