Ch16: Mga Totoong Kaibigan

2.3K 49 3
                                    

Tinignan ko si Jake na para bang nagtatanong kung papaya ako o hindi, tumango lang si Jake sakin at ngumiti

“Sige una na ko sa room, sunod ka nalang Maddy ha?”

Nginitian ko si Jake bilang ganti, alam ko kung gaano kamahal ni Jake ang babaeng to, alam ko kung gaano siya kabaliw na umabot sa point na ibibigay niya lahat kahit na ang sariling kaligayahan niya, at ngayon masasabi ko na napakaswerte ni Chelsea sakanya

Sumunod lang ako kay Chelsea kung saan man niya gustong makipag usap, napansin ko lang na mukang pumayat siya mukang nangangayayat ata ang isang to, hindi ba siya ganung inaalagaan ni Patrick?

Napadpad kami dito sa music room, bigla akong kinabahan eto kasi yung room kung saan hiniling niya sakin na iwasan ko si Patrick

Pumasok kami sa loob ng room, direderetso lang siya hanggang sa makarating siya sa may bintana na para bang may tinatanaw ito

“Maddy….sorry”

Sorry? Ngayon lang siya hihingi ng sorry?

“Alam ko na galit ka sakin, pero sana mapatawad mo ko”

Gusto kong saktan siya, gusto kong lumapit at sampalin siya, gusto ko siyang sabunutan pero kahit gusto ko hindi ko kaya dahil siya ang pinakamahalaga para sa bestfriend ko

“Nung una akala ko si Patrick talaga yung gusto ko, kaya nga hiniling ko sayo na layuan siya diba? Pero sa tuwing makikita ko kayong magkasama ni Jake, sa tuwing makikita ko kayong nagtatawanan, nagyayakapan, nag-aasaran minsan naiisip ko sana ako nalang yun, sana sakin nalang niya ginagawa yun”

Teka, hindi ko maintindihan tong babaeng to, naguguluhan ako sa lahat ng sinasabi niya

“hindi ko alam nung una kung ano tong nararamdaman ko pero sa pagdaan ng mga araw mas lalo akong nasasaktan mas lalo akong nalulungkot”

Humarap siya sakin, pero nagulat ako ng makitang may mga luhang tumutulo sa mga pisngi niya

“Ngayon ko lang naramdaman ito Maddy, ngayon ko lang rin nalaman na nagseselos na pala ako sainyo, ngayon ko lang napaniwala ang sarili ko na mahal ko si Jake, mahal na mahal”

“Pe-pero bakit niyo ginawa yun?”

Ang dami kong gustong sabihin pero iilan lang ang lumalabas sa bibig ko

“Dahil gusto niya..lahat ng nakita mo, lahat ng narinig mo, lahat ng iyon, pagpapanggap lang….yung kiss sa nung foundation day, yung holding hands, lahat yun, lahat yun kasinungalingan lang”

“bakit?”

“hindi ko alam kung bakit…pumayag ako kasi ang akala ko mahal ko siya, ang akala ko way yun para mapalapit sakanya pero hindi pala…alam din nila Cherry na nagpapanggap lang kami pero hindi namin alam kung bakit niya ginagawa yun…pero sa tuwing makikita ka niyang may kasamang iba…nagagalit siya sa sarili niya…sa tuwing nakikita ka niyang ganyan…naiinis siya”

Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi sa mga sinasabi niya

“Bakit? Bakit? Bakit?”

Walang ibang lumalabas sa bibig ko kung hindi bakit, lahat ng gusto kong itanong naglaho lahat, isa lang ang gusto kong itanong ngayon, bakit?

Lumapit sakin si Chelsea at niyakap ako, kasabay ng pagyakap niya sakin ang pagtulo ng luha ko, hindi ko pa rin maintindihan ang lahat pero bakit mo to ginagawa sakin Patrick?

“Kung gusto mong malaman ang lahat tanungin mo siya….mag-usap kayo”

“Hindi ko alam Chelsea, hindi ko alam kung may lakas pa ako ng loob na kausapin siya”

“Pero alam kong gusto mo siyang kausapin, alam kong gusto mo siyang tanungin”

Tama si Chelsea, gusto kong tanungin si Patrick, gusto kong malaman lahat ng dahilan niya

“Salamat Chelsea”

“Sorry Maddy ha? Mapatawad mo sana ako, alam ko na mas may dapat ka pang ayusin, naghihintay sila sayo Maddy, walang araw na hindi sila nag-alala sayo”

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya at nginitian siya

“Tama ka, salamat talaga ha? At tsaka isa pa, wag kang mag-alala walang namamagitan samin ni Jake, mag bestfriend lang kami kaya wag kang malungkot ha?”

Umalis na ko sa music room at iniwan siya, bumalik na ko sa classroom at pinuntahan ko si Jake at binigyan siya ng isang ngiti

“WHOA! Ang tagal kong hindi nakita yan ah, anong nangyare sayo?”

Hindi ako umimik at patuloy ko lang siyang nginitian

“Maddy wag kang ganyan, natatakot na ako sayo”

Hindi ko ulit inimik si Jake at umupo na lang ako

“Hoy Maddison! May hindi ka sinasabi sakin no? Aba naglilihim ka na ngayon”

Seryoso akong tumango kay Jake, madami pa siyang sinasabi sakin pero hindi ko na pinansin iyon, nag-iisip kasi ako ng paraan kung paano ko yayayain kausapin sila Gabby, gusto ko na rin kasi mag sorry sakanila eh, tsaka namimiss ko na sila

Umalis ako sa room at pumunta sa locker area, hinulog ko sa isa sa mga locker nila yung sulat na ginawa ko, hindi ko pinakilala kung sino ako dahil baka mamaya hindi sila pumunta, sa sa gawin kong ito maayos ko na ang buhay ko

*kriiiiiiiing!*

Nangmarinig ko ang bell at dali-dali akong nag-ayos ng gamit at tumayo, tinatanong pa ni Jake kung bakit daw ako nagmamadali pero hindi ko sinabi sakanya yun, sinabi ko nalang na ikwekwento ko lahat bukas at may gagawing akong surprise sakanya

Lumabas na ko ng room at nagmadali akong pumunta ng gym, dun ko kasi sinabing mag-usap kami since walang tao dun ngayon

Mga 30 minutes bago ko sila nakitang dumating, nagulat ako kasi pagkakita nila sakin ay agad nila akong niyakap, parang alam na nila na ako yung nagpapunta sakanila dito

“MADDY!!! NAMISS KITA!! ALAM MO BA KUNG GAANO AKO KATAGAL NAGHINTAY NA KAUSAPIN MO KAMI ULIT?!” – Renzie

“Oo nga Maddy, wag ng ganun ha?” – Gabby

“Hindi moa lam kung gaano katagal kaming naghintay sayo, kaya Maddy kalimutan na natin yung dati ha? Bumalik ka na sa dati ha?” – Renzie

“Pwede siyang bumalik sa dati pero yung looks Maddy pasado sakin” – Cherry

“Oo nga Maddy, agree ako sa mga lalaki sa school natin na ang hawwwwwt mo talaga ngayon” – Renzie

Naiyak ako sa lahat ng nangyayari ngayon, tama nga si Chelsea na hinihintay lang talaga nila ako, humingi ako ng sorry sakanila at agad naman nila tinaggap yun, sinabi ko rin na napatawad ko na si Chelsea at sinabi niya na sakin ang lahat lahat, natuwa naman sila Gabby pero naiintindihan daw nila kung hindi ko pa kayang harapin si Patrick

After ng pag-uusap namin dumeretso kami sa mall para makapag bonding, namiss ko to, namiss kong maging si Maddy na kontento sa lahat, si Maddy na walang inaalala

Sinabi ko rin sakanila na sa susunod na lumabas kami ay isama na namin si Chelsea at natuwa naman sila kasi tanggap na tanggap ko na daw agad si Chelsea  

Sana umpisa na to, sana mabago ko na talaga ang sarili ko, sana maiayos ko lahat ng ginawa kong gulo...

Sana malaman ko na ang katotohanan sa likod ng mga nangyari Patrick

Her Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon