Chapter 12 (under construction)

21.1K 201 26
                                    

A.N. Ito na po yung chapter 12 :D, promoto ko daw po story ni @Heartwithin yung "still the one" basahin niyo po pag may time kayo :D anyway ... "Fragile Heart" is still available xD para sa mga di pa nakaka punta sa profile ni @Shiroangel ... naka dedicate po sa kanya ang chapter 11 ko so yun lang salamat.. xD haha anyway ito nga po I hope you'll like it :D

A.N. Guys iko construct ko to so kung babasahin niyo ito ngayon, pwedeng hwag muna or kung gusto niyo naman balikan niyo nalang ulit :)

Slate's POV

Ito nanaman tayo... tsk Angelie palagi ka nalang umiiyak dahil kay kuya, di na patas napipikon na talaga ako. Nababadtrip ako... gusto ko siyang tulungan sa problema niya pero di ko alam kung paano ko yun gagawin. Kitang-kita naman sa mga kilos niya na gusto niya si kuya eh. Nakita ko siyang nakikinig sa usapan nila Lourene at kuya... at talagang apektado siya sa mga narinig at nakita niya. Bakit ba kasi si kuya ang nagustuhan mo Anj? Ngayon pa nga lang sinasaktan ka na niya oh.. sabi ko naman kasi sayo ako nalang eh. Anj please... ako nalang I will never hurt you I promise. Gagawin ko lahat para hindi ka masaktan, simula noong hinalikan kita... nalaman ko na na ikaw talaga ang mahal ko. Wala akong paki elam sa sasabihin ng iba wala akong paki elam kung magalit pa sila basta ang gusto ko ikaw lang Anj. Gabi na pero ang traffic pa rin, kaya ko namang lusutan to eh... easy lang din mag fast and the furious pero minsan kailangan ko rin maging sensitive... kasama ko si Angelie ngayon, malungkot siya at ayokong matakot siya sa pagmamaneho ko. Ngayon ito nalang muna ata ang pwede kong maitulong sa kanya, ang ihatid siya sa apartment niya. Naka tulog na pala siya at medyo namamaga pa ang mata niya.. tsk humanda ka sakin kuya... lintik lang ang walang ganti.



Angelie's POV

*sigh* napapadala ang pag papa cancel ni Stanly sa mga appointments niya ahh. Kung hindi man ipapa asikaso niya pa kay Slate. Ganito ba siya mainlove? Nasisira ata ang system niya ahh hayyy halos everyday akong mag-isa dito sa office niya. Si Slate naman nabubugbog na ata sa kaka present sa mga board meetings hayyy ano ba tong mga nangyayari. Hayy until now I can feel the pain, the moment when Stanly hugged Lourene. Pero hindi naman pwedeng palaging ganito no. Kailangan may pagka abalahan ako para makalimutan ko tong Stanly na to, ummmm wala naman si boss eh tapos ko na rin naman lahat ng mga pinagagawa niya... Drawing nalang nga muna ako matagal-tagal ko na rin hindi nagagawa to eh.

Ang bilis ng takbo ng utak ko ngayon... nakakalima nakong piece... hayyy yan dumating na si Slate. Mukhang tapos na ang madugong meeting niya at manggugulo nanaman dito hayyy.

"Hey Anj.. what's up?"

"Ok naman, ikaw nga dapat kong tanungin no... kamusta naman?"

*sigh* "Hwag na nating pag-usapan... sasakit nanaman ulo ko hehe."

"Ayy sorry." Tumahimik ka na nga lang Angelie.. mukhang wala nanamang lumalabas na matino sa bunganga mo eh. Hayyy mas mabuti na ngang tumahimik na lang.

Naghihintayan kami ngayon kung sino ang unang magsasalita hmmm. Deadma, drawing lang ng drawing habang merong pumapasok sa utak.
Yan nag simula na siya mukhang may naisip ng topic..

"Ano yang ginagawa mo?"

"Nag do-drawing.."

"Para san? Tinapos mo na ba ng pinagagawa ni kuya? ikaw din, lagot ka nanaman sa gurang na yun pag nakita kang easy easy diyan."

"Ano ka ba? Kahapon palang tapos na no... atsaka di naman siya pumapasok ehh kaya wala na siyang dapat pang ipag utos sakin... kapal na ng mukha niya pag inutus-utusan niya pako." Tumawa na lang ako para mapagaan ang life.

Mysterious SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon