P R O L O G U E

643 19 2
                                    

Iba't-iba ang ginagawa ng lalake para mahalin lang sila pabalik ng mga babaeng mahal nila. Minsan, easy-easy lang pero minsan todo bigay talaga sila.

Iba't-iba ang ginagawa ng lalake para mahalin lang sila pabalik ng mga babaeng mahal nila. Unang-una na rito ang panliligaw na minsan ay nauuwi sa pagsaboy sa mukha ng lalaki ng laman ng arenola na mayroong plema.

Pa'no ba naman kasi, tumabi lang agad sa isang babae na nakaupo sa isang bench tapos 'yon na!  Ura-uradang tinatanong ang dalaga, 'TAYO NA, OKAY LANG BA?  Eh di ang resulta, SUNTOK SA MATA SABAY SABOY NG ARENOLA NA MAY HALONG PLEMA!

Iba't-iba ang ginagawa ng lalake para mahalin lang sila pabalik ng mga babaeng mahal nila. Riregaluhan ni boy si girl ng chocolates at roses pero maba-basted din kalaunan kapag hindi na-sustain ng lalake ang rosas at chokolateng galing China na medyo mura kasi expire na. Pero magugulat ka na lang lasi bukas makalawa, wala na!

Ang totoo, nainip na! Pa'no ba naman kasi, 2 years mo siyang pinaasa. Iyin pala, roses at chocolates lang pala ang gusto mo sa kaniya! Isa kang uportunista!

Iba't-iba ang ginagawa ng lalake para mahalin lang sila pabalik ng mga babaeng mahal nila. Misan, dinadaan sa matatamis na salita nila tayong mga dalaga, pero nauuwi rin naman sa isang walang nakakatawang eksena,

"Ang puti ng legs mo Miss, okay lang bang ligawan kita?"

"Anong sabi mo? Dahil maputi ang legs ko liligawan mo na ako? Nasaan ang pag-ibig  doon? Nasa tuhod ko walang hiya ka!" Sabay sampal sa lalakeng walang kwenta!

Iba't-iba ang ginagawa ng lalake para mahalin lang sila pabalik ng mga babaeng mahal nila. Minsan sa text lang, minsan sa chat. Pero minsan, may mga lalaki talagang nanghaharana! Pupunta sa bahay niyo tapos kinakantahan ka! Ngunit noong sinagot mo na, bigla siyang nataranta! Hindi pala ikaw ang nililigawan niya, 'yon palang guwapo mong kuya! Alam na!

Ha-ha-ha-ha. Dami mo tawa, mukha ka ng bruha.

Nakakatawa mang isipin pero minsan naisip ko, bakit kaya palaging lalake na lang ang palaging nauunang nagpapahayag ng nararamdaman sa babaeng mahal nila?

Eh pano naman kaming naman kaming mga babae mayroon ding sinisinta? May karapatan din ba kaming manligaw at mangharana?

May karapatan din ba kaming magbigay ng chocolates na galing China at flowers sa lalakeng iniisip namin sa tuwina? 

May karapatan din ba kaming tumalon sa building nang hindi nasasabihan ng desperada?

Kung wala, paano na lang 'yong mga babaeng may natitipuhan na boyley tulad ko pero hindi napapansin kasi si boy, nakalunok yata ng anestisya sa kadahilanang kahit anong pagpaparamdam ang gawin mo, wala pa rin! Buti pa 'yong hangin, nararamdaman niya. Eh ikaw? Nganga! Naubos na ang pasensya, mukha pa rin siya tuod na parang hindi nakakaramdam ng konsensya.

So ano na? Hanggang tingin lang? Maglalaway na lang kami na parang aso? Nasaan ang hustisya?

Ako Si Tina Basapante.

Alam kong mabantot ang apelyido ko pero may karapatan akong ligawan ang lalakeng mahal ko.
At today, uumpisahan ko ang panunuyo sa kaniya! Bibigyan ko siya ng adobo na niluto ko para sa kaniya.

There are 10 steps to cook an adobo! At ituturo ko 'yon sa inyo!
*  *   *
#ThatAdoboGirl2017

That Menudo Girl (That Girl Trilogy Book 2) Where stories live. Discover now