Chapter 22 (under construction)

19.1K 197 26
                                    

Angelie's POV

"Ahhhh, ano bang gagawin ko???" Tanong ko sa sarili ko habang nililibot ang buong apartment ko sa kakaisip sa Slate na yun.

Grabe hindi ako sanay sa ganung kilos niya.

Cool lang siya para sakin eh pero sa mga kinikilos niya the few days, ahhh ibang iba talaga.

Seryosong seryoso siya nakakapanibago talaga at parang desperado pa siya sa mga kinikilos niya..

Ano ba 'to? Ibang-iba talaga siya ngayon...

I sat down on my bed and thought about what happened yesterday...

Maybe Slate's right, maybe Stanly doesn't really care about me that much.

Ano ba 'tong nangyayari sakin?? Nakakabaliw yata ang pag sama sa magkapatid na yun grabe nakaka sira ng bait!!

I looked at my cellphone.. Oh my gosh late na late na pala ako.. napatayo ako at kumaripas ng takbo sa bathroom... kakaisip sa mokong na yun, nakalimutan kong may trabaho nga pala akong mas dapat pinagtutuunan ng pansin..

Habang nasa kahabaan ako ng byahe papasok sa office, iniisip ko parin ang mga susunod pang mangyayari... ahh gusto kong magpatulong kay Tanya kaya nga lang nahihiya ako.

Pero bakit nga ba pag-aaksayahan ko ng panahon si Stanly? Hindi naman nga niya ko gusto. Baka naman hindi talaga siya para sakin?? Ano ba 'to?? Ano bang iniisip ko? Ahhh. Pagbigyan ko kaya si Slate? Kikilalanin ko siya ng mabuti baka malay ko isang araw sa kanya na pala ako inlove..

Sabi ko na nga ba eh.. makakasira lang to sa career ko eh, pero on the other side.. wala naman akong career? Waaaah

Sira ulong taxi driver yan ayaw ibalik ang sukli ko! Parang palagi nalang ako nauutakan ng mga driver na 'to ah... nagmamadali akong pumasok.. kinakabahan ako sa mga isasalubong na sermon sakin ni Stanly naku.. as I'm waiting for the elevator to come down, nawala ang focus ko ng makarinig ng mga ingay sa main lobby..

Siyempre sino bang hindi makiki chismis..

Nanlaki ang mga mata ko at napa "Damn, what happened to you?"

Yung mga nag chichismisan..

"Hala anong nangyari kay boss Stanly?" Tanong ng curios staff.

"Grabe yung handsome face niya! Bakit puro pasa?" Sabi ng malanding jologs na babaeng staff

"Oh no kawawa naman ang boss Stanly ko!" Sabi naman ng feeling conservative na katrabaho ko hayy..

Naglalakad papasok si boss Stanly at lahat ng attention na sa kanya.. grabe yung mukha niya puro pasa at namamaga pa! Parang hindi ginamot ng maayos. Nangingitim sa pasa yung mukha niya ano ba yan..

"Sir what happened?" Tanong ng isang girl

"Get back to work.." diretso siya sa pag lalakad.

"Sir anong nangyari?" Tanong naman ng isa pa

"It's none of your business!"

"Sir kailangan ko po bang tumawag ng doctor?" Tanong ng isa pa.

At napahinto na sa kinatatayuan si Stanly...

"Ano ba!? Ang kukulit niyo ah!! Hindi ko kayo kailangan lumayas kayo sa harapan ko!"

Nag lakad na ulit siya.. grabe masungit pa rin pala siya, hindi ko napansin dahil maaga ako laging pumapasok.. papalapit na siya sa elevator hala nahiya ako bigla kaya napatakbo ako para magtago.. kinakabahan ako baka mapag buntungan ako kaya dali-dali akong pumasok sa fire exit at doon na dumaan. Grabe ang taas nga pala ng office ni Stanly.. lilit ang bewang ko nito sa taas ng inaakyat ko grabe!

Mysterious SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon