Chapter 24

2.5K 48 21
                                    

Chapter 24

Kim's POV

  Pumasok na kaming dalawa sa office namin ni Cienne. Pumunta ako sa may table at naglean dito. Humarap ako sa kanya. Habang siya naman ay nakasandal lang sa pader at nakatingin sa baba. 

"Ara." Panimula ko. Napatingin naman siya sa akin at nagbuntong hininga siya, 

"Hindi aksidente ang nangyare kanina Vic." Patuloy ko namang pagsasalita. 

"Alam ko..." Sabi niya at nagbigay nanaman ng malalim na buntong hininga. 

"Pinatid niya ako and I didn't saw it coming. Ayan tuloy ang nangyare kay Mika." Sabi ko nalang sa kanya. 

"Alam ko. Kaninang umalis kayo... nagkasagutan kami pareho.." Sabi niya pa. Napakunot namang ang noo ko. Sign of being confused. 

"Anong nangyare?" Tanong ko sa kanya, 

"Sabi niya hindi niya kami titigilan ni Mika. She will make our lives a living hell. At kung hindi naman daw niya ako makukuha walang pwedeng may mag ari sa akin. She will make our life miserable Kim. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sabi in niya na hindi pa kami tapos. Para daw pag nalaman ni Mika na kami parin, mawawala si Mika sa akin knowing na kabit ko lang siya. Kim, Nakasalalay ang buhay ni Mika dito. I know Ivanna. She will do anything to get what she wants. Hindi yan titigil." Sabi nalang niya sa akin. 

"Anong balak mo ngayon? Sasabihin mo na ba kay Mika yun? Para maagapan na lahat ng pwedeng gawin ni Ivanna. Knowing Mika, maiintindihan naman niya yun. Yes, masasaktan siya pag sinabi mong may karelasyon ka habang nilandi mo siya. No offense. Haha. Pero at least di ba, sabay niyong haharapin ni Mika yung mga pagsubok niyo na yan. Sabay niyong haharapin si Ivanna. Hindi yung mukha siyang tanga na hindi alam kung anong pwedeng mangyare sa kanya. Vic, It's better if you tell her habang maaga. Sige. Masasaktan siya. pero at least hindi niya malalaman sa iba na may girlfriend ka pala. Mas masasaktan siya nun." Sabi ko sa kanya. She just sighed. 

"I guess you're right.." Sabi nalang niya. 

"I AM, RIGHT Ara. Believe me. Better tell it now rather than later. Prevention is better than cure. Pag lalong pinatagal yan, mas lalong masasaktan. Mas lalong may masasaktan." Sabi ko pa. 

"I know. Pero si Van... Hindi ko alam kung anong gagawin niya pa.." 

"You have to be ready kung ano man ang mangyare. Protektahan mo si Mika all the time." Sabi ko naman sa kanya. 

"Oo nga. Hindi kami pwedeng mahiwalay sa isa't isa. I have to secure her. Kailangan ko lang ng tamang tyempo para sabihin sa kanya ang lahat." Sabi niya sa akin. 

"You better Vic. Mabilis ang oras.. ang panahon. Baka mamaya strike two na si Ivanna. Hindi mo alam napagiiwanan ka na pala." Sabi ko ulit. 

"Alam ko. Shet! Bat umabot pa sa ganito. Bakit kasi hindi ko nalang agad sinabi kay Mika. Tapos tinapos ko na yung kay Van para wala ng problema na ganito." Sabi naman niya. Nilapitan ko siya at pinat ang shoulders niya. 

"Ganyan talaga pre. Nasa huli ang pagsisisi. Hahaha." Sabi ko. Humarap naman siya sa akin at binatukan ako. Tumawa pa ang gago. 

"Lul. Haha. Tangina naman brad eh!" Sabi niya. 

"Ah. Napano ka, Chaka walang thrill ang life kung ganon no. Eh di hindi epic ang love story niyo ni Mika kung walang problema di ba. Gagu ka din eh no. Kailanganniyo lang naman malampasan yang mga pagsubok na yan hanggang maka abot na kayo sa finish line eh." Sabi ko sa kanya. Binatukan ulit ako. ay deputa. 

"Tangina mo gago. Leche ka. Kayo kaya ni Cienne." Sabi naman niya sa akin. 

"Grabe ha! Pinaulanan moko ng mura. Hahaha. Totoo naman eh!" Pagsasagot ko sa kanya. 

Almost Is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon