Chapter 23 (under construction)

18.8K 172 16
                                    

Angelie's POV

"I love you too Stanly.." ang sarap pakinggan ng I love you lalo na kapag sa taong mahal mo maririnig...

Niyakap ako ni Stanly ng mahigpit, ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.
Napapikit ako, mas ramdam ko ang pagmamahal niya sakin.. sobrang saya ko na siya ang kasama ko ngayon.

Pag dilat ko nasa rooftop na kami ng Alexus.

Ang lakas-lakas ng hangin parang uulan nagtataka ako sa kanya bakit lumalapit kami sa gilid ng building. Grabe nakakalula pala dito, nilalamig ako grabe. Tiningnan ko si Stanly.

"Stanly may problema ba?"

Nakatitig siya sa baba.. na para bang gusto niyang tumalon.. tumingin siya sakin.

"Anj are you ready?"

"Ready for what?"

"In 3, 2, 1"

Binuhat niya ko at hinulog sa building!!!

"Waaaaaaaaaaaaaah!"

Tumawa siya ng malakas na malakas.

Boom!

Nahulog ako sa kama. Phew panaginip lang pala hayyy nakaka takot naman yun, teka gaano ba ako kalikot matulog at nahulog pako sa kamang to?? Hayy loka ka Angelie nawiwindang ka nanaman. Tumayo na 'ko..

"Wala na pala si Stanly dito, hmmm siguro nagluluto na siya ng breakfast para samin. Hayy magaling na kaya siya talaga?"

Lumabas nako ng kwarto ng makita ko si Stanly na papalabas na ng unit niya. Bakit siya naka coat? Papasok na ba siya? Di man lang niya ko ginising...

Hinayaan ko na siya at di na tinawag. Naalala ko nanaman ang panaginip kong yun, grabe kung gagamitan ko ng logic yun marami talagang mensahe ang panaginip na yun?? Ano kaya yun? Kinakabahan ako.

Napansin kong may note na iniwan si Stanly sa table.

Para sa 'kin pala.. binasa ko na..

"Angelie, di na kita ginising dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo ang lahat ng nangyari kagabi.
Sorry kung nahalikan kita hindi ko sinasadya, sana kalimutan mo na yun. Isipin nalang natin na walang nangyari.
Wala lang sakin yun at sigurado akong wala lang rin sayo ang nangyari.
Siguro sa mga oras na 'to nasa office na 'ko.
Pinag luto kita ng almusal kumain ka bago umalis,
Sorry talaga hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sayo kaya sinulat ko na lang."

Stanly.

Parang tinadtad ng itak ang puso ko sa mga nabasa ko. Napaupo ako sa sahig na naiyak nalang ng bigla,

Wala lang pala sa kanya ang lahat. Hindi ko akalaing hindi niya pala ginustong halikan ako, ang sakit sakit talaga.

Buong maghapon akong nakaupo sa sahig ng condo unit niya. Nakakapagod din palang umiyak, natauhan ako ng biglang may tumawag sa phone ko. Tumayo agad ako at pumasok sa kwarto para kunin ang phone.

Slate's calling...

Sasagutin ko ba 'to?

Sinagot ko ang phone..

"Hey Anj."

"May kailangan ka?"

"Nasaan ka? Nandito ako sa tapat ng apartment mo eh. Pumasok ka ba??"

Mysterious SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon