Ch20: Ang Aming Bakasyon [part 2]

2K 46 8
                                    

Maddy’s POV

Pagkagising namin agad agad na kaming nagbreakfast at nag-ayos ng sarili namin kasi inaantay na kami ni Gabby sa baba, medyo late narin nagising ang lahat mga 10 na rin ng umaga kaya pagkababa namin dumeretso muna kami sa isang kainan para dun mag breakfast

After ng breakfast dumeretso agad kami sa may mga malalaking electrifan, ok alam kong medyo OA pero kasi ang lalaki swear! Windmill na magkakahilera yung nandun tapos puro puti sila, basta ang ganda lang

[See picture on the side ---------------->]

Syempre nag picture picture kami at bumili nung maliliit na mga replica nung malalaking fan na yun, WAHAHAHA! For sure magugustuhan to ni Cherry, haay! Kung wala lang problema yung babaeng yun eh di sana kumpleto talaga kami pero pag ok na, aayain ko talaga sila pabalik dito

After lunch umuwi na kami sa bahay, gusto daw kasing may swimming ni Renzie sa pool kaya ayun diretso bahay agad syempre nakisali na rin yung iba maliban lang kay Chelsea, hindi daw niya muna gustong mag swim ngayon kaya hindi siya sumali pero siya yung taga dala namin ng pagkain, wahahaha! Serbidora namin siya today (~.~)v

The next day, maaga kami umalis kasi pupunta kaming pagudpud, excited nga kami kasi magbebeach na rin kami, ng makarating kami dun, sumugod agad sa beach yung mga boys at kaming girls eto nagpapalit palang ng swimsuit syempre nag two-piece kami, kahiya naman sa mga ibang nagswiswimming diba?

Nagswimming narin si Chelsea pero saglit lang, ewan ko bas a girl na yun, napaka KJ CHOS! Wag niyo kong isusumbong baka magalit yun (- - )

Pagabi nan g mapansin kong hindi ko na Makita si Chelsea pati na rin si Gabby, so tinawag ko si Renzie para hanapin sila, nakita naming sila sa Cr ng hotel pero pagkapasok namin nakita kong nagpapanic si Gabby

“Anong nangyari?” – Ako

“Si Chelsea…si Chelsea hindi daw makahinga” – Gabby

“Ha?! Tatawagin ko lang sila Jake” – Renzie

Hinawakan ko si Renzie sa may braso para pigilan siya, ayaw kasi malaman ni Chelsea yung about dito

“Nasan yung bag ni Chelsea?” – Ako

“Nasa kotse, teka kukunin ko” – Gabby

“Guys..please..walang makakaalam nito, ieexplain ko nalang sainyo later” – Ako

Agad namang umalis sila Gabby at Renzie para kunin yung bag ni Chelsea, at ito naman ako, inaalalayan si Chelsea malapit sa may lababo para makakuha ng oxygen sa water na umaagos dun, ganun kasi yung natutunan ko sa health namin pero effective lang yun sa mga may asthma kaya hindi ko alam kung may naitutulong ba ito

Bumalik sila Gabby dala dala yung bag ni Chelsea, agad ko naming pinainom kay Chelsea yung gamot niya at pinahigop siya nung parang inhaler ba, basta yung parang ganun

Mga ilang minutes pa ang nakalipas kumalma na rin siya, inexplain ko naman kila Gabby na si Chelsea mismo ang nakiusap na wag sasabihin sa iba lalo na kay Jake, ayaw kasi niyang mag-alala yun

Nakauwi na kami ng bahay na hindi naman nahahalata nila Jake na may nangyaring masama kay Chelsea, kinabukasan nagprisenta na ko na umuwi na para narin masamahan ko si Chelsea sa ospital at agad naming sinabi ni Gabby kila Jake pero syempre ibang reason

Habang nasa byahe kami nagulat naman ako ng hawak hawak na ni Patrick yung cellphone ko na para bang may binabasa

“Patrick….”

Her Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon