CHAPTER 8

795 43 1
                                    

CHAPTER 8
"As I have loved you, love one another."
[John 13:34]

"Tae ka Nathan! Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Jambo matapos niya ako makitang putlang-putla rito sa labas ng clinic.

Hindi ako agad nasagot ang tanong ni Jambo pero maya-maya pa, "Jambo!" niyakap ko si Jambo sabay iyak.

"Hoy! G-go! Nathan! Bakla ka na ba?" Tinulak niya ako.

"Bakit ka nagkakaganyan? Bakit---" natigilan si Jambo, "Tae ka! Bakla ka na?"

Binatukan ko siya habang naiiyak pa rin, "Sa guwapo kong 'to, magiging bakla ako? Tae ka talaga Jambo!"

"Malay mo! Ang dami kayang guwapo ngayon pero ang guwapo rin pala ang hanap. 'Yung iba may muscles pa pero may muscles din ang hanap! Kaya ang masasabi ko lang talaga Nathan na ang totoong lalaki, maraming fats," nakangising sagot niya.

"Loko ka! Hindi ako bakla" Pinunasan ko 'yung luha ko.

"Oh? Ano nga problema mo at ba't parang pinagsinakluban ka ng lupa?" tanong ni Jambo.

Napahinga ako ng malalim, sasagot na sana ako kaso bigla siyang sumabat, "What the! E 'di ba pumunta si Jennica sa bahay niyo kagabi? Huwag mo sabihing may nangyari---"

"Oo." Inunahan ko na siya. Napapanganga naman si Jambo. "Pero hindi kasing dumi ng iniisip mo," dagdag ko.

"So madumi pa rin?"

"Tae Jambo, patapusin mo nga muna ako, puwede?"

"Okay."

"So 'yun nga. Dahil binigay mo sa kanya 'yun address ng bahay namin kagabi, pumasok siya dun nang may dala-dalang itak. Sinira niya ang gate, ang pinto sa entrance at pati na ang pinto sa kuwarto ko. Umiiyak siya kagabi, hinahanap si Edwin. Pagpasok niya sa kuwarto ko, bigla niya akong niyakap"

"Woah!" gulantang na sabi ni Jambo.

"Akma rin niyang hinubad 'yung ball dress niya kaso pinigilan ko," namumula kong sabi.

"Ano? E 'di sana hinubaran mo na lang!"

"G-go. Hindi ako kasing manyak ng iniisip mo Jambo. May respeto ako sa babae. Lasing si Jennica kagabi at wala sa isip ko na i-take advantage 'yung kahinaan niya."

"Tapos?"

"Tapos pinatulog ko siya sa kuwarto ko."

"Tabi kayo?"

"Hindi."

"Ha? E ba't hindi mo pa tinabihan?" tanong ni Jambo at dahil dun binatukan ko siya.

"Aray ha? Namumuro ka na! Pagkatapos, anong nangyari?"

"'Yun nga, sa may sala ako natulog. Pero nagulat na lang ako kasi bigla niya akong niyakap."

"What the-- Nathan! Suwerte mo pre!"

"Pero kahit na ganun, wala namang nangyari sa'ming dal'wa."

"Eh?"

"Wala nga!"

"Haha. Defensive masyado e. Tapos? Anong nangyari?"

"Kinaumagahan, nagising na lang ako nang bigla siyang sumigaw sabay tutok ng kutsilyo sa'kin. Siyempre, dahil nag-panic ako, nag-bakla-baklaan ako sa harap niya."

Natulala si Jambo sa sinabi ko tapos maya-maya pa, natawa siya. 'Yung tawa na walang humapay. Siguro hindi niya maatim kung paano akong nagbakla-baklaan kaninang umaga. Kahit ako, hindi ko rin lubusang maisip e. Ganoon pala 'yun no? Kapag nasa bingit ka na ng kamatayan, gagawin mo na ang lahat 'wag ka lang mamatay.

That Menudo Girl (That Girl Trilogy Book 2) Where stories live. Discover now