FINALE

948 56 6
                                    

FINAL CHAPTER
"I have love you with an everlasting love."
[Jeremiah 31:3.]

Your name is Jennica Aleman a.k.a Menudo Girl.

Naging magkasundo tayo at nagkasama ng ilang araw. Naging matalik na magkaibigan tayo at naging close. Nagkasama sa lunch, sa breakfast, sa dinner, sa campus, sa bahay, sa library, sa simbahan,  sa Shirogi, sa 7 eleven, sa lahat-lahat. Tin-rato mo ako bilang bestfriend habang ako, nanatili akong bakla sa paningin mo kasi alam ko na kapag sinabi ko ang totoo, alam kong lalayo ka sa akin at iisipin mong niloloko lang kita simula pa nung umpisa.

Ngayon, nandito tayo sa rooftop ng 7 eleven. Nagsa-star gazing. Nakangiti mong tinititigan ang mga tala sa kalangitan at maya-maya pa ay idinantay mo ang ulo mo sa balikat ko sabay sabing, "Nathan? Puwede bang bakla ka na lang forever?"

"Ha?" Siyempre kinabahan ako.

Ngumiti ka, "Puwede ka bang mag-promise na 'wag na 'wag kang maging lalaki kagaya ni Edwin?

Natawa ako, "At bakit?"

"Kasi kapag naging boy ka, lalayo talaga ako sa'yo."

Natulala ako.

Kahit nasaktan ako sa sinabi mo ay nakangiti kong sinagot ang tugon mo, "Promise 'yan. Never akong magiging lalaki like Edwin." Napalunok ako ng laway sa sobrang bigat ng pangakong binitiwan ko.

"Pinky promise?"

"Pinky promise!"

Nung ipinulupot mo ang pinky finger mo sa pinky finger ko ay mas lalo akong nasaktan nang biglang sumagi sa isipan ko na sana hindi na lang pala ako nagbading-badingan nung sumugod ka sa bahay ko dala-dala ang isang itak kasi ngayon, hirap na hirap na ako.

Hirap na hirap na hirap na ako sapagkat isang linggo na tayong magkakilala at pakiramdam ko ay nahuhulog na ako sa'yo.

Habang nagbabaklaan ako sa harapan mo, pakiramdam ko, nakakulong ako sa isang hawla at nawalan na ng karapatan na lumipad pa. Pero kahit nakulong ako sa hawlang 'yun, mas pinili ko pa ring mamalagi roon sapagkat alam ko at alam mo na sa oras na ipapakita kita ko ang totoong ako ay magtatapos na rin ang pagkakaibigang meron tayo.

Nung kayo pa ni Unggoy, palagi kitang tinatanong kung bakit ka nagpapakatanga sa lalaking 'yun at ang parati mong sagot, kasi dun ka masaya.

At ngayon, 'yung tanong ko sa'yo ay tanong ko na rin sa sarili ko.

Bakit ako nagpapakatanga sa'yo?

Simple lang.

KASI. MASAYA. AKO.

Hindi ko alam kung sapat na bang dahilan 'yun pero alam kung masaya ako.

At ngayon, naiintidihan ko na kung bakit ka nagpapakatanga kay Edwin.

Naiintidihan ko na.

Your name is Jennica Aleman and I am Nathan Lee.

Lumipas ang ilang araw nagbading-badingan pa rin ako kagaya ng ine-expect mo. Tinukso mo pa ako na may gusto akong sa  ka-teammate ko sa varsity na si pareng Darryle.

Baliw ka. Pero mas baliw ako kasi for two weeks, I acted as a gay para sa'yo...

para sa friendship natin...

para hindi ka lumayo sa'kin kasi hindi ko namamalayan...

nahuhulog na pala ako sa'yo.

No, mali.

Hulog na hulog na pala ako sa'yo.

Hulog na hulog na.

Malapit ng magtapos ang summer, nag-uumpisa na ring sumibol ang mga bulalak sa paligid natin at hanggang ngayon ay kasama pa rin kita pero napansin kong sa'yo ay may kakaiba.

That Menudo Girl (That Girl Trilogy Book 2) Where stories live. Discover now