Chapter 36 (under construction)

11.8K 130 2
                                    

Angelie's POV

Sa hinaba-haba na ng araw na lumipas, ngayon lang nag-sink in sa 'kin ang lahat ng mga nangyari.

Gosh! I still can't believe na malapit na 'kong ikasal, sa lalaking mahal ko pa.

I never imagined that these things will happen to my life. I really thought these are just stories, fairytales and everything, pero the moment he asked me to marry him, para talaga akong nasa alapaap! Grabe parang isang palabas na ako ang prinsesa at siya ang prinsipe.

Worth it na lahat ng mga pinagdaanan ko... Naranasan kong alipustahin ng sariling pamilya, maglayas at mapalayo sa kanila, yung magutom dahil na freeze ang pera mo sa bangko, yung mamuhay ng payak sa isang probinsya, yung maging alalay ng isang sikat na model, maging secretary ng isang halimaw, mamolestiya...

But look at me now, Owner ng isang malaking clothing line, befriended ng isang sikat na model that I mentioned a while ago at sa bestfriend netong si Charlie, at ngayon ikakasal na sa halimaw na sa huli ay naging prinsipe ko na... beauty and the Beast ba? Hahaha

Sa dinami-rami ng biyayang natanggap ko, kulang pa ang magpasalamat lang kay God. Pero thank you talaga for this wonderful life na binigay mo sa 'kin I will promise to treasure it from now on.

Lalo pa at engagement party namin ngayon? Wala na ni sino pa ang makakapigil pa sa 'min even mom? Ewan ko nga kung bakit ayaw na ayaw niya kay Stanly. She said decent naman si Stanly, gentleman, gwapo, mayaman at malayong malayo daw ang nakita niya sa mga sinabi ni JC sa kanya. Pero yun nga eh bakit ba ayaw niya? Hayy I'm not that bad naman pero I don't need her naman on my wedding day since she left me, she abandoned me at buong buhay ko si Angelo lang ang minahal niya.

But it doesnt bother me, no grudge, no hard feelings tapos na yun basta part na lang sila ng old Angelie. Yung Angelie Yohn Gonzaga.

I am Angelie Yohan Cruz now and soon to be Mrs. Stanly Ramirez. Ayiiiehh kinikilig ako wahahahaha.

Grabe ang isang hamak na katulad ko? Ikakasal sa hottest most handsome bachelor in the world? Haha o.a.? That's a part of me now eh sino ba naman ang hindi magiging o.a. Kuko palang nakaka-inlove na pawisan nga yan baka pagkaguluhan pa ng mga babae at ipahid ang mga bimpo nila sabay pahid sa masasakit na parte ng katawan nila eh. Hahahaha kidding.

"So ate... Saan niyo balak mag honeymoon?" Tanya interrupted me.

Napatingin ako sa kanya...

"Ano pinagsasabi mo diyan?"

"Hoy bruha ka hwag ka na nga mag alinlangan! Sooner or later diyan din ang punta niyo!"

"Ahh hwag mo nga dumihan ang pag-iisip ko! Ang tanging naiisip ko lang ngayon?..."

"Ano? ... O sino?"

"Love, faith, hope, Stanly!" I said it with passion sa love hahahaha

"Ahhhhhhhhh!"

Nagtititili si Tanya bigla siyang tumabi sakin sa iisang upuan lang.

"Tsk Tanya ano ba yan? Nag memake up ako oh..."

Yup nagme make over ako nag ttrial ako para mamaya sa party haha ayoko na kasi mag hire pa ng artist.

"Ate, boy muna ha? May girl na kasi tayo eh si Alex. Pero ok rin naman kahit girl para may kalaro na si Alex."

"Ayyy ang kulet mo talaga Tanya!"

Tumayo na 'ko at hinila siya, tawang-tawa naman siya.

"Lumabas ka nga muna dito! Nakaka-stress ka."

"I'm sorry, sige na I'll behave promise."

"Hinde!" Tuloy ako sa panghihila hanggang sa pagbukas ko ng pinto sumalubong ng yakap sakin si Charlie.

Mysterious SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon