Ch10: Ang Aking Karma

2.4K 53 9
                                    

Maddy's POV

Naging masaya ang celebration namin ng foundation week, pero these past few weeks mas naging mainggat kami ni Patrick, meron kasi ilan ilan na nagkakalat ng tungkol samin, kesho nakita daw kaming nag kiss sa Cr, as if naman na gagawin namin yun, kesho nakita daw kaming magka holding hands, basta kung anu-ano pa.

Actually nakwento ko na kila Gabby yung tungkol samin ni Patrick, nung una hindi sila payag lalo na si Renzie pero inexplain ko naman yung side ko at yung side ni Patrick kaya sumangayon na lang din sila

Eto na yung huling araw ng celebration ng foundation it means na ngayon ang foundation’s annual dance, pupunta kaming lahat pero sa tingin ko hindi ako makakasayaw dun kasi wala naman akong aayain tsaka hindi naman kami pwedeng magsayaw ni Patrick eh. (-_-)

Pero ngayon, naghahanda na ko para sa sayawan mamaya, simple dress lang ang suot, color blue na transparent cloth tapos sa loob nun may black stripes, tapos nag suot lang ako ng plain black heels, tapos light make up lang para hindi masyadong pansin

[See her dress on the side ------------------>> ]

7 pm ang annual dance kaya ngayon palang 6 pm sinundo na ko nila Gabby, katulad ng suot ko, simple lang din yung sakanila at light lang din, ayaw din kasi nila ng masyadong pabongga.

Pagdating naming sa school, marami ng tao kaya dumeretso na kami sa gym, dun kasi yung venue, onti lang naman yung section per year kaya for sure kasya kami dun

May nakareserve na table per section kaya dun kami dumeretso nila Gabby, pagdating namin dun marami na ring tao pero wala pa si Patrick, nasan na kaya yung lalaking yun?

Tumayo ako para hanapin si Patrick, hindi ako mapakali hangga’t hindi ko nakikita si Patirck

“San ka pupunta?” – Gabby

“Mag c-cr lang”

“Ahh ok, balik ka agad ha?” – Gabby

“Ok”

Pumunta ako sa way kung saan nandun yung cr, para pag lumingon sila Gabby alam nilang mag ccr talaga ako, nung malapit na ko ng cr nag iba na ko ng way, pumunta ako sa may backdoor ng gym, pero tinignan ko muna lahat ng tao sa loob ng gym bago ako umalis, baka kasi nandun si Patrick diba?

Papalapit palang ako ng back door ng may marinig akong ungol ng babae na nagmumula dun sa room bago yung pintuan palabas, di ko maiwasang mamula

Hanggang dito ba naman, hindi ba sila makapagintay na matapos yung program? Tsk.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng may marinig akong pangalan na sinabi nung babae

“Ahhh Patrick”

Patrick? Tama ba yung pagkakarinig ko?

Lumapit ako ng kaunti dun sa may pintuan nung room at naghintay, nakakahiya man tong ginagawa ko, pero gusto ko lang makasiguro

“Ahhhh Patrick”   

Patrick nga! Pero baka naman hindi si Patrick na Patrick ko? Baka naman ibang Patrick, marami naming ibang tao na may pangalan na ganun diba?

“Shhh, Chelsea low down your voice, someone might hear you….”

Chelsea? Baka naman ibang Chelsea yun, pero napaka-coincidence naman nun diba? Hindi naman masamang sumilip diba? Pero pano kung hindi sila yun, tapos maistorbo ko pa yung dalawang love birds sa loob, eh di napahiya pa ko. pero pano kung sila?

Hinawakan ko na yung knob nung pintuan at dahan dahan kong binuksan yung room, nakabukas yung ilaw kaya hindi nila mapapansin kung may magbubukas, pag tingin ko may nakita akong salamin na at nakita ko yung reflection nung babaeng naririnig ko kanina, yung likod lang nung lalaki yung kita pero kitang kita din yung ginagawa nila

“Maddy? Bakit ka nandito?”

Nagulat ako ng bigla akong kausapin ni Jake na nasa tabi ko na pala, para naman tong kabute, pero nung tinignan ko siya, nakatingin na siya sa loob ng room, nabitawan ko pala yung door knob kaya kitang kita na yung dalawa sa loob, pero pag tingin ko sa loob ng room nagulat ako ng nakabulagta na yung lalaki at si Jake galit na galit yung itsura

Si Chelsea nga yung nasa loob ng room, nakita namin siya ni Jake na may kahalikan, kung hindi siguro kami dumating baka sa iba na napunta yung ginagawa nila....

Dumeretso ako papasok nung room at lumapit dun sa lalaki na nakaupo sa sahig

*Slap!*

Kitang kita sa mata niya yung gulat nung sinampal ko siya, pero kasabay nun ay ang pagtulo ng mga luha ko

“Ma-maddy?”

Hindi ko na siya pinansin at lumapit ako kay Chelsea

“nung una, pinipilit kong tuparin yung pangako ko sayo na layuan siya, na itigil na ang pagkagusto ko sakanya……pero hindi ko pala kaya kasi si Patrick na mismo ang nagsabi sakin na mahal niya ko….pero ngayon na nakita ko kayo sa ganitong sitwasyon….sa tingin ko magagawa ko na yung pangako ko sayo….sana maging masaya kayo”

Bago pa makapagsalita si Chelsea, tumakbo na ko palayo sakanila, dumeretso ako sa may back door at patuloy lang akong tumatakbo, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero ang gusto ko lang ay ang makalayo dito sa lugar na to

Nakarating ako sa may playground ng school, malayo ito sa may gym kasi nasa may elementary building ito, umupo ako sa may swing at dun ko lahat nilabas ang galit ko

Akala ko masaya ang magmahal? Pero sa bawat saya pala na mararamdaman ko may kapalit palang sakit at pait. Naguumpisa palang akong maging masaya pero bakit ganun, ano ba ang nagawa k okay Patrick para ganunin niya ko? Sa sobrang sakit gusto kong saktan siya, gusto kong sabunutan si Chelsea, pero wala naman akong karapatang gawin yun, unang una nangako ako kay Chelsea, pangalawa hindi naman alam ng lahat na may relasyon kami eh.

Karma na siguro to sakin ng tadhana, masyado kasi akong naging selfish sa mga desisyon na nagawa ko, pero sa ngayon hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sila, hindi ko alam kung may magagawa akong maganda pag nakita ko sila

Peste naming mga luhang to, ayaw pa tumigil, kanina pa ko dito sa may playground pero hindi ko alam kung gaano na katagal, kailangan ko ng umuwi, ayoko ng mag stay pa dito

Mga ilang hakbang pa lang mula sa swing ay natumba na ako bigla

“Maddy!”

May isang lalaki na papalapit sakin, sinubukan kong kilalanin kaso ang labo ng mga mata ko dahil sa mga luhang ayaw tumigil, tinulungan ako nung lalaki na tumayo at sinakay ako sa isang kotse, sinubukan ko ulit tignan kung sino yung lalaki

“Jake?”

------------------------------------------------------------------------------

[A/N]: alam ko na first year hs students pa lang sila pero nilalagay ko lang sa story na to yung mga nangyayari sa mga henerasyon ngayon. believe me or not, nung first year ako, may mga classmate akong meron ng sariling condo at meron din mga taong laging laman ng bar kahit na minor palang ang mga ito, pano sila nakakalusot? syempre nadala ng make-up at ng height. matatangkad kasi mga classmate ko nun. So dont get confused na kaya na pala gawin ang mga bagay na to ng isang hs student na katulad nila. (^_^)v 

love-love

~Jaz 

Her Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon