Chapter 22

3.2K 40 8
                                    

Chapter 22

Nakarting na silang dalawa sa grill nina Kim. Kapasok nila. Nandoon na sina Camille,Carol, Cienne, at Kim. Sinalubong naman nilang apat ang dalawa.

"Finally guys, nakarating na kayo." Sabi ni Cienne sa kanila. 

"Sorry. Naligo pa si Mika eh. Hinintay ko lang." Sabi ni Ara sa kanya. 

"Chaka nagayos pa ko ng gamit ko for tomorrow." Sabi ni Mika sa kanila.

"Ano bang meron bukas? At nag ayos ka ng mga gamit mo? Aalis ba kayong dalawa?" Tanong ni Kim sa kanilang dalawa. 

"Oo eh. Pupunta kaming Cebu. May conference ako dun overnight lang naman. Tapos babalik ako sa US kasi kailangan daw ako dun for something." Explain naman ni Ara sa kanilang lahat. 

"Kasama mo si Mika?" Tanong ni Camille. 

"Yep! One Week lang naman kami all in all na mawawala. Kaya wag niyo kaming mamiss agad. Haha. Dito naman kami didiretcho for sure eh." Sabi ni Ara sa kanila kaya naman natawa silang lahat. 

"Kinatak mo. Tara na nga. Lalamig na yung mga pagkain." Pagyayaya ni Cienne kaya naman pumunta na sila sa may kakainan nila at umupo na. Nagsimula na rin silang lahat kumain. 

"Oh, bakit bigla naman kayong nagyayang kumain ngayon. Anong ganap?" Tanong ni Mika sa kanila. Nagkibit balikat lang sialang lahat. 

"Wala naman. Well.. This past few weeks ang bubusy natin. We didn't have time to hang out. Kaya naman naisipan naming gawin to." Explain ni Kim sa kanilang lahat. 

"Oo nga eh. Pari na rin sa mga issue tissue na mga nangyare now." Biglang sabi ni Carol. 

"Haha. Marami ng nangyare." Cienne. 

"Oh well papel. It's been taken care of. Kaya okay na lahat." Sabi naman ni Mika sa kanila at ngumiti. 

Nagpatuloy lang sila ng pagkain. Nagkwentuhan na rin silang lahat. After that, humiwalay sina Kim, Ara at Camille sa tatlo. Naiwan sina Mika, Cienne at Carol sa may table. Habang yung tatlo naman sa may garden nina Kim nagpunta. Dun sila tumambay para uminom at makapag usap naman. 

------------

Ara's POV

  "Oh, pre. Ano bang maipaglilingkod namin sayo." Tanong sa akin ni Kim. Kinuha ko yung bote ng alak at nagsimula ng uminom. 

"Pre.. tagilid na." Tipid kong sagot sa kanya. 

Almost Is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon