Chapter 28 (under construction)

16.7K 146 2
                                    

A.N. Sorry nakakalito ata o wala lang talagang kwenta yung kwento ni Angelie sorry di ako makapag focus ang ingay nung daddy ko kanina eh sorry ulit pero sana magustuhan niyo. :D

Angelie's POV

Wake up Angelie! Kailangan mong aminin ang totoo, hindi ka pwedeng mabuhay sa kasinungalingan. Kailangan mo ng harapin ang gulong pinasok mo! Wake up Angelie, wake up! (fade voice) wake up... wake up...

BLAG!!!!!!!!!!!!!!

"Aray!" Sabi ko sa sarili ko, phew panaginip lang pala! Naku pati pala sa panaginip kinukunsyensya na'ko.

Hindi muna ako bumangon sa pagkakalaglag ko dahil yung panaginip ko ang mas naunang pumasok sa utak ko.

Mahalaga ata talaga yung appointment na sinasabi ni Stanly, baka mas maka tulong ako kung sasabihin ko sa kanyang ako ang nawawalang anak ng mga Gonzaga, pero paano ko yun Ie-explain sa kanya? Parang napaka imposible naman kasi talaga na sa Pilipinas ako napadpad, eh ang layo kaya ng Pinas sa London.

Pero mas gusto ko nalang aminin sa kanya kahit masaktan ako, kesa lagi siyang mastress sa kakahabol sa kumpanyang yun. Hayy pasok na nga ako!

Nag breakfast nako at naligo at nagayos ng lahat at pumasok na.

Ewan kinakabahan ako na excited, medyo masayang natatakot. Hinga ng malalim Anj kaya mo yan! Cheer!

Pero paano ko uumpisahan? Paano ko siya mapapaniwala at ano ang magiging reaksyon niya? Magalit kaya siya?

Eh kung hwag ko nalang kaya sabihin? Ayy naku Angelie!!! Umiiral nanaman ang kaduwagan mo! Basta no matter what happens dapat cool lang hinga ng malalim!

Palapit nako ng palapit sa office niya kinakabahan ako ito na...

Pag pasok ko nabali ang mix emotions ko! Ay badtrip kung kelan malakas ang loob ko doon naman siya may kausap na Kung sino sa loob! Bad trip! Badtrip talaga!

Hayy paano ko pa maibabalik ang self confidence ko ngayon! Tsk hayy hwag na nga tsaka nalang!

Habang tahimik akong nag aasikaso ng mga papeles ni Boss, diko sinasadyang marinig ang pinaguusapan nila.

"But that's imposible! She can't be the daughter of Gonzaga's."

"But sir based on my researched, your assistant is that girl! Angelina Yohn Gonzaga sir not Angelina Yohan Cruz. Sir kahit balibaligtarin mo man, siya talaga ang tinutukoy ng research ko, pinabago niya lang yung pangalan niya pagdating niya sa Pilipinas."

"Ako ba ang pinag uusapan niyo?"

Napatingin silang dalawa.

"Angeli..."

Tumakbo agad ako palabas dahil diko na mapigilan tong luha ko, all this time pina iimbistigahan pala ako ni Stanly, hindi niya pala ako pinagkakatiwalaan bilang secretary niya at bilang kaibigan niya. Mas masakit nga yung malaman mo ng ganun, kesa amininin ko ang totoo.

Kailangan niyang ipaliwanag sakin kung bakit niya ginawa yun, pero kailangan ko ring ipaliwanag kung bakit ako nagtago sa pangalang Angelina Yohan Cruz. Ngayon kung matino siyang lalaki at habulin niya ko ngayon, alam niya kung saan niya ko makikita.

Stanly's POV

"Angeli..."

"Sir?"

"Oh shit!" Tumayo agad ako "I can handle this, magkita nalang tayo bukas para sa payment ok."

Lumabas nako at hinabol si Angelie, pero paglabas ko ng office wala na agad siya. Sakto bukas ang elevator bumaba agad akoat hinanap siya sa kung saan.

Mysterious SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon