Epilogue

3.8K 67 17
                                    

 Nandito kami ngayon sa tapat ng airport para ihatid si Chelsea

Actually hindi pa rin alam ni Jake yung dahilan kung bakit siya aalis ayaw kasi niyang mag-alala si Jake at nangako din kami na itatago namin yung sekreto na yun

Two weeks na ang nakakaraan since mangyari ang mga bagay bagay

Nung una hindi talaga ako makapaniwala na kami din pala sa huli

Pero masaya ako at nagpapasalamat ako dahil ngayon pwede na namin ipagsigawan at ipakita sa iba kung gaano namin kamahal ang isa’t-isa

Hindi ko nga alam kung bakit sa ganitong edad ay ang dami na naming pinagdadaanan, siguro iisipin ng iba na bata pa kami at wala pa kaming alam sa mga ganitong bagay

Pero minsan hindi talaga maiiwasan sa buhay na makaranas ng iba’t-ibang pangyayari

Minsan magugulat ka nalang na ang dami mo na palang problema

Minsan malulungkot ka nalang dahil hindi mo namalayan na may nawala na pala sayo

Sabi nga ng iba, una unahan lang yan

Kung nararanasan mo na, make the most out of it para wala kang pagsisihan

Kasi ang love walang pinipiling tao

Kahit mahirap ka o mayaman pag tinamaan ka SAPUL! Wala ka ng kawala

Ang love walang pinipiling edad

Mapabata o mapamatanda kapag nasa harapan mo na SUNGGABAN mo na

Ang love walang pinipiling oras

Kapag panahon mo na para umibig wag ka nang mag-inarte dahil mamaya TIMES-UP ka na bago ka pa mag-umpisa

Ang love maraming surpresa

Sa una akala mo kayo na pero sa huli hindi pala o kaya minsan naman sa una akala mo wala ng pag-asa pero sa huli kayo din pala

Ganun ang nangyari samin ni Patrick

Kami pa rin sa huli pero syempre walang kasiguraduhan ang mga bagay bagay pero isa lang ang masasabi ko, ngayon pa lang magsisimula ang fairytale naming dalawa at kahit ilang stepsisters, wicked witch or kahit stepmother pa ang dumating magkakaroon pa rin kami sa huli ng isang tinatawag na

Happy Ending

--------------------------------------------


[A/N]: DAHIL MASYADO AKONG EXCITED, KAYA NATAPOS KO AGAD!! Eto na yung epilogue ha? wahahahaha!! Isang storya nanaman ang natapos. WAHAHAHA!! AAAAAAAAAT! wala po itong book 2, sorry! pero may bagong story po ako na ipinost, story siya nila Chelsea at Jake! so bali side story siya nito. kaya isupport niyo! Click the external link on the side ~_~

Salamat sa LAHAT NG NAGBASA NG HSB!! MAHAL KO KAYO! \(^_____^)/

love-love

~Jaz

© 2012 by Jazawesome. All rights reserved   

No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author

Her Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon