CHAPTER 4

771 43 4
                                    

CHAPTER 4
"Hatred stirs up strife, but love covers all offenses."
[Proverbs 10:12]

Lutang na lutang ako nung nagpratice kami ng basketball sa gym. Panay 'yung sita sa'kin ni coach. Medyo hindi niya nagustuhan 'yung performance ko ngayong araw kaya sinabihan niyang umuwi na lang daw ako pero nag-insist pa rin akong mag-practice. Ginawa kong dahilan 'yung pagka-miss ko kay Mama kaya naniwala naman si coach.

Tinanggal ko si Menudo Girl sa isip ko. Kaya nung nagsimula ulit akong magpractice, tuloy-tuloy na.

Dribbling. Shooting. Passing. Lahat paulit-ulit. Nakakapagod pero sulit din naman. Nag-break saglit ang team pero agad din naman kaming bumalik ulit.

After some minutes, natigil ulit ang ensayo nung dumating 'yung Unggoy naming ka-teammate.

Napuna agad ni Coach 'yung pasa sa mukha ni Unngoy pero ngumiti lang 'yung loko. Pinasok si Unggoy sa court at kasama siya naming naglaro.

Hinati sa dalawa 'yung team at ngayon at nasa iisang team kami ni Unggoy. Kapag pinapasa niya sa'kin 'yung bola, napansin kong nilalakasan niya 'yung pagpapasa niya at sinasadya niya talagang dumiresto sa ulo ko. Buti na lang at maagap ako kaya madali kong nahuhili 'yung bolang pinapasa niya.

Pumatak lang ng pumatak ang oras hanggang sa nag-7PM na at patuloy pa rin ang practice. Lahat kami hinihingal na. Proud na proud ako nung nakadalawang three points ako since nakatanggap ako ng papuri kay coach.

Ngayon, mainit na ang lalaban. 45-45. Walang lamang. Last 20 seconds. Nasa amin ang bola. Nasa kamay ni Unggoy.

Nung ginitnaan si Unggoy ng dalawa pa naming kasama, sinenyasan niya ako na sa akin niya ipapasa 'yung bola. Hinanda ko ang sarili ko at maya-maya pa ay bigla na lang akong bumagsak nang biglang tumama sa ulo ko 'yung bola.

"Coach si Nathan!" sigaw nung mga ka-team mates ko. Biglang sumakit 'yung ulo kasabay ng panlalabo ng mga mata ko at maya-maya pa ay nagising na lang ako sa pagtatalo ni Unggoy at ni Coach sa loob ng ospital.

"Why did you throw him a hard ball? Nag-meeting na tayo ng team na bawal batuhin si Nathan ng bola. And you, what did you do? Sinuway mo pa rin ang utos ko!"

"Coach! That was not a hard ball. Pinasa ko lang 'yung bola sa kanya and that was it! At problema ko pa talaga ngayon na pinasa ko 'yung bola sa kanya at naging tanga 'yung Nathan na 'yan at hindi niya sinalo? How about in the actual game? Ganun din ba ang gagawin niya?"

Rinig na rinig ko 'yung pag-uusap ni Coach at ni Unggoy at hindi sa pagiging maramdamin pero nasaktan talaga ako. Well, hindi ko rin naman masisi ang unggoy na 'yun. How about in the actual game? Pano kapag hindi ko nasalo ang bola?

Akmang tatayo na sana ako pero hindi ko nagawa ng bigla akong pinigilan ng mga ka-teammates ko.

"Hep! Hep! Saan ka pupunta? Stay put ka lang," bulyaw ni Heaven Chavez.

"Oo nga Nathan, mukhang hindi ka pa magaling," dagdag naman ni Niko Satto.

"At tsaka okay ka lang ba dre? Grabe ka. Kinabahan kami sa'yo," daldal ni Kei na sinang-ayunan naman ni Darryle at Edison.

Hindi ko na sila sinagot at tumahimik na lang ako.

"Uy Nathan! Tawagan kaya na'tin 'yung mama mo?" suhestiyon ni Heaven Chavez. Bigla naman akong napasigaw, "Huwag!"

Natulala silang lahat sa pagsigaw ko.

"Okay. Madali lang naman kaming kausap," saad ni Niko Satto.

Kapag kasi nalaman ni Mama na na-ospital ako, sigurado akong magwawala 'yun ngayon sa Bohol at dali-daling uuwi dito sa'min. Kahit miss ko na siya, ayaw ko muna siyang umuwi rito. Reunion kasi ng angkan namin ngayon sa Bohol. Nandun 'yung mga kapatid ni Mama at ayaw kong mag-alala siya sa'kin ngayon. Gusto ko lang na mag-enjoy siya muna roon.

That Menudo Girl (That Girl Trilogy Book 2) Where stories live. Discover now