CHAPTER 6

602 35 2
                                    


CHAPTER 6

"Anyone who does not love does not know God, because God is love."
[1 John 4:8]

Bigla kong sinipa ang gate ng bahay namin. Badtrip kasi.

Pagpasok ko ng gate, binato ko 'yung bike ko sa may glid at maya-maya pa. "Arf!"

"Tsk." Inis akong naglakad malapit sa aso namin, "At inaano kitang aso ka ha? Siguro tuwang-tuwa ka kasi hindi na bumalik si Menudo Girl sa'kin? Ha! Sabihin mo!" sigaw ko sa aso namin. Alam kong parang tanga 'tong ginagawa ko pero inis talaga ako ngayon. Tss!

Napahinga ako ng malalim ng biglang yumuko 'yung aso. Natakoy yata. "Sorry Blacky, napagbuntunan pa tuloy kiûta ng sama ng loob." Pi-nat ko 'yung ulo niya at bigla niya akong dinilaan sa mukha. Natawa na lang ako kasi amoy tae 'yung hininga ng aso namin.

Hinang-hina ako nung pumasok ako sa loob ng bahay namin. Pagpasok ko sa kuwarto ko, hinubad ko 'yung tux ko pati na 'yung sapatos at slax ko. Badtrip kong tinapon 'yung mga damit ko! Useless!

Ngayon, boxers na lang na ang natirang saplot sa katawan ko. Humiga ako sa kama ko ng nakadapa.

Labis talaga 'yung paanlulumo kay Menudo Girl. Akala ko talaga maayos na 'yung takbo ng utak niya pero may saltik pa rin pala. Alam na nga niyang pineperahan na siya ng unggoy na 'yun, sumama pa rin siya sa mokong na 'yun.

Wala talaga siyang utak!

"Mama, saan ka na ba?" Binaon ko 'yung mukha ko sa unan. Miss ko na si Mama. Paniguradong kung nandito 'yun, dinamayan na ako nun.

Chi-neck ko 'yung facebook ko. Bago pa man ako makapag-scroll, naidilat ko bigla 'yung guwapo kong mga mata nang makita ko 'yung larawan ni Menudo Girl kasama si Unggoy. Nakangiti silang pareho tapos pareho rin silang may malaking silver ribbons din na nakakabit sa mga damit nila. SUMMER BALL KING AND QUEEN.

"PWE!" Binato ko 'yung telepono ko sa sahig. Badtrip! Akala nila, bagay sila? Oo! Bagay! Isang manloloko at isang nagpapaloko. Bagay na bagay!

Dala ng pagkabagot, kinuha ko 'yung libro ko sa Law sa may lampshade. Nagbasa ako ng ilang articles pero wala! Walang pumasok sa isip ko.

"Article 153. When the obligee accepts the performance knowing it's incompleteness, without expressing... arrg!" Naibato ko bigla sa sahig ng kuwarto ko ang libro ko sa Law1 matapos akong mag-buckle sa pang-pitong article na mini-memorize ko. Kainis e. Nakakahilo na ang mga articles! Badtrip talaga!

Nagpatuloy ako sa pagme-memorize kahit ang hirap ng i-absorb ang lahat ng mga articles na tinatanim ko sa utak ko.

Dapat nandun pa ako ngayon sa Summer Ball na kasalukuyang ginaganap doon sa Reedz Resort. Pero para saan pa ang pamamalagi ko roon kung si Menudo Girl mismo, e hindi na kita puwedeng maisayaw kasi mas pinili niyang makasama ang Unggoy na 'yun? Kaya eto, dinadaan ko na lang ang lahat hinanakit ko sa pagme-merorize ng Law articles.

"Ayoko na!" badtrip na sigaw ko bilang pagsuko. Ibinaon ko ulit 'yung mukha ko sa unan ko at maya-maya pa biglang tumunog 'yung telepono ko na nandoon sa sahig.

Wala sana akong balak na sagutin 'yung call pero dahil naingayan ako e sinagot ko pa rin. "Hello Jambo? Tae ka! Ano bang tinatawag-tawag mo? Alam mo bang estorbo ka ha?!" sigaw ko kay Jambo.

"N-nathan s-si J-jennica l-lasing, u-u-miiyak, hanap ka niya punta siya diyan sa inyo si Jennica lasing sing---sing---sing---."

"Ano?" Isang malaking "ano" ang itinanong ko kay Jambo. Tae niya. Wala akong naintidihan sa sinabi niya.

That Menudo Girl (That Girl Trilogy Book 2) Where stories live. Discover now