Ch14: Ang Aking Comfort Place

2.2K 45 4
                                    

Pinagtitinginan at pinaguusapan kami ng mga estudyante na nasa hall way habang naglalakad kami

“Sila ba?”

“infairness bagay sila”

“oo nga, maganda yung girl ah”

“pero swerte siya kay papa Jake”

“Oo nga eh, hot pa naman nun”

Nagstop kami sa tapat ng clinic, binitawan niya ang kamay ko at sinabing maghintay ako dito, pagkalabas naman niya at hinatak nanaman niya ko pero ngayon nasa may quadrangle na kami, umupo kami sa isa sa mga bench

“Oh eto”

Tinignan ko lang siya ng parang nagtatanong kung para saan yun

“Band aid pantakip diyan sa kissmark”

Pagkasabi niya ng salitang kiss mark ay bigla siyang ngumisi

WAAAHHHH! Pinaalala pa niya na kiss mark yun >////////<

Akmang ilalagay ko na yung band aid ay bigla naman niyang kinuha ito

“Ako na, baka hindi mo pa malagay ng maayos”

Medyo tinaas ko lang yung ulo ko para malagay niya yung band aid, pag tingin ko sa may right side namin naaninag ko ng di kalayuan si Patrick, para bang may kung anong lungkot na bumabalot sa mata niya.

Nagseselos ba siya? Pero bakit? Bakit siya nagseselos kung wala naman siyang nararamdaman sakin? wala nga ba?


 

“Ayan ok na..tsss! di kasi nag-iingat eh..buti nalang sila Cherry lang nakakita”

“Ako pa hindi nag-iingat? Sino kaya may kasalanan nito?”

Hindi na niya ako sinagot pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi

“Bakit mo ginawa yun?”

Bago pa siya makasagot tumingin ako sa may lugar kung saan ko nakita si Patrick kanina pero wala na siya dun. Tinignan ko ng masama si Jake na tawa lang ng tawa

“Pasensya na… WAHAHAHA! Wag ka na magalit Maddy….gumaganti lang ako sakanya”

Her Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon